Chapter 49: Face Off

5.7K 48 2
                                    


Dahil Special Non Working day ngayon mag UUD ako, guys enjoy the chapter of this book. Nalalapit na po ang pagtatapos ng book na ito kaya medyo magiging UPDATED na ako sa last remaining chapters.

√ Enjoy
√ Comment
√ Vote
√ Wait until the END

.
.
.
.
.
.


Chapter 49: Face Off

Sheeria's POV

Matapos kong mapanood ang lahat lahat kanina sa TV, tila may tama sa sinasabi ni Laxy at puro kasinungalingan naman ang kay Wyte. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang kutob ko sa sinasabi ni Wyte.

.
.
.
.
.
.
.

Sandro's POV

Nagkakagulo na sila lahat dito sa unit, matapos magsumbatan nina Laxy at Wyte, sinundan pa nina Leanna at nung babaeng nagngangalang Reeyah.

After nilang tumigil ay bigla na lang kami ipinatawag ng director sa main office niya, kami lang ni Troy ang ipinatawag. Hindi ko alam kung anu ang gagawin.

"Napansin niyo ba ang lahat ng ikinilos nila kanina?" Agad na tanong ng director sa aming dalawa pagkapasok na pagkapasok.

"Hu?" Patanong na sagot ni Troy.

"Kaya ko ginawa ang malawakang interview ay para matuklasan kung sino talaga ang guilty sa mga nangyayari. Dahil isa sa kanila ang nagpadukot kay SS."

"Po? Paano po iyon nangyari?"
Sunod na tanong ni Troy.

"Alam kong kayong dalawa ang nilapitan ni Wyte para asikasuhin ang kasong ito, kahit na hindi kayo masyadong magkakilala, diba?"

"Tama po kayo." Pagsang ayon ko sa director.

"Kung mapapansin ninyo, sino sa dalawa ang nagsasabi ng totoo?"

"Sorry director pero wala pa akong makitang mali sa ikinikilos ng dalawa." Sagot ni Troy.

"Ikaw Sandro?" Napatingin sa akin si Troy ng tanungin ako ng director.

"Uhm para po kasi sa akin pareho silang nagsasabi ng totoo, pero iba po ang naging kutob ko kay Wyte ng ibunyag niya ang nalalaman niya, then nadamay pa si RJ na ngayon lang ulit namin nakasama sa grupo. Hindi naman po sa nangingialam ako sa plano ni Wyte, pero parang alam niya po kasi eh. Feeling ko maraming siyang alam na hindi namin alam. Ang daming nakatago sa kanya na gusto niya siya lang ang may alam."

"So anu pang hinihintay ninyo?"

Nagkatinginan kami ni Troy ng sabihin iyon ng director, di namin magets ang sinasabi niya.

"Pareho ninyo silang imbestigahan, at huwag na huwag niyong ipapaalam ang mga ito sa kanila, specially kay Wyte na lagi ninyong kasama."

"Pero paaano po ang mga gagamitin namin?"

"Huwag kayong mag aalala dahil pinagawan ko na kayo ng room dito sa NIU para may lugar kayo if my ebidensya na kayong nakalap."

"Nagtitiwala po kayo sa amin?" Patanong kong sabi sa director.

"Hindi, kahit sinong tao na kilalang kilala niyo na ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. Hindi ko alam kung anu ang iniisip ninyong dalawa, pero mas hindi ninyo alam ang iniisip ko." Agad na tumayo ang director at lumabas ng main office niya.

Tila may ibig sabihin ang sinabi niyang iyon.

"Tara na Sandro, baka nag aaway na naman yung mga yun." Patakbong lumabas kami ni Troy sa main office at tinungo ang kinaroroonan nina Wyte.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon