Chapter 47: I thought

6.1K 56 0
                                    

Chapter 47: I thought

Sheeria's POV

Hindi ko na alam ang gagawin, marami ng nadadamay at nasasagasaan ng dahil sa akin. Bakit ba kasi ngayon pa? Kung kailan kailangan kong mag move on sa isang bagay na dapat matagal ko ng kinalimutan.

Matapos akong tulungan ng taong iyon ganito ang madadatnan ko, nagkakagulo sila, nag-away away ng dahil sa akin, hindi ko maintindihan kung dapat ba akong matuwa dahil nakabalik na ako, o dapat akong malungkot dahil sa kalagayan nilang lahat.

Kung pepwede ko lang ibalik ang lahat lahat simula noong una. Pero huli na,nangyari na ang lahat lahat, wala na akong magagawa sa lahat ng mga nangyari, hindi ko hawak ang oras at panahon para mabago ang bawat pangyayari sa buhay kong ito.

Tila mas lalo akong nalito sa nalaman ko mula sa taong iyon, lubusan akong nagpapasalamat sa kanya dahil tinulungan niya akong makalabas sa lugar na iyon. Pero papaano niya nalaman na nandodoon ako? Bakit alam niyang nasa liblib at hindi pamilyar na lugar ako? Kasabwat ba siya nina Laxy at Sheekk? Paano niya nalaman ang lugar na iyon?

"SS!" Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses ng isang babae, nakatayo siya sa pinto ng bahay. Umiiyak siya na natutuwa habang dahan dahang naglalakad patungo sa puwesto ko, hindi ko alam ang nararamdaman ko sa bawat distansyang paglapit niya sa akin.

Walang emosyon kong niyakap ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang tanging nasa isip at puso ko lamang ay ang pangyayari na nalaman ko. Ang daming katanungang bumabagabag sa akin, ang dami ring posibleng sagot na naiisip na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sayo? Sabihin mo, sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod niyang tanong.

"No Tita, gusto ko munang magpahinga." Walang emosyon kong tugon sa mga tanong niya.

"Ipaghahanda kita ng makakain, doon ka muna sa kuwarto mo." Pumasok na kami sa loob ng bahay ng sabihin niya iyon. Nanibago ako kay Tita, tila alalang alala siya sa akin. Paano niya nalaman na matagal na akong nawawala?

Agad akong pumasok sa kuwarto.

"Saan ka ba kasi nila dinala? Mabuti na lamang at pumayag ang kaibigan ko na iiwan si Hanny sa Singapore para matuloy ang operasyon."
Lumabas ako ng kuwarto at naghugas ng kamay, naghilamos din ako ng mukha.

"Kumain ka muna bago ka matulog."

"Hindi po ako gutom."

"SS, sabihin mo sa akin. Paano ka nakatakas? Nakita mo ba ang hitsura nila? Namukhaan mo ba silang lahat? Sinong tumulong sayo?"

"Tita, pwede po bukas na lang pagod ako."

"Nag alala ako ng husto SS, hindi ko alam ang gagawin nung malaman kong nawala ka. Kaya agad akong umuwi para tumulong, lumapit ako kay Officer Jacob pero ang sabi niya kumalma lang daw ako. Ginagawa nila ang trabaho nila para mahanap ka. Then ang nakausap ko si Laxy, ang sabi niya siya daw ang gagawa ng paraan para mahanap ka."

Anu? Ang kapal ng mukha niya!

"Tinanong niya ako ng maraming beses."

"Tungkol naman saan?"

"Tungkol sa mga naging kaaway mo, kaya sinabi ko ang lahat. Para lang mahanap ka niya."

"Anu pong sinabi niyo?"

"Sinabi ko na wala kang naging kaaway, pero paulit ulit niya akong tinatanong. Araw araw siyang pumupunta dito sa bahay para makakalap ng bagong sagot sa mga tanong niya. Pati nga personal mong account tinanong niya."

"Pero huwag kang mag alala dahil wala akong sinabi."

Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ba kita Tita. Kasabwat ka rin ba nila? Naninibago ako sa mga ikinikilos mo, anu po ba kasi ang gusto ninyo sa akin? Bakit niyo ako ipinadukot?

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang