Chapter 14: Deal

10.5K 80 6
                                    


Sheekk's POV

Maghahating gabi na ng matapos ang event halos nagsiuwian na rin ang iba. Ang event na ito ay para kay Reeyah na isa ng CEO ng kanilang kompanya, masaya ako para sa kanya at natupad na ang kanyang pangarap na maging CEO.

Habang inaayos ng mga crew ang labas ng bahay ay pumasok na ako sa kwarto na nireserve sa akin ni Reeyah, napakabait niya talaga kahit kailan.

Maagang umalis sina Laxy with SS and RJ. I'm happy today na nakita ko siya, after many years ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganoon at wala pa ring pinagbago ang napakagwapo at nakakapanghina niyang mga mata. Humiga ako sa kama habang kinukulikot ang aking cellphone.

Tok tok tok

"Pasok po." sambit ko ng may kumatok sa pinto, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang best friend ko na si Reeyah.

"Sheekk okay ka na ba dito?" pagtatanong niya sa akin habang pumapasok sa kwarto.

"Oo naman." nakangiti kong sagot.

"May pupuntahan lang ako, sasama ka ba?" napatingin ako sa kanya ng muli niya akong tanungin.

"Ah hindi na, maaga pa kasi ako bukas." napakamot pa ako sa ulo ng ako'y sumagot.

"Ah okay, sige una na ako. Pahinga ka na." agad na siyang lumabas ng kwarto at sumakay ng kotse. Bumaba na siya at tinungo ang garage, sinilip ko siya sa bintana ng umalis ang kotse na sinakyan niya.

After nun bumalik na ako sa kama at humilata. Kakapagod din pala ng ganito, hindi pa naman ako sanay ng wala sina Mommy at Daddy.

"Makatulog na nga lamang." sambit ko sa aking isipan.

Laxy's POV

"Anu po ba ang nangyari?" nag aalala kong tanong sa isa sa kasambahay.

"Nung pumasok po kayo sa kwarto niyo bigla na lamang siyang nagsuka at nahimatay." nangangatal niyang pagpapaliwanag sa akin.

Nasa sala kaming lahat, mag aalasdose na ng umaga ngunit gising pa kaming lahat.

Nakahiga si Sheeria sa sofa na namumutla at nangangatal sa lamig, nagpatawag na si Tita Hezel ng doctor upang tingnan ang kalagayan ni Sheeria.

Nang dumating ang doctor ay nakatingin lang ako kay Sheeria na nakasando at nakashort.

Di ko alam kung anu ang dahilan ng pagsusuka niya.
"Pwede ba natin siyang ilipat sa kwarto?" pagtatanong ni Doc Corra kay tita Hezel.

"Sa kwarto ko na lang po." tumingin lahat sila sa akin ng sabihin ko iyon.

"Ako na rin po ang magbubuhat." pag bovolunteer ko, kaya yun ako na ang nagbuhat kay Sheeria. Medyo magaan siya ng buhatin ko. Halos lumapat ang ulo niya sa pisngi ko ng buhatin ko siya, ramdam ko ang ang mainit niyang paghinga at ang malamig niyang binti na hawak hawak ko habang buhat buhat siya.

Nang maidala ko na siya sa kwarto ko ay agad na akong lumabas sabay pasok naman ng doctor, ganun din si Tita Hezel.

Umupo ako sa sofa kung saan iyon ang pinaghigaan ni Sheeria, pinipigilan ko ang pagpikit ng aking mata upang hindi makatulog.

"Laxy, dun ka muna matulog sa kwarto ni SS. Pasensya na ha." sambit ni tita Hezel.

"Ayos lang po, sige matutulog na po ako." nagpaalam na ako at umakyat sa kwarto ni Sheeria. Si tita Aissel ay nasa kabilang kwarto, malapit sa kwarto ni tita Hezel.

Bakit kaya siya nagsuka? Teka anu ba ang kinain niya kanina sa party? Malalim kong pag-iisip kung anu ang dahilan ng pagsuka ni Sheeria. Napatingin ako sa orasan, 12:10 na pala makatulog na nga lamang.

