Chapter 35: Anniversary

6.4K 48 0
                                    


Chapter 35: Anniversary

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Patuloy na ipinapaliwanag nina Wyte at Charee ang lahat ng ebidensya na nakalap nila upang patunayan na si Lena Lopez talaga ang nasa likod sa pagkawala ni SS. Pero kita sa mukha ni Wyte ang sobrang pag aalala sa ebidensya nilang nakalap, tila kasi may gumugulo sa kanyang isipan at tila may mali sa mga iyon. Sa patuloy nilang pagpapaliwanag, ipinakita rin nila ang mga footage na ibinigy ni RJ. Habang pinapanood iyon bigla namang dumating sina Laxy at Zekiell.

"Laxy late na tayo." bulong na sabi ni Zekiell kay Laxy na nakangiwi pa habang nakahawak sa bandang tiyan.

"Okay ka lang?" tanong niya, tumango tango lang si Laxy kay Zekiell biglang sagot na ayos lamang siya.

Umupo sila sa may bandang unahan kung saan malapit sa kinatatayuan nina Wyte.

Nakapwesto si Lena sa may kanang bahagi ng kwarto kung saan nakapusas pa siya. Habang si Wyte naman ay nakatayo na malapit kay Officer Jacob na katabi pa ng isang judge.

Makalipas ang ilang oras nagsilabasan na silang lahat sa kwartong iyon, nagsitayuan naman ang mga reporters na naghihintay sa paglabas ng bawat isa. Dalawang police ang nagbabantay kay Lena habang apat naman ang nasa bandang likuran.

.
.
.
.
.

Habang naglalakad palabas ng kwarto ay biglang may humarang sa kanilang lahat. Isang lalaki na nakasout ng black leather jacket at may sout na helmet. Basang basa ang kanyang sout dahil sa malakas na ulan sa labas.

"Saan niyo siya dadalhin?" tanong nito sa lahat.

Biglang inilabas ng dalawang nagbabantay kay Lena ang kani kanilang baril.

"Teka teka. May gusto lamang akong sabihin." napataas ng kamay ang lalaki habang nakatutok ang ilang baril sa kanya.

"Sino ka?"

"May sasabihin lang ako."

"Wala siyang kasalanan!" sigaw nito kahit ang lapit ng distansya nito sa kanila.

"Wala ka ng magagawa. Marami na kaming ebidensya, kaya wala kang maipapalusot na dahilan." seryosong sagot ni Officer Jacob.

"Ebidensya, matanong ko lang pinag aralan niyo ba talaga ng mabuti ang mga ebidensyang hawak niyo?" tanong nito sa lahat habang nakataas ang kamay dahil nakatutok pa rin ilang baril.

"Tu tumigil ka na!" sigaw ni Lena sa lalaki.

"Alam niyo feeling ko wala sa labas ang kumidnap kay SS, dahil nandito siya!" pasigaw niyang sabi sa huli. Hindi niya na lamang pinansin ang sinabi ni Lena.

"Huhhh!" sabay sabay na reaction ng lahat pati na rin ng mga reporters at ang may hawak ng baril.

"At sino ka naman para sabihin mo iyan sa amin? At anu ang sabi mo nandito ang kumidnap kay SS?" tanong din ni Laxy.

"Nandito talaga, dahil mismong si Lena ang nag utos niyon." Laxy added.

"Teka kilala mo ba siya Lena?" tanong ni Jacob kay Lena na nakatungo lamang.

"Hindi niyo na kailangang malaman kung sino ako, ang kailangan ko lang ay ang malaman niyo na wala talagang kasalanan si Lena Lopez sa kasong kinasasangkutan niya ngayon."

"Magdahan dahan ka sa pagsasalita mo, wala ka sa posisyon para magsalita ng mga ganyan." sambit ni Charee.

"Teka sino ka ba talaga? At bakit hindi mo tinatanggal ang helmet na suot mo?" tanong ng isang police na may hawak na baril.

