Chapter 6: Classmate

16.3K 129 0
                                    

....
After several minutes tumigil ang sasakyan at pinababa na kami ni Ryktier so sumunod naman kami. Pagbaba namin ay isang malaki at malawak na mansion ang bumungad sa amin, it is almost kasing laki ng isang football court.

"It safe and wala pang nakakaalam ng lugar na ito kundi kayo." paliwanag sa amin ni Ryktier siguro napansin niya na nakanganga kami at nakakunot ang noo kaya siguro naisipan na niyang ipaliwanag.

"Sino ka?" napatingin kaming lahat sa tanong ni SS, ito namang si Ryktier inayos muna ang polong suot sabay sagot sa tanong ni SS.

"Hi I'm Ryktier Laxary Lopez. Laxy na lang para hindi mahaba masyado, ako ung nabunggo mo nung isang araw sa Plaza Hotel." napatingin naman kaming lahat kay SS dahil nagkita na pala sila dati.

"Thanks sa tulong." mahinang sagot ni SS, bakit naman kaya biglang humina ang boses niya.

Sheeria's POV

Napahina ang boses ko ng malaman ko ang pangalan ng lalaking tumulong sa amin bigla ko kasing naalala ang pagkaka utang ng aking mga magulang sa mga Lopez, hindi pa kasi kumpleto ang pambayad ko eh, kaya sa susunod na lamang pagnakuha ko na ang isa ko pang salary sa pagmomodel. Tsaka nasa bahay ang perang ipambabayad ko, tinitigan ko si Laxy at kamukha niya si Rick Lopez, pero mas pogi si Laxy.

Naku Sheeria kung anu anu ang sinasabi mo diyan, tandaan mo na may utang ka at kailangan mong bayaran iyon sa mas madaling panahon.

Napatungo na lamang ako ng sambitin ko iyon sa aking isipan, pumasok na kami sa bahay at nagpahinga muna kami. May guard at kasambahay kaming nadatnan kaya nakapagpahinga na kami agad, pero ako naman umupo sa isang couch na malapit sa pool na nasa bandang gilid ng bahay, nagpumilit kasing maligo si Hanny then Tita tell me to watch over her so that's why I'm here malapit sa pool.

Sa isang araw na sila aalis and buti magaling na ako ng dumating ang mga crowded na iyon.

Nakapagtataka rin na hindi pa tumatawag sa akin si Wyte, alam niya ba na nagkasakit ako hayyy...

Laxy's POV

This is my chance to convince her for my plan, I just want to tell her the whole truth kung bakit umalis sina Mommy at Daddy ng araw na maaksidente sila. Nasa labas siya kasama si Hanny na naliligo sa pool sana naman magawa ko na ito at magawa ko na sa mas lalong madaling panahon.
Nagtimpla ako ng juice at kumuha ng cake sa ref para naman di niya mahalata na may kailangan ako sa kanya.

After that pumunta na ako sa may pool, nung una medyo nakakahiya dahil syempre model ang kaharap ko nakakahiya kaya, eh hindi naman ako artista wait wait let me correct anak lang pala ako ng isang sikat na artista.

Okay this is it Laxy you can do it, you can do it.

Dahan dahan akong humakbang patungo sa pool, kailangan ko na kasing sabihin sa kanya. Nang malapit na ako ay----

"Amin po ba yan?" malakas na tanong sa akin ni Anny napalingon naman si Sheeria at nakatingin lang sa akin ng diretso, so iniabot ko na lamang sa kanila ang juice at cake. Pagka abot na pagka abot ay umupo muna ako sa isang couch na katabi ng inuupuan ni Sheeria.

Let me remind you, kilala ko na si Sheeria bago pa umutang ang magulang niya sa amin. Bali classmate ko siya before nung grade school but nung tumuntong na ako ng high school nag home school na ako.
Okay Ikekwento, kaso hindi ko alam kung bakit ako inilipat ng school?

Flashback graduation nung grade school

Katatapos lang ng graduation namin and of course si Mom and Dad ay dapat kasama, so umatend sila ng graduation ko and for the first time kong kasama sila sa school. Babae ang aming Valedictorian at sabi ni Mommy na kaibigan daw nila ang magulang ng Valeductorian namin, Sheeria ata ang pangalan nun.
Ako ay 2nd honorable mention lamang eh hindi naman ako ganoon katalino tulad ng iba eh, kaya siguro pumunta sina Mommy at Daddy is because of that.

After the graduation nagdesisyon si Daddy na kumain muna kami sa isang restaurant with them reward ko dahil nakasama ako sa top. Sasakay na sana kami ng kotse nang biglang---

Dinumog kami ng napakaraming reporters, halos kainin na kami ng mga reporters sa sobrang dami kaya agad kaming sumakay at umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa bahay.

Nang makarating kami sa bahay, nag away sina Mommy at Daddy hindi ko alam kung bakit the only thing I know is because sa nangyari kanina. Napaisip ako sa lagay na iyon, alam ko naman na artista si Daddy pero hindi naman siya sikat sabihin na lang natin na extra lamang siya sa mga movie and teleserye, un ang pagkaka alam ko dahil bihira ko lamang makita si Daddy sa TV eh.

Pinapasok ako ni Mommy sa kwarto ko, alam ko na ang ibig sabihin meaning medyo matatagalan ang pagsusumbatan nila ngaun.

Kasalanan ko kc eh, kung hindi ko pinilit na pumunta sila hindi iyon mangyayari.

Umupo na lang ako sa aking kama at naglagay ng headset upang makinig ng music, habang nakikinig ay naglaro na lamang ako sa laptop ng kung anu anu.

End of Flashback

Hindi ko alam kung bakit ako inilipat nina Mommy at Daddy, hanggang ngaun ay hindi ko pa rin natatanong sa kanila kung bakit?

"May problema ba?"

Nagulat ako sa nagsalita, agad ko siyang tiningnan at si Sheeria iyon na nakatingin sa akin ng diretso.

"Ba bakit?" balik kong tanong sa kanya.

"Kanina ka pa kc tulala at may tumatawag pa sa cellphone mo." paliwanag niya na tila nalilito sa ikinikilos ko.

Agad kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag. Pagtingin ko si RJ un kaibigan ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit siya tumawag.










Author:
Thank you po sa lahat ng bumabasa ng kwentong ito, nawa ay magpatuloy kayo sa pagsubaybay sa bawat mangyayari.

Thanks Again...

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now