Chapter 41:

5.7K 45 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sheeria's POV

Anu ba talaga ang kailangan mo sa akin Laxy? Anu ba ang ginawa kong masama sayo? Tama nga ang hinala sayo ni Wyte, dapat noon pa lang iniwasan na kita. Dapat noon pa lang hindi na kita kinilala pa.

Pero kailangan dapat, dahil kailangan ko ring bayaran ang utang ng mga magulang ko sa pamilya mo. Hayy anu ba kasi talaga ang gagawin mo?

"Ayaw mo ba talagang kumain?" napatingin ako ng masama sa babaeng nakasuot ng maskara, kanina niya pa kasi ako pinipilit na kumain, pero wala akong ganang kumain sa ngayon lalo na at ang daming bumabagabag sa aking isipan.

"Anu ba talaga ang kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa babae.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hoy utusan lang ako dito para pakainin ka, kung ayaw mong kumain aalis na ako tutal wala din naman akong gagawin!" sigaw niya sa akin.

Hinabol ko lang ng tingin ang babaeng iyon, habang paalis siya.

Tsss alam kong may alam ka sa plano ng lalaking iyan kaya hindi ninyo ako maiisahan. Ang akin lang bakit kung kailan magshoshoot na ako tsaka naman nila ginawa ito. Hayy wrong timing, hayy anu na kaya ang ginagawa ni Direct Garcia?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sheekk's POV

"Director Garcia, umaasa pa rin sa pagdating ng sikat na modelo na si SS. Ngayon kasi ang unang araw ng shooting nila sa first ever movie na kasama si SS."

Sorry ka na lang SS, pero ako ang panalo. Hindi na matutuloy pa ang una mong movie, tsss magsasawa din yang Garcia na yan kahihintay sa pagbabalik mo.

Tandaan mo ako lang ang SS na sisikat at titingalain ng lahat. Tss anak ka lang ng isang bussiness man at bussiness woman hindi tulad ko, anak ng dating sikat na Director at dating sikat na writer sa ibang bansa. So ngayon nakakabawi na ako, kahit tiniis ko ang ilang taon noon grade school tayo at least ngayon ako ang tatawa then ikaw naman ang maiinggit.

"Sheekk may tawag ka!" napatingin ako sa baba, naghihintay doon si RJ na may hawak na cellphone.

"Ihagis mo!" sigaw ko rin.

"Sambutin mo!" sabay hagis ng cellphone, tinatamad kasi akong bumaba eh.

"Yes hello." agad kong sagot sa cellphone.

"Sheekk."

"Oh Laxy, bakit?"

"It's about SS, nagpakita na ako sa kanya."

"Anu? Bakit mo ginawa yun?"

"Ako na ang bahala doon, gusto ko lang ipaalam sayo. Baka kasi magulat ka once na pumunta ka dito then magtanong siya about sa akin."

"Don't worry ako na ang bahala doon. Teka kamusta pala ang pagiimbestiga nina Wyte at Sandro?"

"Mukhang nabuking na, mayroong tumutulong sa kanila. Nalaman kasi ni Sandro na may another voice silang nadetect, then about sa video mukhang naging clear sa kanila na edited iyon."

"Ah ganoon ba, okay let me handle this."

"Pero Sheekk paano kung malaman ni Reeyah na nandito ka pa rin sa Pilipinas?"

"Don't worry Laxy, kilala mo ako."

"How about Wyte?"

"Ah yun ang hindi ko pa alam kung makakaya ko. Haisst ikaw na ang bahala sa kanya, basta lituhin mo na lang, yang anu, yang basta ikaw na ang gumawa ng paraan."

"Okay, sige bye."

"Bye."

Agad ko na ring ibinaba ang cellphone matapos makipag usap kay Laxy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Leanna's POV

After kong makapunta sa office ni Sandro ay agad na rin akong bumalik sa bahay.

Teka saan naman siya pupunta?

Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Troy. Mabilis umalis at tinahak ang daan sa pupuntahan.

Hayy ito ka na naman Leanna, tigilan mo na nga ang mga iniisip mo sa kung anu anong bagay na wala namang halaga at hindi naman nakakatulong sa paghahanap kay SS.

Haisst makakain na nga, kanina pa kasi kumakalam ang aking sikmura.

Agad na akong pumasok sa loob ng bahay at agad na rin akong nagluto para may makain.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sheekk's POV

"Ok na ba?" napatingin ako sa nakathumbs up na si RJ.

Agad akong bumaba at sinalubong naman niya agad ako.

"Sumama ka sa akin." utos ko sa kanya.

Umalis kami kaagad upang pumunta kay SS, I mean Sheeria. Siguro hindi pa nasasabi sa inyo ni Laxy kung bakit Sheeria ang tawag niya kay SS and ako din, I don't want to call her SS. Because that's my nickname before, pero inagawan niya ako ng title. Kaya humanda yang babaeng iyan, akala mo naman kung sinong magaling tssss.

"Anu pupuntahan natin si SS?" gulat na sabi ni RJ.

"Anu ka ba? Hindi naman siya makakatakas kahit makita pa niya ang mukha natin."

"Ikaw lang ang magpapakita sa kanya ha, hindi ako kasama ayaw ko."

"Ang OA mo naman!" sigaw ko sa kanya.

"Siya siya, sige na nga." pagdadabog niyang sabi.

Mabilis kaming nakarating at agad na ring pumasok sa loob.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Sandro's POV

"Wyte tingnan mo ito." agad na lumapit sa akin si Wyte upang tingnan ang isang footage mula sa Headquarters.

"Teka, paano mo nagawa yan?" tanong niya sa akin.

"Actually kasesend pa lang ni Troy kani kanila lang."

"Sandro!" napalingon kami ni Wyte sa may pinto. Napatayo kami ni Wyte.

"Troy, bakit?" salubong kong tanong sa kanya.

"Yung isenend ko sayo kani kanila lang."

"Oh bakit? May problema ba?"

"Ah wala naman, gusto ko lang linawin."

"Nga pala si Wyte, Wyte si Troy." nagshake hand silang dalawa then umupo na kami para pakinggan ang sasabihin ni Troy.

"Actually, malinaw na isa sa kasamahan niyo ang suspek. Tingnan niyo ang sout niyang jacket, may badge ng headquarters niyo bali nasa left arm niya, then medyo messy and dark ang hair niya." tiningnan lang namin ni Wyte ang footage na iyon.

"Take a look this, may butas ang kaliwa niyang tainga. Then..."

Napatingin siya kay Wyte.

"Walang butas ang tainga ko ha! Hindi ako mahilig sa hikaw." pagtatanggol ni Wyte sa sarili.

"Don't worry hindi ikaw ito, dahil 6.3" ang height niya. Eh 5.9" ka lang." pambibiro ko kay Wyte.

"Okay balik tayo, this."

Isang picture ang ipinakita niya sa amin.

"Alam kong kilala niyo siya." nagulat na lang kami ng lumabas ang hitsura ni...

"Si RJ yan, tama ka nga isa siya sa kasama namin. Pero papaano, dapat si Laxy hindi si RJ."

"Baka nagkamali ka lang ng pagiimbestiga Wyte, pero ito ang lumabas."

"Sige ituloy mo lang yan Troy, pero itutuloy ko rin ang pagiimbestiga kay Laxy."

"Okay, pareho nating imbestigahan para mas clear."

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now