Chapter 1: Work Hard

34.2K 267 6
                                    

Just enjoy this book, and here is the first chapter.

Chapter 1: Work Hard

.

.

.

.

Sheeria's POV

"20 minutes break!" sambit ng isa sa mga staff. 

Umupo muna ako sa isang couch upang magpahinga, nakakapagod din pala ang ginagawa ko sa araw araw kahit na ang trabaho ko lamang ay magpost.

Hi, I'm Sheeria Sammontah Sy, SS na lang para 'di mahaba. 22 years old, ulila na ako at nakikitira lang sa aking Tita. Mahabang kwento ang tungkol sa pagkawala ng magulang ko, pero masaya pa rin ako sa buhay dahil sa mga sumusuporta sa akin at iyon ang mga taong naniniwala na kaya ko parin lampasan ang lahat ng pagsubok ko sa buhay kahit na hindi ko pa nasasabi sa kanila ang sikretong pinaka-iingatan kong mabuking at malaman ng iba.

Ayaw ko lang kasi na ma-disappoint sila sa mga nangyari sa aking nakaraan, gusto ko manatili ang pagsuporta nila sa akin at hanggang doon na lang iyon.

"SS times up na!" 

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Dea, napatingin ako kay Wyte (White) photographer slash manager habang naka crossed arm. Agad naman akong tumayo at pumunta sa aking pwesto upang makuhanan ng bagong litrato.

Post dito post doon, aura dito aura doon ng kung anong maisip ko habang kinukuhanan ako ni Wyte ng litrato.

"Good Sheeria, last shoot na lang." 

I tried the fierce look at the end, bentang benta kasi ang posture kong gano'n sa mga magazines e. Napansin kong napangiti si Wyte sa ginawa ko which means tama ako na isa sa mga signature ko ang fierce look.

"Okay pack up na tayo guys. And Sheeria bukas kailangan maaga ka, don't forget na may bagong maghahandle ng pagmomodeling mo." 

Tumango tango lang ako sa mga sinabi ni Wyte.

Sa loob ng mahabang panahon kasama ko na si Wyte sa trabahong ito, mabait siya kaso minsan may kayabangan din, may hitsura rin naman kaya ang daming naghahabol sa kanyang mga babae pero kahit isa wala siyang pinapatulan, hays sana all habulin haha.

By the way I'm still single, 'di kasama sa time ko ang makipaglandian lalo na ngayon, abala pa ako sa pag-iipon e. But of course I'm ready to mingle hindi lang sa ngayon.

"SS sabay na tayo." 

Nilingon ko si Dea na papalapit pa lamang sa akin, best friend ko siya since college at hanggang ngayon na may trabaho na kami.

Deamond Miñas ang buo niyang pangalan, anim na taon ko na siyang kaibigan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya ang sekreto ko. Hindi ko naman kailangan ipagsabi ang tungkol sa bagay na iyon, kaya kong solusyonan ang sarili kong problema.

"Dea anong oras ka free tomorrow?" tanong ko sa kanya habang nagsusulat sa diary ko na kasing cute ni Dea. 

Sa kanya galing ito kaya naisipan kong dito na lang isulat ang mga pangyayari sa buhay ko.

"Sorry SS may family bonding kami e, at nangako ako na sasama sa kanila. Si Leanna tawagan mo baka free siya."

"Talaga? Enjoy your family bonding, okay?"

"Pasensya na, hindi kita masasamahan sa photoshoot mo."

"Ano ka ba? Ayos lang."

Ang hirap talaga kapag wala kang kasabay pa uwi then late in the evening pa, kung buhay lang sina Mommy at Daddy hindi ko dinadanas ang lahat ng ito but I need to do this para mabayaran ang utang ng pamilya ko. Hindi ko din kasi alam kung saan napunta ang inutang nilang iyon, siguro kay Tita dahil siya lang naman palagi ang inaalala ni Mommy kapag may sakit ang anak niya na si Hanny. Ang galing din kasi ng ama ni Hanny, iniwan lang naman kasi si Tita ng kanyang magaling na boyfriend at ang sabi papakasalan daw, pananagutan daw ngunit lumipas ang ilang taon hayun hindi na nagpakita kahit anino niya. Kaya hayun si Tita na lang ang nag-aaruga kay Hanny mag-isa, at dahil si Mommy na lang ang pamilya ni Tita, sa amin lang siya nakakalapit, kaya kahit anong hingin niya ibinibinigy naman ni Mommy, at sa hindi inaasahan naubos ang pera nina Mommy at Daddy hindi ko alam kung bakit, dahil sa pagkakaalam ko kasi ayos naman ang business nila noong nasa school pa ako, nalaman ko na lang na umutang pala si Daddy sa matalik na kaibigan niya na isang sikat na artista.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Där berättelser lever. Upptäck nu