Chapter 52: PLEASE

6.5K 49 1
                                    

Chapter 52: PLEASE





Wyte's POV

"Bakit ba dumaan ka pa sa office?"

"Eh anu naman? Yun ang gusto ko eh."

"Tapos doon ka pa nagpahinga."

"Kuya chilax, cool ka lang di naman nila malalaman."

"Kahit na! Ayaw ko ng makikita ang pagmumukha mo sa office!"

"Okay fine."
Napakamot na lang ako sa aking ulo habang naghuhugas ng aming pinagkainan.

"Hindi ba sila nakahalata?"

"Pwede ba bilisan mo diyan sa pagkain. Matatapos na ako dito di ka pa diyan tapos!"

"Ito na po, ito naman."

"Chael huwag mong kakalimutan yung mga sinabi ko sayo dati."

"Okay gusto mo mamaya simulan ko na. Nangangati na kasi ang kamay kong gumawa ng mga exciting na bagay, anu mamaya ko na sisimulan?"

"Hayy bahala ka kung yan ang gusto mo. Basta mag-iingat ka."

"Oo naman ako pa. Sige alis na ako."

"Huh?"

"Kukunin ko na yung red paper, sige bye."

"Chael!" Nakatakbo na agad siya ng sumigaw ako.

Hayyy kahit kailan talaga ang lalaking iyon.

.
.
.
.
.
.

Hezell's POV

"Oh Whychael naparito ka?"

"Tita magtatanong lang po sana."

"Anu ba iyon?" Agad na kaming pumasok ni Whychael sa bahay.

"Tita may nabanggit po ba sa inyo si SS about dun sa papel na hinihingi ko sa kanya dati pa?"

"Ay oo, yung matagal mo ng hinihingi. Nakita ko na teka kukunin ko lang sa kuwarto niya."

Agad ko ring kinuha ang kahon mula sa kuwarto ni SS at inilabas ang mga papel na nakolekta niya sa bawat bansang napuntahan niya noong bata pa siya.

"Anung kulay nga nun?"

"Red violet po."

"Sandali lang." Hinalungkat ko ang kahon at hinanap ang kulay red violet na papel.

"Ito ba?" Agad kong itinaas ang kulay red na papel.

"Tita red po iyan, red violet po haha color blind na po ba kayo?"

"Hindi naman, naduling lang siguro ako. Ito red violet."

"Ito nga po tita, salamat po. Alis na po ako."

"Sige, sabihin mo sa kuya mo bumisita siya paminsan minsan."

"Opo." Umalis din agad si Whychael ng makuha niya ang red violet na papel na matagal na niyang hinihiram kay SS.

.
.
.
.

Whychael's POV

Sa wakas alam ko rin kung saan nakalagay.

Nakangiti akong lumabas ng bahay sa tita ni SS ng makuha ang red violet na papel na matagal ko ng hinihingi kay SS. Bago ako umalis ay sinilip kong mabuti kung saan inilagay ang kahon na iyon, pero napatigil ako sa pag ngiti ng makita ko si tita Hezell na nakatingin sa direction ng kotse ko. Kaya agad ko ring pinaatras ang kotse.

Nang makalayo ako ng kaunti ay tinanaw kong muli ang kahon, nandodoon pa rin iyon sa puwesto niya. Kaya agad ko ring pinaharurot ang kotse pauwi sa amin.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon