Chapter 32: Story of Leanna

6.9K 56 4
                                    

Another UpDate

Chapter 32: Story of Leanna

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dea's POV

"Dea. Hu hu." bigla akong niyakap ni Leanna ng salubungin ko siya sa labas ng isang restaurant. Mapula ang mata niya at mukha, tila kanina pa siya umiiyak habang hinihintay ako.

"Shhh, sige Leanna iiyak mo lang yan. Take your time." sabay hagod sa kanyang likod.

.
.
.
Ilang segundo lamang ang nakakalipas humiwalay na siya sa akin sa pagkakayakap.

"Ba bakit ganun Dea? Ma maganda naman yu yung proposal ko but but Reeyah did not accept it." naiiyak na sabi ni Leanna habang patuloy na pumapatak ang mga luha.

"Hi hindi ko na a alam ang ga gagawin, nawawala na nga si SS then then dadagdag pa i ito." pinunasan ko ang kanyang mga luha sa kanyang mukha. Nag aalala ako sa kanya, dahil sa nangyari sa kanya kanina. Medyo mainit ang pisngi niya pero mas nag alala ako ng makita ang pasa niya sa kanang legs niya. Nakashort kasi siya kaya kita ang magaganda at makinis niyang legs.

"Dea, may may mali ba sa mga gawa ko?" patuloy na naiiyak na sabi ni Leanna.

"Leanna siguro hindi talaga para sa iyo ang business."

"Hindi Dea,  diba ikaw na rin ang nagsabi noong college tayo. Ang ang sabi mo ma magiging isang matagumpay na business business woman ako. Diba?" napaisip ako sa sinabi niya.

"Leanna nagbabago ang panahon alam mo yun. And syempre college pa ako nun at tsaka hindi pa ako medyo matino mag isip noon. Tsaka diba engineering ang course natin hindi business?"

"Hindi hindi, business talaga ang ang gusto ko noon pa. Pero pero ayaw lang ako payagan nina Tito dahil dahil pangarap daw iyon ni Mommy. Hu hu hu." mas lalong umiyak si Leanna ng banggitin niya ang kanyang mommy na natamay noong limang taong gulang siya.

Nga pala walang tatay si Leanna, I mean single parent lang ang meron kay Leanna. Dalaga pa lamang ang mommy niya nabuntis na siya ng maaga, engineering ang course nito ng mabuntis. Isa sa heartrob ng campus noon sa kanila ang ama ni Leanna, pero hindi nito pinanagutan ang mommy ni Leanna. Napatigil sa pag aaral ang mommy niya, pero binuhay niya pa rin si Leanna. Mag isang binuhay ni Tita Anna (mommy ni Leanna) si Leanna. Hanggang sa tumuntong ito sa edad na lima.

October 14 ika limang kaarawan ni Leanna, naghihintay siya sa labas ng bahay para sa paparating na ina. Pero makalipas ang apat na oras walang dumating.

Nakatulog na si Leanna sa upuan na nasa labas habang hinihintay ang kanyang ina. Nilapitan na siya ng kanyang Tito upang buhatin siya upang idala sa kwarto niya.

Nang magising siya, nagulat siya ng lumabas siya ng kwarto niya. Bumungad kasi sa harapan niya ang mga bulaklak na nakalagay sa isang kulay puting box, yun ang tawag niya sa kabaong. Puting Box.

Pero dahil bata pa siya hindi niya pa alam ang tunay na tawag doon. Lumaki si Leanna na nag iisa, sinuportahan lang siya ng Tito niya noong nag aaral pa siya. Mabait ang pamilya niya pero dahil isa lang ang kapatid ng mommy niya, wala siya masyadong kamag anak, dahil halos lahat ng kamag anak niya ay nasa New York.

"Ihatid mo naman ako sa bahay oh." napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang sinabi niya.

"Sige ako na maghahatid sayo. Okay ka na ba?" tanong ko pero tumungo lang siya.

Isinakay ko na siya sa kotse ko upang ihatid siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wyte's POV

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now