Chapter 37: Fast Forward

6.9K 57 4
                                    

Chapter 37: Fast forward

~~~~~~~~~~~~~~~~

Dea's POV

Umalis na ako sa restaurant na iyon matapos naming mag-usap ni Reeyah.

Bakit ba ang kulit kulit niya, sinabihan ko na siya na IT'S JUST THE BEGINNING and I don't care kung malaking katanungan sa kanyang isipan kung bakit ko ito ginagawa sa aking mga kaibigan. Wala na siyang pakialam dahil hindi din naman niya maiintindihan ang lahat. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon for sure hinding hindi mangyayari sa kanila ang mga ito ngayon. But it's too late for them.

~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person

"Uhm Troy pasensya na may pupuntahan kasi ako, baka may gagawin ka pa."

"Oo nga pala, sige salamat nga pala sa pagpapatuloy."

"Your welcome, thank you din pala sa lunch."

"Pasensya na ha."

"Hindi okay lang."

Umalis na si Troy sa bahay ni Leanna. Umakyat na siya sa kwarto niya upang magbihis.
Habang nagbibihis isang picture ang nakita niya na nakapaskil sa kanyang cabinet.
Tila nagflashback ang lahat lahat 17 years ago.

Flashback

"Leanna hindi ka ba papasok dito sa loob?" napalingon ang malungkot na mukha ng batang si Leanna sa bandang bakuran ng kanilang bahay.

"Hihintayin ko pa po si mommy!" sigaw niya sa kanyang Tito.

"Ayaw mo ba talaga pumasok sa loob?" muli siyang napalingon ng marinig ang cute na boses ng isang bata sa bandang gate.
Gumihit sa kanyang labi ang napakalaking ngiti ng makita niya ang isang batang babae na nakablue dress at may hawak ng paper bag, kasama ang isang lalaki ang kanyang body guard.

"SS!" salubong na sigaw niya.

"Happy birthday." nakangiting bati ng batang si SS.

"Thank you."

"Ito nga pala." sabay abot ng paper bag sa batang si Leanna.

"Wow!" namanghang tiningnan niya ang paper bag.

"Uhm Leanna, hindi mo ba papakainin ang kaibigan mo?" tanong ng tito nito na may hawak na plato.

"Diba favorite mo ang fried chicken at graham cake?"

"Oo naman."agad na sagot ni SS.

"Pasok na kayo."

Agad ng sumunod ang batang sina SS at Leanna na malaki ang ngiti sa mga labi. Sinimulan na nilang kumain ng kani kanilang favorites.

"Mommy gusto ko rin ng dress like Leanna!" napalingon ang dalawang bata ng marinig ang sigaw ng isa pang bata na pinipilit ang kanyang mommy na magkaroon din ng dress katulad ng sa batang si Leanna.

"Anak, diba napag usapan na.natin to."

"But mom." pagpupumilit ng bata sa kanyang mommy.

"Kapag sinabi ko, sinabi ko!" sigaw niya sa bata.

"Is that clear?" tanong nito sa anak.

"Okay po." napatungo ang batang iyon, pero biglang tumingin ito kay Leanna na tila may balak na hindi maganda.

7 years later

Sa isang private school pumapasok si Leanna, ang Tito niya ang nagpapa aral sa kanya.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now