" Tulad ng sinabi ko, wala siyang kasalanan." pagsabi na pagkasabi ng lalaki ay agad na itong umalis at sumakay ng motorcycle na kulay itim na nakapark sa tabi ng pick up car na ginamit kanina nina Jacob.


.
.
.

"Lena sino siya?" tanong ni Jacob.

"Huwag niyo siyang idadamay dito, wala siyang kinalaman dito." nakatungong sabi ni Lena, napatingin sina Wyte kina Jacob at Lena.

"Ang tanong ko ang sagutin mo, sino siya?" biglang pinigilan ng isang police guard si Jacob ng akmang hahawakan sana si Lena.

"Sir may mga reporters po, be careful sa mga galaw niyo." bulong nito kay Jacob.

Nagpaubaya naman si Jacob kaya hindi niya na lamang itinuloy ang gagawin.

Sumakay na ulit sila sa pick up car para ihatid si Lena sa isa pang headquarter upang paaminin sa mga kasalanan na nagawa niya.

.
.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa kabilang banda naman, si Leanna ay nakalublob sa bathtub. Mag dadalawang oras na siya sa bathroom pero hindi pa rin siya tapos.

"SS nasaan ka na ba?" tanong niya sa mga bubbles na nakakalat sa buong bathroom. Nagsimula na namang mamula ang pisngi niya, nagiging emosyonal na naman siya habang iniisip si SS kung nasaan na ba siya.

Pinunasan niya ang unang luhang dumaloy sa kanang pisngi niya, nalagyan tuloy ang kanyang pisngi ng bubbles.

"SS, wa wala na akong tra trabaho. Hin hindi na ako CEO, please SS nasaan ka na? Miss na miss na ki kita. Hu hu" nagsimula ng magtuloy tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa magkabila niyang mata.

Pero mas napaiyak siya ng may sumagi sa kanyang isipan.

Ngayong araw kasi ang 17th death anniversary ng mommy niya, at ngayong araw din ang kanyang ika tatlong taon sa trabaho niya na ngayon ay wala na.

"Hu hu, mommy I really miss you. Humn hin hindi ko na po ka kayaaa." dirediretsong bumagsak ang kanyang mga luha, hindi niya na lamang pinunasan dahil may sabon ang kanyang kamay. Hinayaan niya na lamang ng bumagsak ang mga ito.

Nakisabay siya sa malakas na ulan pati na rin sa pagkulog at pagkidlat nito sa labasan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Si Dea naman ay nakatingin ng malayo habang nakaupo sa isang cotton sofa at may suot pa siyang jacket. Halos lumamig na ang kanyang hot soup na ipinaluto niya ng dumating siya mula sa bahay ni Leanna.

Nag iisip ng malalim at tila malayo iyon sa inaalala niya.

"Dea honey anak, may tawag ka." napalingon siya sa kanyang mommy na may hawak ng telepono. Agad naman niyang kinuha ang telepono.

"Hello."

"Hello, pwede ba tayo magkita?"

"Bakit naman?"

"Basta, may hindi ka tinupad sa mga sinabi mo. Kaya gusto ko makipagkita sa iyo."

"Sige just text me the place."

"Okay."

Agad na niyang ibinaba ang telepono, muli na namang lumungkot ang mukha niya na tila sobrang bigat ng iniisip.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Someone's POV

"Nakaharap ko siya kanina, sumugod siya sa office ni Jacob. Mag iingat kayo sa ginagawa niyo."

"Opo sir."

"Kamusta siya?"

"Ayos lang po."

"Si My Lady? Dumadalaw ba siya?"

"Ah bihira po, may kapulong po kasi kahapon at kanina eh."

"Pinapakain niyo ba siya?"

"Opo naman, teka bakit masyado kang concern sa condition niya?"

"I just need to check if she is okay, hoy tandaan niyo binabayaran ko kayo kaya huwag kayong umasta na kayo ang bossing dito."

"Ikaw ba talaga o siya."

Tok tok tok tok
Tok tok tok tok

"Siya mamaya ko na kayo tatawagan, may kumakatok kasi eh. Sige bye."

"Bye."

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now