Chapter 3: 40°C

21K 158 0
                                    

Chapter 3: 40 Degree Celsius

.

.

.

.

.

Dea's POV

Deamond Miñas 22 years old, friend ako ni SS since 3rd year college. Masaya siya kasama kahit famous, ang lakas nga ng loob niya kahit wala na siyang magulang. Bilib ako sa pagiging independent niya and ngayon nakatira siya sa Tita niya hindi ko nga alam kung bakit siya lumipat ng bahay ayos pa naman 'yung kanila, ewan ko kay SS kung bakit ayaw niya doon tumira mag-isa pero siguro gusto niya lang ng makakasama kaya ganun.

Hindi ko siya nasamahan sa bago niyang magazine, may family bonding kasi kami at ngayon lang ulit nangyari ito after 2 months kaya di ko na pinalampas.

Bukas hindi ko rin siya masasamahan dahil may trabaho pa ako, sa aming tatlo si SS ang famous. Her job is modeling, ako naman may-ari ng isang restaurant kahit na ang natapos namin ay Engineering, si Leanna naman CEO ng isang company ang lalayo talaga ng trabaho namin sa aming course na tinapos.

Ayaw naman talaga namin ng course namin pinili lang ng aming mga magulang, si SS ang aming Suma Cum Laude.

Pero mas malayo ang trabaho niya ngayon sa kursong kinuha niya, I research about her past and from grade school up to now she is totally famous and it is not just because of her beauty but because she's kind, cute, humble etc. She is the awesome girl I met, hindi siya kumukupas sa pagiging famous halos lahat nga ng lalaki sa school namin 'nung college niligawan siya but wala siyang sinagot kahit isa and I don't know why, the only thing I know is having a boyfriend was not part of her plan 'yun ang alam ko dahil natanong ko na siya dati.

Hindi kami naiingit kay SS dahil siya na ang nagsabi mismo na kami ang sikat para sa kanya, hindi siya katulad 'nung ibang tao na kapag sobrang sikat ay nalaki ang ulo SS is different, hindi ko nabalitaan na lumaki ang ulo niya sa pagiging sikat kaya nga siguro hindi siya kumukupas dahil sa maganda niyang ugali at pakikisama.

Sige mamaya na lamang aasikasuhin ko pa kasi ang lagay ng restaurant ko e.

.

.

.

.

.

Leanna's POV

Mianna Leanna Lacsinto, 23 years old.

Hanggang ngayon ay nasa office parin ako ang dami kasi naming bagong project lalo na at malapit ng ilabas ang bagong magazine ni SS, kapartner namin siya sa aming kompanya.

SS is the girl who had everything kaso wala na siyang magulang namatay sila 4 years ago at syempre bilang kaibigan nasaktan din kami sa nangyari.

Bukas ay may photo shoot ulit si SS at I'm not sure kung makakapunta ako kaya kailangan ko ng tapusin ang ginagawa ko baka kasi magtampo si SS.

.

.

.

Hezel's POV

I'm Hezel Mendoza auntie ako ni SS.

Nag-aasikaso na kami ni Hanny ng gamit patungong Singapore, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay SS ang lahat lahat. Medyo nagiging matapang na kasi ako sa kanya, ngunit wala naman siyang ginagawa sa akin sa susunod ko na lang ipapaliwanag sa kanya at siguro naman maiintindihan niya kahit papaano.

Pumunta ako sa kwarto niya at ginising na para sa dinner, medyo madilim na kasi at alam kong pagod siya sa trabaho.

"SS gising na handa na ang dinner." gumalaw ng kaunti si SS at tumagilid ng higa.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang