Chapter 19: First Date

8.8K 71 2
                                    


Guys thanks sa paghihintay sa update ko, para sa inyo yan hehehe. Love ya guyss..

Enjoy:)

Pagkamulat ko ng mata ay agad na bumungad sa akin ang mga bulaklak na nakakalat sa maliwanag na paligid.

"Nagustuhan mo ba?" tanong sa akin ni Laxy habang naglalakad ako.

"Anung meron?" balik kong tanong sa kanya.

"Obvious ba." napakunot ang noo ko sa mga sagot niyang iyon.

May iniabot siyang isang bulaklak. Kaya tinanggap ko naman.

"Magtetraining ka bukas." sambit niya. Napangiti naman ako dahil makakatulong ako para mahuli ang mga taong nasa likod sa aksidenteng nangyari.

F
A
S
T

F
O
R
W
A
R
D

Kinabukasan

Maaga akong nagising upang asikasokin ang susuotin para sa una kong training. Sa headquarter ang venue kaya kailangan kong maging maaga.

Sa Headquarters

"Okay SS, you have 10 minutes to assemble this hand gun or what we called 45 calibre. Time starts now." nang magsimula ang oras ay agad kong inassemble ang hand gun. Medyo nangangatal ako dahil first time kong humawak ng baril for real.

Hindi ko alam kung papaano ilalagay ang magazine dahil medyo alangan ang size.

"Time's up. Put your hands up." malakas na sabi ni Wyte. Oo si Wyte ang nagtetrain sa akin sa pag assemble ng baril. Wala pa kasi si Laxy eh.

Lumapit siya, sabay check sa baril na inassemble ko. Di ko nagawa ng ayos, actually dalawa lang ang naayos ko. Hindi mukhang baril ang gawa ko, I think parang sirang laruan ang nagawa ko. Hehe baguhan eh.

"Okay SS this is your first training right?" tanong sa akin ni Wyte. Tumango tango naman ako bilang sagot.

"First of all you need this weapon to defense yourself, how can you defense yourself if your weapon is not in proper assemble?" tanong sa ni Wyte, medyo matapang siya ngayon nakakagulat nga eh.

"Di natin masasabi na lagi kaming nasa tabi mo kaya you need to assemble it properly. Second, ito ay isa sa mga weapon na kailangan ng mga agent na katulad natin. Ito nga pala ang I.D. mo, nakaregister kana bilang agent. Ito naman ang calling card ni Ms. Charee, you may call her anytime. Okay balik tayo sa baril, lahat ng bagong agent ay katulad mo rin, parang ako dati. Nahirapan din ako mag assemble ng baril noong una pero habang tumatagal natutunan ko na rin siya kahit papaano." kinuha niya ang baril at inayos ang assemble.

"Once na matutunan mo ng iassemble ang hand gun kaya mo ring iassemble ang mga riffles, shot gun, machine gun at iba pa. Pero hanggang riffles ka lang dapat dahil medyo mabigat na ang ibang guns like machine and shot gun."

Tok tok tok tok

"Can I join?" napatingin kami ni Wyte sa pinto, si Laxy lang pala ang nagsalita.

Lumapit siya sa amin at kinuha ang baril.
"Sinong nag assemble nito?" tanong niya sa amin ni Wyte.

"Hindi maayos ang pag assemble, medyo maluwag ang pagpihit ng magazine." napatingin lang ako kay Wyte na nagsisimula ng mamuo sa mukha ang galit.

"Bakit may problema ka ba sa akin?" galit na sabi ni Wyte.

"Eh para ka kasing babae kung maglagay ng magazine."

"What?" galit na si Wyte.

"Ahhh hindi pala, turo ka nga eh."

"Puffff hahahahaha." natawa ako sa sinabi ni Laxy kaya mas lalong nagalit si Wyte. Agad na tumakbo si Laxy kaya hinabol naman siya ni Wyte. Para silang mga bata na naglalaro ng kung anu.

Lumabas ako sandali at iniwan ang dalawa sa Special Tactic Weapon Room. Pumunta ako sa office ni Ms. Charee, pagpasok ko wala siya dun kaya umupo muna ako sa sofa at nagbasa ng mga magazine.

