Chapter 15: First Kiss

10.6K 80 0
                                    


Hi guys, UPDATE na po ulit..
:) :) :) :) :)

Laxy's POV

Napabalikwas ako sa aking hinihigaan ng magising sa isang panaginip na hindi ko inaaasahan, panaginip na ayaw kong mangyari kaya agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang taong aking nasa panaginip kani kanina lamang.

Agad naman niya itong sinagot.

"Yes Laxy." napabuntong hininga lamang ako ng marinig ko ang kanyang boses, napangiti ako sa tuwa na walang anu mang nangyari na hindi maganda sa kanya.

"How are you?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"I'm fine why?" balik niyang tanonng sa akin.

"Nothing I just missed you Dad." mahina kong sambit ng mga salita habang kausap ko siya.

"Don't worry son, I'll be back soon. Doctor Jimson said na makakabalik na ako diyan." napawide ang ngiti ko ng marinig ko ang lahat ng iyon. After seven months makakauwi na rin siya from US, I really missed him so much.

After niyang matheraphy at masurgery para umayos ang kanyang tuhod makakabalik na siya. Wait maybe kaya na niyang maglakad and he can run and move whatever he want.

"Bye Laxy I have something to do." pagpapaalam niya sa akin sa telepono.

"Wait dad, Aunt Aissel was here." masaya kong sambit.

"Laxy, she's gone. Alam kong namimiss mo na siya pero wala na siya."

"But she's here at the mansion." I added.

"I have to go."
Ibinaba na niya ang telepono, napailing na lang ako sa mga sinabi niya. Napahiga muli ako sa kama. I'm happy for his condition, he is hundred percent fine. Pero hindi siya naniniwala na nandito si Aunt Aissel. Pero okay na rin atleast sinabihan ko siya.

I don't need to worry about my nightmare, actually it is not real na kadalasan ang panaginip ay nagiging totoo. Hayyy bakit ko pa ba pinaniniwalaan ang ibang tao. Laxy hindi mangyayari sa daddy mo iyon. Pagkakausap ko sa aking sarili.

Muli akong bumangon at lumabas na ng kwarto, pagkalabas ko agad akong napatingin sa kwarto ko. Medyo kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, feeling ko magkakasakit ako.

Bumaba na ako ng hagdan at umupo sa sofa sa sala's, nakatingin lamang ako sa bawat kasambahay na nagluluto at naglilinis ng bahay.
Binuksan ko ang television upang manood, pero halos lahat ay balita tungkol sa economy at showbiz, kasama na rin ang tungkol kay Sheeria lalo na at nagkasakit na naman siya.

"Laxy kain kana." napalingon na lang ako kay tita Hezel na naghahanda ng breakfast.

"How is she?" tanong ko sa kanya.

"She's fine, maybe she need some rest." nakangiting sagot sa akin ni tita Hezel. Tumayo na ako at tumungo sa dining area, sinimulan ko na ang pagkain.

"Good morning." napalingon ako sa may hagdanan ng marinig ang boses ni tita Aissel, medyo gulo gulo ang kanyang buhok at medyo inaantok pa.

"Morning Auntie." nakangiti kong sambit.

After kong kumain ay napagdesisyunan kong maligo, mas gusto ko sa kwarto ko maligo kaya dahan dahan akong pumasok sa kwarto. Nakahiga si Sheeria ng pumasok ako, medyo okay na ang condition niya. Nakapagtataka lang kung bakit siya nagkasakit kagabi, di ko alam kung nasobrahan ba siya sa pagkain o di siya sanay sa pagkain. Pumasok na ko sa bathroom at nagsimulang maligo, binuksan ko na ang shower at nagpatuloy sa pagligo. Kumakanta ako habang nagkukuskos ng ulo gamit ang shampoo, ilang minuto minuto lamang ay natapos na rin ako nagtapis na ako at lumabas. Pasipol sipol pa ako ng lumabas sa bathroom, tila ang fresh ng ligo ko ngayon.

Kumuha n ako ng damit at nagbihis, susuotin ko na sana ang damit ng biglang...

Bogsssssssss

Napalingon ako sa labas, sumilip ako sa pinto ng isa pang room na katabi lamang ng bathroom pero wala akong makita. Lumabas ako na walang shirt, dahan dahan akong naglakad at sinubukang tingnan kung anu ang bumagsak.