Third Person

Nakatulog na si Laxy, habang nag aayos naman si Corra ng kanyang gamit dahil tapos na niyang tingnan kung anu ang naging cause ng pagsusuka ni SS. Hindi na siya pinauwi ni Hezel sa halip ay doon na pinatulog at nagpalipas ng gabi.

Sa kabilang banda ay mahimbing na natutulog si Sheekk. Habang si Reeyah ay nasa labas pa.

Someone's POV

"Oh Reeyah nandito ka na pala, akala ko di kana darating." ngumiti siya sa akin at agad na pumasok sa kwarto.

"Anu na naman ba ang pag uusapan natin?" mataray niyang tanong sa akin.

"Reeyah baka nakakalimutan mo nung nakaraang araw, ayaw kong pumalpak ka. Tandaan mo hawak ko ang magulang mo kaya mag ingat ka, ingatan mo ang kompanya."

"Oo na, basta kapag nangyari na iyon agad mong pakakawalan ang magulang ko." nag aalala niyang sagot.

"Deal." sabay thumbs up.

"Deal." mahina niyang sagot.

"Sige aalis na ako, sa susunod pwede sa cellphone mo na lang ako kausapin para naman di nasasayang ang oras ko." paghingi niya ng suggestion.

"Siguro mas maganda kung personal tayong mag usap, baka kasi alam mo na."

"Hindi ko naman iyon gagawin, kilala mo ako Le-----."

"Huwag mong babanggitin ang pangalan ko, ayaw kong tinatawag mo ako sa pangalan ko. Makakaalis ka na!" sigaw ko kanya

Umalis na si Reeyah at naiwan na akong nag iisa dito sa aking office.

Ilang araw na lamang at makakahinga na ako ng maluwag. Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa pag alis ng kotse ni Reeyah.

Third Person:

Bumalik na si Reeyah sa kanilang bahay, nagpahinga na siya at natulog.

Kinaumagahan maagang nagising si Sheekk kaya tumungo na lamang siya sa kusina para magluto ng breakfast.

Sheekk's POV

"Ako na po ma'am ang magluluto." pag aagaw sa akin ng kasambahay na kagigising lamang.

"Ah ako na po, gusto ko po ako ang magluto ng breakfast natin ngayon." nakangiti kong sambit sa kanya. Kailan ko kasing maagang makaalis may pupuntahan pa kasi ako, pero gusto ko talaga magluto.

"Umupo na lang po kayo at manood." medyo may halong pagmamayabang ko hehe, sanag kasi ako na pinagluluto ko sina Mommy at Daddy, para na rin sa pagkuha ko ng exam. Next month na iyon at gusto ko makapasa na ako, naka ilang take na kasi ako then lagi akong fail.

Nga pala pangarap ko kasi maging Chef, kaya nagsasanay ng magluto ng iba't-ibang lutuin. Siguro pag natikman niyo luto ko makakalimutan niyo pangalan niyo hehehe ang yabang ko naman.
(A/N: talaga lang ha.)

Wag ka nga author, moment ko to.

(A/N: Okay sige.)

Porket magaling ka magluto, pero idol din kita. Nga pala si author ay magaling din magluto kahit di pa siya chef kasi Education kinukuha niya. Oh ayan ha pinakilala na kita.

(A/N: Oo na, thanks)

Okay balik tayo sa niluluto ko. Si author kasi sumingit pa, okay nagluto ako ng special soup, kakkaiba iti sa mga soup na alam niyo dahil ako ang nag imbento ng ingredients nito, nagluto din ako ng Fried Egg ala Sheekk, syempre di mawawala ang bacon, hotdog at toasted bread.

Pero nangingibabaw ang amoy ng soup ko, pwede siya sa lahat ng meal.

"Ang bango naman niyan." napalingon ako at nakangiti si Reeyah ang bumaba habang nakatingin sa niluluto ko.

"Gising ka na pala."

"Pwede na bang kumain?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako na ang ibig sabihin ay OO.

"Anu to?" sabay turo sa soup.
"Special soup ko yan." nakangiti kong sambit.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now