"Oh anjan ka pala." nagulat ako ng may magsalita agad akong tumingin sa pinto kung saan nakatayo doon si Ms. Charee, may dala siyang brown envelope siguro nay ebidinsya na naman siyang nakuha.

"Hi I'm Charee Cantos." pakilala niya sa akin, nginitian ko lang siya sabay abot niya sa akin ng kamay upang makipag handshake.

"Mas maganda ka sa personal." muli akong napangiti ng sabihan niya ako ng maganda haha kese nemen ene. Hahaha.

"Tapos ka na ba sa gun assemble?" tanong niya sa akin.

"Yup. Anu po ba ang sunod kong gagawin?" tanong ko sa kanya.

"Oh I forgot, here." iniabot niya ang brown envelope sa akin.

"Nanjan ang schedule ng training mo, pati ang schedule mo sa pagmomodeling nanjan na rin." kinuha ko naman ang iniabot niya. Agad kong binuksan iyon, puro papel ang laman. Akala ko kasi may evidence na naman eh.

"Okay time na para si Laxy naman ang magtraining sa iyo. Nasa training room siya." agad na akong umalis at pumunta sa training room.

"Kaya ko to hoo." pumasok na ako sa training room, nandoon na rin si Laxy. Nginitian niya lang ako kaya ngumiti din ako.

"Let's go." agad niya akong hinila palabas ng training room.

"Teka saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nagpupumiglas sa paghawak niya.

"Magtetraining." agad niyang sagot.

"Eh bakit sa labas ng headquarter?" muli kong tanong.

"Basta sumama ka na lang." muli niya akong hinila palabas ng headquarter.

Sumakay kami ng taxi, himala dahil hindi niya ginamit ang kotse niya. Nakakapanibago siya ngayon ah.

"Oh bakit?" tanong niya sa akin.
"Ah wala nakakapagtaka lang kasi."

"Ang alin?"
"Aistt wala, wala to. Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta, siguradong magugustuhan mo ito." sabay ngiti ng napakalaki. Ang sarap niya ngumiti lalo kasi siyang nagwapo.

After five minutes

Bumaba na kami ng taxi.

Muli niya akong hinila papasok sa loob ng isang restaurant, hawak hawak niya ang aking kamay habang hinihila ako.
Pinaupo niya ako at agad na nag order.

"Diba favorite mo ito." sabay lapag ng isang malaking plato na nakalagay ang isa sa favorite kong dessert.

"Wow namis ko to." napalaki ang mata ko ng makita ko ang...

"Triple Chocolate Ice Cream, nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin, di na ako sumagot dahil nakasubo na ako ng isang scoop.

Namis ko talaga ito hmnn. Yummy yey. Masaya kong sambit sa aking isipan.

"Nagustuhan mo ba?" muling tanong ni Laxy sa akin.

"Teka paano mo nalaman?"
"Remember nung reunion?" nagflashback lahat ng nangyari nung reunion sa akin isipan pati na rin yung sinabi sa akin ni Reeyah at Sheekk. Napasimangot ako ng maalala iyon, kaya napatigil ako sa pagsubo ng ice cream.

"Ah yun ba, tss namis ko lang kasi kaya napadami ako ng kain." napapiki ako ng ngiti ng sabihin ko iyon.

Tatayo na sana ako.
"Wait." pinigilan ako ni Laxy sa paghawak niya sa aking kamay.

"Punta lang ako sa C.R." agad niya akong binitawan. Kaya dumiretso na ako sa C.R.

Pumasok ako at agad na naglock. Napapikit na lang ako ng mga sandaling iyon.

Laxy's POV

Pagkaalis ni Sheeria ay agad akong napatingin sa labas ng restaurant. Maganda ang araw ngayon para pumasok sa trabaho kaya napaisip akong igala si Sheeria. Pwede naman na bukas na lang kami magsimulang magtraining. Hayy ang saya ng araw ko ngayon.

"Oh bakit di mo ginagalaw ang ice cream mo? Akala ko ba gusto mo rin yan." agad akong napangiti ng makita si Sheeria.
Umupo na siya at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now