Chapter 28: Mask

6.7K 48 5
                                    



Here's the UpDate

Just enjoy

Chapter 28: Mask

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Laxy's POV

"Here." iniabot ni Wyte kay Tita ang isang recorder, siguro isa iyong ebidensya para sa paghahanap kay Sheeria.

"Laxy Zekiell, check it out." sabay bigay sa amin ni Tita ng recorder.

"Laxy ikaw sa pitch ako sa vibrate." pagkasabi ni Zekiell ay agad ko ng kinuha ang headphone para sa i check ang pitch, habang siya naman ay sa vibrate. Kaya naming malaman ang isang unfamiliar voice kahit pa galing ito sa ibang lupalop, tanging voice meter lang ang gamit namin then sasabayan ng pitch and vibrate para mas lalo naming matukoy kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon.

"Wyte here, look at this man. Diba may suot siyang black leather na jacket, here e close up natin. Look may suot siyang Calvin Watch na kulay silver, and this." napatingin ako kina Tita at Wyte ng mga sandaling iyon. Lumingon agad si Wyte sa akin at sinamaan niya ako ng tingin.

~~~~~~~~~~~~~~~

Wyte's POV

Napalingon ako kay Laxy na nakasuot ng headphone. Matapos ipakita ni Tita ang isa pang footage na makakapagbigay ng malaking ebidensya.

Kringgggg
Kringgggg
Kringgggg

Napatingin ako sa aking cellphone na patuloy na tumutunog, kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello."

"Hello Wyte, I'm gonna send you a footage from the house of Lena. Check that and I'm hundred percent sure na may makukuha kayong idea."

"Okay RJ, thanks."

Ibinaba ko na agad ang cellphone sabay check sa aking monitor.

"Anu daw ang sabi?" tanong ni Tita.

"RJ have another footage, and it is from Lena's house. Baka raw may makuha tayong ebidensya, and he is hundred percent sure na may makukuha nga tayo." habang kinukulikot ang aking monitor.

"Wait teka, ito ba?" sabay turo sa monitor ng computer.

"Yes Tita." pinanood namin ang footage.

Sa bakuran ng bahay may dalawang guard na nagbabantay ng bahay, parehong nakasuot ng uniform. Hinihintay ko ang susunod na mangyayari pero naiba ang atensyon ko ng makita ang isang scene na may kausap si Lena sa tabi ng swimming pool, isang lalaking nakaleather jacket, may suot na sombrelo at Calvin Watch na kulay silver.

Tila malalim ang pinag uusapan nila, medyo nakakalito nga lamang ang expression ng mukha ni Lena.

"Maybe Lena was involved in this case." pagkasabi na pagkasabi ni Tita ay agad namang yumakap si Lena sa lalaking iyon. Parang may kakaiba talaga sa ikinikilos nila.

"Wait, bakit naman?"

"Tita just watch muna, baka may susunod pa silang gagawin."

"Okay okay." ipinagpatuloy na namin ang panonood habang sina Laxy hindi pa rin tapos sa pagdedetect ng boses sa recorder na ibinigay ni Leanna.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa panonood ng footage, nakayakap pa rin si Lena dun sa lalaki. Then after a couple minutes bumitaw na sila sa isa't-isa. Tumalikod yung lalaki kay Lena at naglakad paalis.

"So ito na, may ebidensya na tayo para hulihin si Lena." sambit ko habang inaayos ang monitor.

"Pero Wyte, kailangan pa natin ng mas malalim na ebidensya. Yun talagang makakapagpatunay na kasabwat nung lalaking iyon si Lena." napatigil ako sa aking ginagawa ng sabihin iyon ni Tita.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now