Chapter 53: Fourth to the Last Chapter

7.3K 59 10
                                    


Chapter 53: Fourth to the Last Chapter

.
.
.
.
.
.
.
.

Laxy's POV

Natigilan ako sa sinabi ni Sheeria. Kaya napabitaw ako sa yakap niya.

Nang makarating kami sa office ay agad rin akong nag ayos ng gamit pauwi sa bahay.

Lumabas ako sandali sa terrace para magpahangin ng kaunti, nakapamay awang ako lumabas sa terrace.

"Galit ka ba sa akin?" Alam kong si Sheeria iyon kaya hindi na ako lumingon pa.

"Mag ayos ka na ng gamit uuwi na tayo."

"Laxy." Hinawakan ni Sheeria ang aking braso ng aktong hahakbang ako pabalik sa loob.

"Kailangan na nating umuwi, hmm." Agad ko ring inialis sa braso ko ang kamay niya.

.
.
.
.
.
.

Pagkadating na pagkadating sa bahay ay agad na rin akong nagpahinga sa kuwarto. Humiga ako sa aking kama at nag isip ng kaunti, after no'n hinubad ko na ang aking sapatos at necktie. Napatingin ako sa labas ng mapansin ang papalubog na araw.

Kaya lumabas ako sa terrace at pinagmasdan ang araw na iyon.

"Galit ka ba sa akin?"

"Galit ka ba sa akin?"

"Galit ka ba sa akin?"

Paulit ulit na sumasagi sa aking isipan.
Binuksan ko ang una at pangalawang butones ng polo na suot ko.

.
.
.
.

Sheeria's POV

Nagdadalawang isip akong pumasok sa kuwarto ni Laxy. Tila kasi galit siya sa sinabi ko kanina sa kotse. Kanina niya pa ako hindi kinakausap ng ayos. Hindi ko alam kung may problema ba o wala.

Nilakasan ko na ang loob kong pumasok sa kuwarto.

Pagbukas na pagbukas ko walang tao, sinubukan kong tingnan siya sa closet niya pero wala ding tao doon kaya nagtaka ako kung saan siya napunta.

Naglakad ako ng kaunti at napansin kong bukas ang pinto ng terrace, at lumilipad ang puting kurtina. Humakbang ako ng ilan ng mapansin si Laxy na nakatayo at nakatingin sa palubog na araw.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya at tingnan kung anu pa ang susunod niyang gagawin.

"Anung kailangan mo?" Nagulat ako ng itanong niya iyon. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kaya hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Lumabas ka na diyan, kausapin mo ako." Ramdam kong ako nga ang kausap niya kaya lumabas na ako.

"Bakit?" Tanong niya.

"Uhmm anu kasi, mag magtatanong lang."

"Anu iyon?" In a cold voice of him.

"Galit ka ba sa akin?"

.
.
.
.

Laxy's POV

Inulit niya na naman ang mga salitang iyon.

"Hindi, tsaka anu naman ang ikadadahilan ng galit ko sayo?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin lalo na kanina doon sa sinabi ko." Napatungo si Sheeria ng sabihin niya iyon.

"Huwag mo na lang intindihin iyon."

"Okay lang ba sayo na kuya ang itawag ko?" Napatigil ako sa pag iisip ng ulitin niya ang sinabi sa akin kanina, na naging dahilan ng pananahimik ko.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon