Chapter 9: Red Paper

12.8K 115 4
                                    

Guys enjoy this chapter....
.
.
.
.
.
.
.
.

Laxy's POV

Ang tagal naman ni Sheeria. Asan na kaya un?

Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip ko, makakain na nga lamang.

"Laxy nagkita ba kayo ni SS?" napalingon ako sa nagtanong na si Tita Hezel. Tumungo na lamang ako upang sagot sa tanong niya, may laman pa kasi ang bibig ko kaya di na ako nagsalita.

"Laxy, pe pwede bang wag na lamang nating ituloy?" napatigil ako sa pagsubo ng aking kinakain.

Uminom muna ako ng juice upang makapagsalita na.
"Tita bakit naman po?" mahina kong tanong.
"Nalilito lamang ako sa sakaling mangyari na, alam mo na, yung anu." tahimik lang ako habang nakikinig kay Tita Hezel. Pero napag-usapan na namin ito, tapos ngayon pa siya aayaw kung kailan napapalapit na ako kay Sheeria. Anu na ang gagawin ko? Patay ako nito kay Tita Charee.

"Nag-aalala lang kasi ako kay SS na baka kung anu ang mangyari sa kanya."

"Tita diba ang sabi ko po na Sheeria is safe kapag ako ang kasama." mahinhin kong sagot.
"Oo, pero parang ayaw ko na maging involve siya sa mga ganoon."

"Tita I can handle this, just give me three months."

Tumango lamang si Tita Hezel at tinungo ang hagdan paakyat sa kwarto nila. Ito lang kc ang tanging paraan para mahuli ko ang nasa likod ng hindi mapaliwanag na aksidenteng nangyari.

Sheeria's POV

Kinuha ko aking cellphone na kanina pa tumutunog.

Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello."
"Bakit?"
"Teka!"
"Sige po."
"Opo."
"Okay"

"Bye?" mahinhin kong sambit.

"Sinong tumawag?" tanong sa akin ni Whychael.

"Ah si Tita pinapauwi na ako, but tatapusin ko muna ang kinakain ko." tumango tango naman si Chael.

Nang matapos akong kumain.

"Chael una na ako sayo." aalis na sana ako ng maalala na hindi ko pa pala nababayaran ang kinain namin. Kumuha ako ng pera sa aking bag at inilapag sa table habang nakatingin sa akin si Chael.

"Here." sabay alis.

Agad akong lumabas ng restaurant. Hayy anu ba naman kaya ito. Tanging sambit ko sa aking isipan.

Whychael's POV

Hayy maituloy na nga lamang ang aking kinakain.

Habang kumakain ako ay napansin ko ang perang inilapag ni SS, may kulay pula kasing nakasingit tuloy tila gusto kong tingnan kung anu iyon.

Sinusulyap sulyapan ko lamang ang papel na kulay pula na nakasingit sa pera, anu naman kaya iyon?

Susubukan ko na sanang buksan ng---

"Chael." napalingon ako sa tumapik ng balikat ko at si.

"May nakalimutan lamang ako."
Sabay kuha ng pulang papel na nakasingit sa pera.
"Okay gotta' go, bye." tumakbo na siya at agad na nilisan ng restaurant.

Sheeria's POV

Buti na lamang at naalala ko ang papel na ito kung hindi patay ako. Hayyy nakakapagod.

Tanging sambit ko sa aking isipan. After that pumunta na ako kung saan kailangan kong pumunta. Kasama ko si RJ na tumawag sa akin kanina medyo nakakalito ung conversation namin kanina kaya sumunod na lamang ako sa kanya, tutal kaibigan naman siya ni Laxy kaya sumama na ako.

Pay Mo' SS (FAMOUS)On viuen les histories. Descobreix ara