Chapter 17: Debt

8.8K 72 1
                                    

Laxy's POV

Matapos pumayag ni Sheeria na maging bait o pain  siya ay laking tuwa ko dahil finally mapapadali ang pag iimbestiga namin specially kay Reeyah.

Siguro ay gusto niya rin na mabigyang hustisya ang mga nangyari sa aming mga magulang. Ang sakit lang isipin dahil patay na sila, lucky me because dad survive that time.

Kinabukasan

This day was the great of all dahil sa pagpayag ni Sheeria sa plano namin. Nalaman na niya rin that Wyte is one of our group, they help each other to make palusot sa iba nilang katrabaho. Zekiell is the new photographer and new manager of Sheeria while Wyte is a supervisor of them.

Nakahanda na akong pumunta sa event, 5:00 in the afternoon magsisimula kaya may time pa akong kausapin ang grupo para sa plano.

4:37 in the afternoon pa lamang pero nandito na ako sa isang restaurant na katapat lamang ng pagdadausang event. Kasama ko si Zekiell na nag aayos ng kanyang necktie na kanina pa naiinis dahil hindi niya maperfect ang pagtatali.

"Laxy help naman oh." nagmamakaawa niyang sabi sa akin. Imbes na tulungan tinawanan ko na lamang siya.

"Ako na jan." nagulat ako ng biglang dumating si Sheeria at lumapit kay Zekiell sabay hawak sa necktie upang itala ng ayos. Napakunot ang noo ko ng makitang si Sheeria na parang yayakap na kay Zekiell.

"Hoy Zekiell ang tanda mo na di ka pa marunong magnecktie ng sarili mo." galit kong sabi sa kanya.

"Ako na nga diyan." dagdag kong sambit.

"Kanina ayaw mo akong tulungan, then ngayong si Sheeria na ang nagtie saka ka naman sumisingit para tumulong tss ewan ko sayo."

"Ika...

"Hep hep hep tama na tama na, baka kung anu na naman ang magawa niyo sa oras ng ating reunion." pag aawat sa amin ni Sheeria.

"Asan na ba si Wyte?" sabay tanong ni Sheeria sa amin ni Zekiell.

"Ako na lang ba ang kulang?" lahat kami ay napalingon sa kadarating pa lamang na si Wyte.

"Okay tandaan niyo kung bakit tayo nandito. Tsaka tandaan niyo ang plano may back up naman tayo kung saka sakali, if ever na mapatunayan nating si Reeyah ang lahat ng pulot dulo nito alam niyo na ang gagawin. Sheeria alam mo na ha." mahaba kong pagpapaliwanag sa kanilang tatlo.

"Kaya natin to guys." pagbibigay lakas loob sa kanila lalong lalo na kay Sheeria na ngayon pa lamang magsisimula.

After a several minutes oras na para pumasok sa loob. Dumadalas na ang mga tao na pumapasok sa loob kaya pumasok na rin kami.

"Ladies and Gentlemen welcome to the most exciting moment of ours, my schoolmate and classmate have a great moment to all of you just enjoy this day kasama ang dati niyong kaibigan at kaklase. Once again enjoy." pagsisimula ng isa sa officer ng aming school.

Nagsimula na kaming pumunta sa aming table.

Wyte's POV

Ang ganda ni SS sa suot niya kahit na kasama ko pa siya kanina. Nagsimulang dumami ang tao at sinimulan na ang event. Dumating na rin sina Sheekk at Reeyah na naka light pink dress. Bali si Lena Lopez na lamang ang last naming hinihintay isa siya sa guest na naging professor din namin. Pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Ladies and Gentlemen please welcome Ms. Lena Lopez a professional photographer of our school." napatingin kaming lahat ng lumabas si Lena sa stage at bumati sa aming lahat, tila may nagbago sa kanyang mukha.

Nagsimula na kaming magtrabaho para sa plano. Si SS ay ine interview ng iba naming kaklase kasama sina Sheekk at Reeyah, malakas ang tulong na ibinigay ni SS kaya mapapadali na ang plano namin. Si Laxy naman ay lumapit din kay Lena na kabababa pa lamang ng stage, ako naman at si Zekiell ay naglagay na ng iba't ibang camera sa comfort room ng babae at lalaki. Hindi sa mismong comfort room yung sa may hugasan lang naman ng kamay. Then Zekiell start to open his laptop, kaming apat ay nakasuot ng headset na natatakluban ng aming mga buhok.

