Chapter 4:

18.6K 147 1
                                    

Chapter 4:

.

.

.

.

.

Namumutla na si SS at hindi ko siya makilala kanina pero dahil sa gamot na dinala ni Leanna nalunasan na siya at bumalik na ang kanyang tamang temperature na 37° C at salamat din kay Corra na agad rumisponde. Kinabahan ako sa mga nangyari ngayon buti na lamang at agad akong pumasok sa kwarto niya, mahal ko din naman siya syempre pamangkin ko eh at may utang na loob ako dahil ng malaman ko na 'yung pera pala na ibinayad ni ate sa Hospital ay inutang lang nila, sana nga makatulong ang gagawin kong ito para makabayad na siya.

''Tita." napalingon ako sa dumating at si Dea iyon, nakaupo ako ngayon sa sofa habang inaayos ni Corra ang mga gamit niya, si Leanna naman ay nasa kwarto ko upang bantayan si Hanny sa pagtulog, ayaw kong makita ni Hanny ang nangyari kay SS lalo pa at sobrang close sila sa isa't-isa.

Lumapit sa akin si Dea pero itinuro ko ang kwarto ni SS at doon dumiretso si Dea.

.

.

.

Dea's POV

Ang weird ng ituro ni Tita Hezel ang kwarto ni SS, ano kaya ang nangyari.

Agad kong tinungo ang kwarto ni SS at binuksan ang pinto, pagkabukas tumambad sa akin ang katawan ni SS na may cool fever pa sa noo may kasama siyang tila doctor at nakatalikod siya para siyang si Corra, agad akong lumapit sa kanya at nagtanong.

"Ano po ang nangyari sa kanya?" lumingon siya sa akin ng nakapout ang babae at si Corra nga iyon.

"Maayos na siya at normal na ang temperature, but she need to rest for a days para bumalik ang lakas ng katawan niya." pagkasabi ay umalis na si Corra dala ang gamit na siguro ay ginamit kanina, kaya pala tawag ng tawag sa akin si Tita.

Ang loka ko talaga may nangyari na pala kay SS hindi ko 'man lang sinagot ang tawag ni Tita. Hayyy ayaw kong mapahamak si SS mahalaga siya sa aming lahat kahit na busy siya sa trabaho ay may time parin siyang magtext o tumawag para lang kamustahin kami, siya 'yung tipong tao na ayaw mong mawala dahil mamimiss mo ang mga ginagawa niya.

Siya yung taong hindi ka kinakalimutan kahit famous na, 'di tulad ng iba nagviral lang hindi na namamansin. Teka so bukas hindi siya makakapunta sa photo shoot dahil kailangan niyang magpahinga, ano naman ang sasabihin ko kay Wyte? Sana naman okay lang si SS?

Bakit naman siya magkakasakit sa lamig ng panahon ngayon e bibihira lang ang magkalagnat ngayon tulad ni SS. Siguro dahil na rin sa pagod niya kaya ganun, umupo ako sa tabi ni SS at inayos ang kumot niya.

Ang swerte talaga ni SS dahil ang ganda ng buhay niya ngayon at famous pa, para siyang anghel sa aming magkakaibigan maganda na mabait pa, wala talagang hihigit sa pagkakaibigang meron kaming tatlo.

Ako na lamang ang gagawa ng paraan upang masabi kay Wyte ang mga nangyari, para hindi ko na rin maistorbo si Leanna na sobrang busy ngayon. Hindi man lang pumunta at naalalang bisitahin si SS. sambit ko sa aking isipan

Tumayo ako at lumabas sandali upang kumuha ng tubig para kay SS, pagkalabas ko agad kong lumapit sa refrigerator upang kumuha ng tubig. Si Tita Hezel ay nasa kwarto na niya habang kumukuha ako ng tubig ay paulit ulit na sumasagi sa aking isipan si Leanna na isang linggo ko ng hindi nakikita dahil palaging busy, tila gusto ko siyang tawagan at tanungin kong may balak pang pumunta dito.
So kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Leanna.

Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg

May naririnig akong natunog na cellphone sa tabi ng sofa, agad akong lumapit sa cellphone na natunog at tiningnan kung kanino iyon, paglapit ko isang cellphone na may vibrate ang tumambad sa akin at kay Leanna iyon napatanong ako sa aking isipan.

Bakit nandito ang cellphone niya? napalingon ako ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Tita Hezel at ang lumabas ang mismong mukha ni Mianna Leanna Lacsinto na kanina pa tumatakbo sa aking isipan.

"Oh Dea nandito ka pala." nakangiting sambit ni Leanna

Obvious ba kaya nga nakita niya ako.  tanging sambit ko lang sa aking isipan.

"Kanina ka pa?" biglaan kong tanong sa kanya eh wala akong maisip eh.

"Oo kanina pa, binantayan ko lang si Hanny sa kanyang pagtulog." kumuha si Leanna ng isang basong tubig at uminom sabay lapit sa akin at kinuha ang cellphone niya na nasa tabi ko.

"Dito na kayo kumain." napatingin ako sa nagsalita at si Tita iyon na tila kalalabas lang sa kwarto niya.

"Hindi na po sa bahay na lang kami kakain." sagot ko sa kanya. Bumaba na si Tita Hezel at tinungo ang kusina.

"Dito na kayo kumain sige kayo sasabihin ko kay SS ito."

"Sabi ko nga po na dito na lang pala kami kakain tutal gutom na din pala kami, diba Leanna?" tinabig ko ng kaunti si Leanna upang sumang-ayon sa aking mga sinasabi, ayaw kong malalaman ni SS na nagpapalipas kami ng isang meal siguradong magtatampo 'yung babaeng 'yun, para na din kaya naming nanay si SS pero kadalasan siya naman ang gumagawa niyon ang weird talaga ng friend namin 'nu?

Umupo na kami ni Leanna at sumabay sa pagkain kay Tita Hezel, habang kumakain ay napansin ko ang dalawang maletang itim na nakatabi sa television. I'm sure na pagmamay-ari iyon ni Tita Hezel, napabaling naman ang aking tingin sa kanya ngunit patuloy pa rin sa pagkain si Tita hindi ko alam kung may bumabagabag sa kanya o sadyang tahimik lang siya everytime she eat her meal, maybe she's thinking of SS's condition, especially right now. I continue to eat and eat and eat and eat more, takaw ko diba?

Pagkatapos ay agad na kaming umalis ni Leanna, may work pa kasi kami bukas e.

.

.

.

Sheeria's POV

I feel something in my body and I can't explain it, masyadong mabigat at nahihirapan ako mag-isip ngayon. Someone's watching me at my room and she just smiling, I can't see her face 'cause of dark surroundings. Maya maya pa ay umalis na siya, hindi ko siya matingnan ng ayos.

Nakita ko sina Mommy at Daddy na sasakay sa kotse na sa tingin ko 'yun ang kotseng ginamit nila ng mangyari ang aksidente, at nakita ko ang aking sarili na kumukuway habang paalis ang sasakyan ng aking magulang.
After a couple hour isang kotse ang paparating at agad itong nagpark sa harap ng aming bahay, that is Mrs. Charee.

Biglang naging blur ang paligid at hindi ko na makita ang mga sumunod na pangyayari.

















Author:

Pasensya na po sa slow update, busy po kasi sa school eh.
Sa monday na po kasi ang Mid term namin eh, maraming project, activities at reviewer na ginagawa.

Hope you enjoy guys, and thank you sa pagtangkilik sa aking libro sobrang thank you talaga.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now