Chapter 54: Third to the Last Chapter

6.2K 49 3
                                    

Chapter 54: Third to the Last Chapter


.
.
.
.
.


Leanna's POV

Bakot ngayon pa? Bakit ngayon pa ito nangyari? Hindi ko alam ang gagawin.

"Leanna!" Hindi ako lumingon ng may sumigaw sa pangalan ko.

Takbo lang ako ng takbo, wala na akong pakialam kung sino ang mabunggo ko basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon.

"Leanna!" Muling sigaw ng lalaking iyon.

Imbes na tumigil sa pagtakbo sinugod ko ang daang napakalawak na puno ng mga sasakyan. Alam ko naman na titigil sila if makita nila ako.

Boggggsssssssss

.
.
.
.
.

Troy's POV

Boggggssssssssssss

Kinabahan ako ng marinig ang malakas na bungguan ng mga sasakyan sa daan. Napatakbo ako ng mabilis upang tingnan kung sino ang nasagasaan.

"Kawawa naman yung babae."

"Oo nga, napuruhan ba?"

"Hindi ko nga alam."

Kinabahan ako sa mga usap usapan ng mga taong nakakasalubong ko habang papalapit sa insidenteng iyon.

Isang kumpol ng mga tao ang nasa gitna ng kalsada, sinubukan kong tingnan kung sino ang nabunggo pero hindi ko magawang makita dahil sa kumpol kumpol na tao. Sinubukan kong makipagsiksikan para lang makarating sa gitna, kahit na sobrang sakit sa katawan ang makipagsiksikan sa mga tao para lang makita kung sino ang nabunggo.

Nang malapit ko ng makita ang kalsada ay tila kinakabahan ako sa mangyayari. Nang makarating na ako ay nakita ko ang isang babae na naliligo na sa sarili niyang dugo. Nakapikit siya at hawak ang isang litrato, tila familiar ako sa picture na iyon. Nagsimula ng pumatak ang aking luha ng makita ang lahat lahat, gusto kong suntukin ang aking sarili dahil sa nangyari.

"Kilala mo ba siya?"

"Tumawag na kami ng ambulansya, hintayin mo na lang."

"Kailangan niya ng first aid."

Tila bumabagal sa pag ikot ang mundo sa bawat naririnig kong usapan ng mga tao na nakapaligid sa aming dalawa.

Wala na akong maisip kundi ang buhatin siya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang ambulansyang tinutukoy nila. Tinulungan ako ng dalawang lalaki na buhatin ang babaeng duguan. Sumakay kami sa ambulansya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Beee Dooooo
Beee Dooooo
Beee Dooooo
Beee Dooooo
Beee Dooooo
Beee Dooooo
Beee Dooooo

Paulit ulit na naririnig ko hanggang makarating sa hospital.

"Troy okay ka lang. Nasaan si Leanna?" Walang boses akong naririnig mula sa nagsasalitang si Laxy. Kasama niya si Sandro at Leveen.

Lahat sila ay natataranta habang kinakausap ako, samantalang wala naman silang boses.



.
.
.
.
.
.

Sheeria's POV

Naiinis ako sa sarili ko. Kung kailan malapit ng matapos ang lahat tsaka naman nangyari ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Leanna.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon