Chapter 31: Last Day

7.1K 49 0
                                    


Chapter 31: Last Day

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Zekiell's POV

"Anu may warrant of arrest na?" nagulat ako ng sumigaw si RJ sa kabilang linya.

"Chilax RJ, anu ka ba diba ikaw ang nagbigay ng mga ebidensya noong nakaraang araw kaya napadali ang pag iimbestiga."

"Oo nga pala, sorry nakalimutan ko."

"Teka maiba tayo, kamusta kayo?" tanong ko sa kabilang linya.

"Ah ayos naman, gusto mo ba kausapin si Riana?"

"Ah hindi hindi na, anu ka ba RJ kaibigan ko lang si Riana ha. At hoy ayaw kitang maging bayaw."

"Hahaha sige sige babye na, tinatawag na ako ni Papa eh. Sige balitaan mo na lang ako."

"Sige bye." ibinaba ko na ang cellphone matapos ibalita kay RJ ang mga nangyayari ngayon. Nandito pa rin hanggang nagyon ang mga police officer, sinusubukan nilang idouble check ang mga ebidensya na nakalap namin. Isinama na rin namin ang ibinigay ni Leanna.

"Zekiell!" napatingin ako sa labas ng may tumawag sa akin.

"Oh Leanna, who brought you here?"

"Here." iniabot niya sa akin ang isang cellphone na nakalagay sa zip lock.

"Oh anu naman ito?" tanong ko sa kanya.

"Ibinigay iyan ni Dea sa akin kaninag umaga, eh ngayon lang ako nakadaan. Tinawagan niya si SS bago siya makidnap, nasagot naman ni SS ang kaso biglang namatay. But narecord naman ang oras at boses ng sumagot. Diba sira na yung cellphone ni SS kaya wala kayong mahanap pa na ebidensya. Mabuti na lamang at hindi niya pa nadedelete." mahabang paliwanag ni Leanna.

"Ah salamat Leanna, pasok ka muna."

"Ah hindi na, kailangan ko pa kasing pumunta sa office para sa proposal ko eh. Kailangan kong ayusin at pagandahin pa."

"Ah ganun ba. Sige salamat na lamang." umalis na si Leanna at sumakay ng kotse.

.
.
.

"Oh Zekiell anu yan?"

"Ah another evidence po officer."

"Come here." lumapit ako sa kanya ng sabihin niya iyon.

"Are you familiar?" sabay turo sa isang larawan ng lalaking nakasuot ng black leather jacket at iyon ang dumukot kay SS.

"Sorry sir pero medyo blur kasi ang picture eh."

"Ah ganun ba. Pero may kilala ka na may ganitong tatoo." isinoom in niya ang picture kaya nakita ko ang number 143 sa bandang braso niya kung saan malapit sa may relo.

"Wala po officer, pasensya na po." sagot ko sa kanya.

"Officer how about this?" napalingon kami ni officer sa bandang kaliwa ng tent. Nandoon sina Laxy, Wyte, yung dalawang kasama ni officer at si Tita.

"Yes ma'am what is it?"

"I found a number 143 from the suspect's left arm." ipinakita sa amin ni Tita ang litrato na tinitingnan din namin ni officer kanina.

"We totally found that tatoo, kayo ba may kilalang lalaki na may ganitong tatoo?" tanong ni officer.

"Wala officer eh." sago ni Wyte. Si Laxy naman tahimik lamang.

"Laxy how about you?" napatingin ako kay Tita ng tanungin niya iyon, napansin niya siguro kaya naitanong niya agad.

"Uhm, nothing Tita. Nothing." agad na sagot ni Laxy.
Nilapitan ko siya at kinulbit.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon