Chapter 55: Second to the Last Chapter

8.1K 51 0
                                    


Chapter 55: Second to the Last Chapter.

Leveen's POV

"Uhm Laxy may nasabi ba sayo ang doctor kung anung oras idadala si Leanna dito?" Tanong ni Tita Charee kay Laxy. Medyo napailing lang si Laxy at tumungo bago sumagot.

"Maghintay na lamang po tayo Tita, parating na po iyon." Magandang sagot ni Laxy sa nag aalalang si Tita Charee.

Habang naghihintay ay napansin ko ang lalaking nasa harap ko na tila kinakabahan na ewan, katabi siya ni Tita Charee. Sino pa? Edi si Zekiell. Pilit kong tinitingnan siya sa mata pero umiiwas siya sa bawat pagsulyap ko. Tila may kakaiba sa kanyang mga mata, tila may gustong sabihin pero hindi niya magawa dahil sa may kung anung pumipigil sa kanya, maya maya pa ay bigla na lamang kumulo ang tiyan ko, hindi pa kasi ako kumakain matapos ang nangyari kay Leanna.

"Laxy lalabas lang ako para makabili ng makakain, kumukulo na kasi ang tiyan ko eh. Pati yung kay Dea kumukulo na rin."

"Sige Sandro, bilisan mo na lang."

"Sige, alis na ako." Lumabas agad si Sandro upang makabili ng makakain. Kaya bigla akong napangiti dahil finally malalamnan na ulit ang tiyan ko, kanina ko pa kasi ito pinipigilan ko lang.

.
.
.
.
.

Sandro's POV

Gumamit ako ng elevator para mabilis makababa, nagulat ako ng bigla akong salubungin ng mga reporters pero may humarang sa kanila then parang familiar iyon sa akin. "NIU" basa ko sa damit nila.

Meaning nandito sina Director Mabasa? Bakit naman?

"Sumakay ka sa van." Bulong sa akin ng isang NIU guard. Agad din akong sumunod kahit na pinagkakaguluhan na ako ng mga reporters.

Pagkapasok ko sa van.

"Kamusta ang kaibigan niyo?"

"Okay lang po ma'am."

"Nga pala kaya ako naparito ay para ipagbigay alam sa iyo na may bagong nalocate si Whychael." Iniabot niya sa akin ang flashdrive kaya agad ko ring pinanuod iyon.

"Talaga bang mapagkakatiwalaan natin ang Whychael na iyan?" Tanong ng director kaya napalunok ako ng sabihin niya iyon.

"Pwede naman po siyang pagkatiwalaan diba?" Tanong kong tugon sa tanong niya sa akin.

After kong mapanood ay agad na rin akong bumaba ng sasakyan. Wala na ang mga reporter kaya mabilis akong nakarating sa isang karinderya, agad din akong umorder ng makakain naming lahat. After no'n ay bumalik na agad ako sa hospital, napatakbo ako dahil napansin ako ng isa sa mga reporter kaya dali dali akong sumakay ng elevator. Agad ko ring pinindot ang number 2 at close para hindi ako maabutan ng reporter na iyon.

Nakahinga ako ng maluwag matapos mangyari iyon. Kahit na malamig sa loob ng elevator ay pawisang pawisan pa rin ako. Pero iba ang nagpapapawis sa akin, hindi dahil sa mga reporter na iyon kundi dahil sa napanood ko mula sa ibinigay ni Director Mabasa na video. At kailangan malaman agad ito nina Laxy.

Tingggg

Lumabas na agad ako ng bumukas ang elevator, agad ko ring tinahak ang daan pabalik sa room 202 kung saan naghihintay sina Laxy. Habang naglalakad napansin ko ang isang lalaking nakasuot pangdoctor na sumusulyap sulyap sa kuwartong aking pupuntahan. Siguro iyon na ang doctor ni Leanna kaya nilapitan ko siya.

"Doc okay na po ba si Leanna?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry pare anung room ba ito?" Tanong niya sa akin.

"Room 202 po."

"Ay pasensya na maling room ang tiningnan ko, 203 pala. Pasensya na ha malabo na kasi ang paningin ko eh, pasensya na. " Lumakad siya at pumasok sa kabilang kuwarto, kung saan iyon ang tinutukoy niya. Hindi na ako nagtaka pa dahil katulad niya rin ako na medyo may kalabuan na ang mata. Hindi ko nga masyadong naaninag ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now