Huli kong tinginan ang kama kung saan nakahiga si Sheeria, napalaki ang mata ko ng makitang wala si Sheeria sa kama, kinabahan ako ng makitang gulo ang kumot at unan. Tatakbo na sana ako ng...

"Uhmmmm." napalingon ako sa pag ungol na iyon, pagtingin ko si Sheeria pala na nakahandusay sa floor medyo nangangatal siya kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya.

"Ahhh." napasigaw ako ng mahina ng maramdaman ang mainit niyang noo, binuhat ko siya at inilipat sa kama. Nang ilipat ko siya ay napasubsob ako sa kanya dahilan na mahalikan ko ang pisngi niya. Napalaki ang mata ko ng naramdaman kong lumapat ang aking labi sa kanyang pisngi.

RJ's POV

Hi I'm Restain Joen Serrano RJ for short, 23 years old. Best friend ni Laxy.

I'm here sa kanila dadalawin ko SS, I heard na nagkasakit siya kagabi kaya dadalawin ko siya.

Pinatuloy na ako ni tita Hezel sa kwarto ni Laxy nandoon daw kasi si SS.

Papasok na sana ako sa kwarto ni Laxy ng mapansin kong medyo bukas ang pinto, sumilip ako at napalaki ang aking mata ng makita si Laxy at SS. Biglang uminit ang aking ulo ng mapansin kong nakalapat ang labi ni Laxy kay SS, di ko alam kung nagseselos ba ako o hindi.

Naglakad na lamang ako patungong dining area.

"Oh RJ nabisita mo na ba si SS." napapekeng ngiti lamang ako ng tanungin ako ni tita Hezel.

"May problema ba?" muli niyang tanong.

"Nothing tita, okay naman siya." tila umurong ang aking dila na sabihin ang kalagayan ni SS sa ngayon.

"Ahm tita, I have to go may gagawin din pala ako." pagpapaalam ko sa kanya.

"Naliligo pa si Laxy, mamaya pa yata siya matatapos."

"Okay lang tita, atleast nakita ko si SS." malungkot kong sambit pero di ko na lamang pinahalata.

Umalis na ako at bumalik sa headquarter. Siguro nga hindi nararapat sa akin ni SS, maybe hindi ako ang tipo niya.

Sheeria's POV

Sobrang nahihilo ako ng mahulog ako sa kama, pinilit ko kasing tumayo kaya natumba ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari pero isang malambo ang lumapat sa aking kanang pisngi. Ramdam ko na lamang ang mainit na hininga habang nakalapat ang malambot sa aking pisngi, hindi ko alam kung sino dahil hindi ko maimulat ng ayos ang aking mata, pati yata aking mata ay may sakit.

Ilang segundo lamang ay nawala na ang nakalapat na malambot sa aking pisngi, sinubukan kong imulat ang aking mata pero tila may nakapatong na 1000 tons sa aking mata na ang hirap imulat. Wala akong maibigay na pwersa siguro ay dahil sa masakit at nanghihina ang aking katawan.

Pero sinubukan ko pa ring imulat ang aking mata, may naaaninag ako ng kaunti pero medyo malabo at tanging ilaw lamang ang aking naaaninag. Maya maya pa ay isang anino ng tao ang aking naaninag, tila isa siyang lalaki pero I'm not sure kung lalaki ba talaga iyon o imahinasyon ko lamang.

Ipinikit ko na ang aking matang nakamulat ng maliit, wala akong maramdaman kundi panghihina at mabigat na katawan.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkasakit kagabi, ang tanging alam ko lang may halong black pepper at shirmp powder ang kinain ko kagabi then napadami pa ang kain ko. Then yung dessert tila may whipped cream pa kaya mas lalong lumala ang kalagayan ko.

Bakit kasi sa black pepper, sa shrimp at sa whipped cream pa ako nagkaka allergy, sa dinami dami yun pa talagang tatlo.

Kung anu ano na lamang ang aking naiisip habang nagpapahinga.

"You're gonna be okay." kinabahan ako ng marinig ang boses na iyon. Teka kay kay La Laxy, bo boses iyon ni Laxy. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng sambitin ko iyon sa aking isipan.




Guys Laxy's POV and Ryktier's POV are the same, Sheeria and SS are also the same.

Sorry late Update.

Thanks sa paghihintay...

Love ya guys...
:) :) ;)

Pay Mo' SS (FAMOUS)Where stories live. Discover now