Chapter 21: Jealous

8.4K 65 0
                                    



Laxy's POV

Kailan ko ba maamin sayo ang aking nararamdaman? Everytime na nakikita kita hindi ko makontrol ang aking sarili na lapitan ka. I always wanted to be with you, and always to be by your side.

"Hoy Laxy kanina pa kita kinakausap." binatukan ako ni Zekiell, nakalimutan ko pala na nasa studio ako. Ewan ko ba kung bakit nakatitig ako kay Sheeria, feeling ko di kumpleto ang araw ko ng hindi siya nakikita.

"Ang ganda niya nuh?" sabay batok ulit sa akin ni Zekiell, kaya binatukan ko siya.

"Anu ba kayong dalawa? Para kayong mga bata, tapusin niyo na yan. Pumunta na kayo sa labas." galit na sabi ni Kianna, nga pala palabas kami para sa last photoshot ni Sheeria sa labas ng studio. Para sa kanyang bagong magazine. Lumabas na si Sheeria kasama si Kianna at Drina

"Alam mo na ba?" tanong sa akin ni Zekiell.

"Ang alin?"
"Director Garcia invite SS para sa bagong pelikula." nagulat ako ng sabihin iyon ni Zekiell.

"Talaga. Anung role niya?"

"Bida-Kontrabida." agad na sagot ni Zekiell.

"Ayos din, magkakamovie na si Sheeria."

"Teka nga, matanong ko lang bakit Sheeria ang tawag mo kay SS?" tanong ni Zekiell.

"Ah wala yun ang gusto ko, paki mo. Makaalis na nga." lumabas na ako ng studio at pinanuod si Sheeria.

"Hoy ikaw, bakit wala kang kibo diyan?" tanong ko kay Wyte na parang iniiwasan ako. Hiniwakan ko siya sa balikat, but he just look at me with nothing.

"Is there any problem?"

"I'm tired please don't talk to me muna." in a cold voice of him.

"Problema nun." bulong ko kay Zekiell na nakangiting nakatingin sa labas.
Nilapitan namin si Sheeria, after ng photoshot. Ang ganda niya sa damit niyang suot.

"Okay pack up na tayo, okay na. Tomorrow na lang ulit." sambit ni Drina na nag aayos ng kanyang camera. Nilapitan ko si Drina at binulungan.

Wyte's POV

Anu na naman ang ginagawa nung lalaking iyon? Kailan niya ba titigilan si SS, tila kakaiba ang mga kinikilos nitong lalaking ito lalo na noong nagdaang araw. Bakit ba siya nandito? Akala ko busy siya, why did he come here? Patuloy kong tanong sa aking isipan while glaring at Laxy.

"Okay ka lang." napatungo na lang ako ng may magtanong sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat.

"Okay lang...
Di ko na naituloy ang aking sasabihin ng humarap ako sa kanya. Napalaki ang mata ko ng mga oras na iyon, feeling ko sobrang bagal ng pag ikot ng mundo ng tingnan niya ako sa aking mga mata.
Tila nag e slowmotion ang lahat lahat.

"Hey, Wyte." hinawakan niya ang pisngi ko na para akong tulog na ginigising gamit ang malalambot niyang mga kamay, unti unti gumuguhit sa aking mga labi ang napakalaking ngiti. Na tila katapusan na ng mundo.

Bigla kong naramdaman ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso, my heart beat fast na parang hinahabol ng mga baliw na aso.

"Bro." nawala ako ng may magsalita, pagtingin ko si Laxy na masama ang tingin sa akin.

"Wyte sabay na ako sa iyo mamaya pwede?" tanong sa akin ni SS na kaninang nakahawak sa aking pisngi.

"Sa akin kana sumabay." agad na sagot ni Laxy.

"Pasensya na may usapan kasi kami ni Wyte, diba Wyte?" napatingin lang ako ng diretso kay SS habang si Laxy, nakasimangot. Tumango tango ako kahit wala naman kaming usapan.

"Diba may training pa tayo mamaya." singit na sabi ni Laxy.

"Nagsabi na ako kay Ms. Charee na hindi muna ako makakapunta, dahil may biglaang lakad. Sorry talaga Laxy, we have to go na."

"Iniiwasan mo ba ako?" mataas na boses ni Laxy kaya nagsimula ng mamula ang kanyang mukha.

"Hindi! May lakad lang talaga kami ni Wyte and please this is important hindi kami pwedeng malate."agad hinila ni SS ang aking kamay at sumakay sa aking kotse, naiwan sa labas ng studio ang mga staff at sina Zekiell, pati na rin si Laxy.

Nakaupo lang kami pareho sa kotse, walang kibo kahit isa. Tila may boundary sa pagitan namin.

"Tara na." napatingin lang ako sa kanya.
"Ay sorry, sa Pink & Violet Pastry tayo." kaya pinaandar ko na ang sasakyan at nagtungo sa sinasabi niya. Tahimik pa rin, walang nagbago. Then biglang paulit ulit ng sumagi sa aking isipan kung bakit tila umiiwas siya kay Laxy, alam niya na kaya?

"Uhm, can I ask?"
"Yes."

"Iniiwasan mo ba si Laxy?" naglakas loob na ako niyan para lang matigilan na ang aking iniisip.

"Hindi naman. How about you, iniiwasan mo rin ba siya?" balik niyang tanong kaya napapout na lang ako at diretsong nakatingin sa daan.

"Don't worry, magkaka ayos rin kayo." dagdag pa niya.

"Congrats sa una mong movie." bati ko sa kanya, napirmahan na niya ang kontrata kanina ng dumating ang secretary ni Director Garcia, muli nguniti siya sa akin.

Kung alam lang niya siguro mas lalong mag iiba ang mood niya. Pero hindi pa ito ang panahon para malaman niya ang totoo, maharap ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kaya kailangan ko pa ng time para mapaghandaan ko ang araw na iyon.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" napalingon ako sa kanya. Then I smile.

Laxy's POV

Bakit siya lagi ang kasama niya? Anu ba ang meron at ayaw niya akong kasama? Malalim kong pag iiisip habang nakatingin sa kawalan, di ko mapaliwanag ang mga nangyari kanina. Pareho nila akong iniiwasan.

Wait, maybe because they have a relationship, or maybe.....

Oh.....

No.....

No, no, no, no, no, no. Hindi maaari, hindi pepwede.

"Hoy nababaliw ka na ba?" biglang may bumatok na naman sa akin.

"Anu ba ang problema mo?" malakas kong sigaw.

"Hoy Laxy baliw ka na ba? Eh kanina ka pa namin kinakausap, iling ka diyan ng iling." nasa headquarters pala kami, nakakainis kung anu ano na naman ang naiisip ko.

"Pinayagan niyo po talaga si Sheeria na hindi magtraining?" tanong ko kay Ms. Charee.

"Bakit naman, masama ba? Kahapon pa siya nagpaalam, kaya pinayagan ko na." napatungo na lang ako sa mga sinabi niya.

"Nagseselos siya, ayyieee." nakakainis na sabi ni Zekiell, ang kulit niya talaga kahit minsan. Siniringan ko na lang siya at nag isip ng kung anu ano.

Message
Message
Message
Message
Messageeeeee

Napatingin silang lahat sa akin ng marinig iyon, kaya kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung sino ang nagtxt.
Pagkabasa ay hindi na lang pinansin, mainit ang ulo para asikasuhin ang bagay bagay ngayon.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon