Chapter 43: Can I quit?

6K 45 0
                                    


Chapter 43: Can I quit?

Third Person

Mabilis na nakalabas sina Sheekk at RJ sa lugar na iyon. Agad na rin silang bumalik sa kanilang tinutuluyan.

"Mapapatawad pa kaya tayo ni SS sa ginawa natin sa kanya?" Napasama ng tingin si Sheekk kay RJ ng itanong niya iyon.

"Huwag ka nga masyadong curious RJ, relax humn! Hindi mo ikamamatay kung hindi ka niya patatawarin."

"That exactly what I mean Sheekk, paano kung mamatay ako ngayon then hindi ako nakahingi ng tawad kay SS."

"Edi isama mo siya!"

"Ito naman nagtatanong lang naman."

"Eh ang OA mo na mag-isip kaya. Anu ka ba kasalanan niya kung bakit ginagawa natin ito sa kanya, and exactly may sama din ng loob si Laxy also Leveen na ang tangang babaeng iyon hindi namukhaan ang gagang bully. RJ it's just the beginning of our revenge, ang dami na niyang kasalanan sa atin then maaawa ka agad agad. Kung hindi lang kasi siya umeepal sa iba edi sana nabawasan kahit isa man lang. Gets?"

Hindi na nagsalita pa si RJ sa mga sinabi ni Sheekk.

.
.
.
.
.
.
.
.

Nakaupo pa rin si SS sa tabi ng table habang hindi naman maipinta ang kanyang hitsura na patuloy sa pagtatanong sa sarili sa mga nakita niya.

"Isipin mo lang SS kung anu ang maaaring kasalanan mo sa kanila, ang alam ko meron talaga akong kasalanan, pero hindi ko talaga matandaan ang lahat."

Napatitig siya bigla sa tray ng makita ang sunny side up egg, na nilalamon na ng kulay pula at matamis na maanghang na ketchup.
Hindi niya mapigilan ang sarili kaya agad niya itong kinain. Wala ng isip isip pa, kumain lang siya ng kumain dahil kumakalam na rin ang kanyang sikmura sa gutom.

Sandro's POV

Matalino din itong si Wyte, di ko yun naisip ah. Akalain mo nga naman kung hindi ko hinalungkat ang post ni SS sa I.G. edi hindi namin madidiscover na boses nga ni Dea ang aming narinig sa video clip na iyon at 100% na boses din niya ang nasa recording clip na isa sa ebidensya namin. So sa ngayon kailangan lang naming makausap si Dea ng masinsinan.

"Right Leanna, anu payag ka ba?" Sininyasan ko si Wyte ng thumbs up habang kausap si Leanna sa kabilang linya. Nagthumbs up din siya meaning pumayag si Leanna sa plano namin.

"Sandro!"

Napatingin kami ni Wyte sa pinto ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sige punta ka na ha! Ge bye." Ibinaba na ni Wyte ang cellphone.

"Oh bumalik ka?"

"Sandro you need to check this out." Agad siyang lumapit sa akin at iniabot ang isang flash drive. Isinalpak ko iyon sa PC ko at binuksan.

"What was that Troy?" Feeling close na tanong ni Wyte. Instead na sagutin ni Troy ang tanong iyon ay itinuon niya na lang sa pagbukas ng files.

"2 days before mawala si SS."

Isang video clip ang kanyang ipinakita. Sa headquarters ito kung saan nagtetraining sina Laxy at SS.

Pinanood namin iyon hanggang sa matapos, pero tila nakakalito ang mga pangyayari.

"Teka paanong nangyari iyon?" Napatingin ako kay Wyte ng tanungin niya iyon pero gaya nga ng sinabi ko kanina hindi pa rin iyon sinagot ni Troy.

"Troy pwede bang dito ka na muna, para mas mapadali ang pag iimbestiga. Para pati hindi ka na pabalik balik, pauwi sa inyo at papunta dito."

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now