"SS is so close." bulong ni Zekiell sa headset na nasa tainga ko.

"She's good." nakangiti kong sambit kay Zekiell sabay inom ng red wine.

"Naririnig ko kayong dalawa." napatingin ako kay SS ng magsalita siya na hindi masyadong bumubuka ang bibig.

"Guys focus to our mission." paalala ni Laxy na kinakausap si Lena.

"Wyte lumapit ka kay SS."
"Why?"

"Hurry up, nasa labas sila nina Reeyah at Sheekk." sambit ni Zekiell sa linya.

Lumabas ako at sinundan sina SS kasama si Reeyah at Sheekk.

"SS kamusta ka." rinig kong sabi ni Reeyah.

"I'm fine naman, how about you?" balik na tanong ni SS.

"Totally fine, nakakadalaw ka pa ba sa mga magulang mo." napapintig ng mabilis na tibok ang aking puso.
Naku patay, bakit ba natanong niya pa ang ganoon? Sambit ko sa aking isipan, SS can't control herself when it comes to her parents. Napatingin ako bigla kay SS ng may luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, sorry SS."
"No I'm fine."

"Pasok na lamang tayo sa loob. SS what do you want?" tanong ni Sheekk kay SS na nakangiti.

Bumalik na ako sa loob at sinundan sina SS. Pero nawala silang bigla kaya nagtaka ako.

"Laxy si SS." sambit ko sa headset.

Luminga linga si Laxy at hinanap si SS, pero di niya makita.

"I know where she is?" sambit ni Zekiell na nagmomonitor sa laptop.

"Comfort Room." dagdag pa niya.

Agad namang kumilos si Laxy sinundan ko muli si Laxy while Zekiell monitoring Lena, papasok na sana siya ng C.R. ng muling magsalita si Zekiell.

"Laxy no, kasama niya si Reeyah at Sheekk." napatigil sa paglalakad si Laxy.

Ilang minuto lang ay nakita ko ng lumabas silang tatlo.

Lumapit siya kay SS pero umiwas ng tingin si SS kaya nakapagtataka lalo na at basa ang kanyang magkabilang pisngi, sinuyo ng sinuyo ni Laxy si SS but like what I said umiwas pa rin si SS. Tila may sumapi kay SS na ayaw masyadong lumapit kay Laxy.

"Zekiell tara na bilis." nagmamadali kong sabi sa kanya.

"Anu ba ang problema mo?" sigaw ni SS dahilan para matuon ang atensyon ng iba sa kanila.

"Ikaw, Ikaw anu ang problema mo?" balik na tanong ni Laxy.
Pinigilan ko ang mga nagbabalak na bidyuhan ang mga nangyayari sa ngayon.

"Kung gusto mong malaman tanungin mo si RJ." napakalakas niyang sabi, sabay labas.

"Who are you to talk to me like that?" muling tanong ni Laxy kaya napatigil sa paglakad si SS.

Lumakad papalapit si SS kay Laxy.
"Ako lang naman ang anak na nawalan ng mga magulang. Ikaw sino ka ba?" balik na tanong ni SS.

Nagsisimula ng mamula ang mukha ni Laxy.
"Zekiell ilabas na natin sila, gulo ito pag hindi sila tumigil." sambit ko sa headset kay Zekiell na nakatingin lang sa dalawa ng diretso.

Laxy wag mong sasambitin ang mga salitang hindi pepwedeng marinig ng iba. Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari. Laxy is different kapag nagalit siya, inilalabas niya ang lahat ng sekretong alam niya once na galit na galit siya.

"Fine."
"No Laxy!" sigaw ni Zekiell pero hindi na niya ito pinansin sa halip ay hinarap si SS.

"Fine from now on you need to pay all your debt. I think it's 1,027,000 kaya simulan mo na ngayon." galit na sabi ni Laxy na namumula pa ang mukha sa sobrang galit. Sabay labas at agad na sumakay sa kotse sabay paharurot ng sobrang bilis.

"Anu may utang si SS kay Laxy? Papaano nangyari iyon?" tanong ng mga katabi kong babae.

"Si SS nagkautang ng ganoon kalaki." muling sabi ng iba pang tao na nakasaksi sa pagbubulyawan nina SS at Laxy.

Napa iyak na lamang si SS at tumakbo palabas ng event.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now