Chapter 36: Double Check

6.4K 53 2
                                    

Chapter 36: Double Check

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello sir."

"Hello paalis na kami, check my site and for sure idodouble check nila ang mga ibinigay ni RJ sa amin."

"Si My Lady na po ang bahala."

"Okay sabihin mo sa kanya, bilisan niya sa paghack para wala silang madetect."

"Okay sir, copy."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wyte's POV

Gumamit muna kami ng banyo bago umalis papuntang headquarter.

After a couple minutes sumakay na kami.

Hindi ko talaga magets kung anu ang sinasabi ng lalaki kanina sa office ni Officer Jacob.

"Oh Wyte tila ang lalim ng iniisip mo." napalingon ako kay Zekiell ng sabihin niya iyon.

"It's nothing Zekiell."

"Nothing, hey dude kanina ka pa namin kinakausap pero hindi ka nakibo diyan. Kaya hinayaan ka na lamang namin."

"Just give me a minute hmn." napasandal ako sa upuan habang tinatahak namin ang daan papuntang headquarter, kung saan mas kompleto ang gamit nila upang mas lalong mapagtibay ang ebidensyang meron kami, but I think there is something wrong with the evidence we have. Medyo nahiwagaan kasi ako sa mga ibinigay ni RJ, then nakaharap namin kanina ang isang lalaking mas lalong nagbigay sa akin ng iba pang idea kung may mali ba talaga o wala sa lahat ng iyon.

"Wyte, Laxy, Zekiell get ready para mamaya." napatingin ako sa front mirror kung saan nakaupo sa unahan si Officer Jacob.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Leanna's POV

Tok tok tok

Napalingon ako sa labas ng biglang may kumatok.

Sino naman ang bibisita sa akin ng tanghaling tapat? Teka si Dea ba yun? Sumilip ako sa bintana, ang hinihinala kong si Dea iyon pagtingin ko si Troy pala. May dalang paper bag.

Teka dalawang oras akong nakababad sa bathtub? Haissst.

Umahon na ako sa bathtub sabay lagay ng towel sa katawan.

Pinunasan ko muna ang aking basang katawan bago magsuot ng bathrobe. Bumaba na ako at pinagbuksan si Troy. Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa. Medyo umuulan pa ng kaunti kaya binuksan ko ang heater.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang heater.

"Pwede dito muna ako kumain ng lunch?" Troy asked.

"Pero hindi pa ako nakakapagluto."

"I brought a two meal, one for you and one for me." inilabas niya ang dalawang box mula sa paper bag na dala niya.

"Teka kanina lang tayo nagkakilala, pero..

"Kung ayaw mo okay lang sa akin." tatayo na sana siya.

"Wait, hindi ko naman sinasabi na ayaw ko. Ang akin lang bakit sa bahay ko pa, I mean pwede naman sa kabilang bahay."

"Actually, kalilipat ko lang noong nakaraang buwan dito. I think two months pa lang ako dito."

"So meaning wala kang masyadong kilala dito sa lugar natin?"

"Your the first."

"Anu?" napasigaw ako ng banggitin ko iyon.

"Can we start our lunch?" tanong niya kaya binuksan na niya ang lunch box na dala niya.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now