Chapter 20: Back to work

8.6K 73 2
                                    



Wyte's POV

"Are you sure na hindi sila tumakas sa training?" paulit ulit na tanong sa akin ni Tita Charee, kanina niya pa ako kinukulit sa kalagayan nina Laxy at SS. Eh hindi ko nga napansin na umalis sila dahil nasa Special Tactic Weapon Room ako.

"I'm not sure. Paano ko naman malalaman eh nasa STWR ako?" balik kong tanong sa kanya.

"Okay check na lang natin ang CCTV." mahina niyang sabi. Bumalik na kami sa office ng mga staff na nag aasikaso sa CCTV.

Nang makarating kami.
"Hoy anu ba? Tutulog tulog ka diyan!" galit na sabi ni Tita. Sabay hampas sa isa naming staff.

"Ah so sorry po."
"Nasaan ba ang kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"Inutusan po ni Laxy na bumili ng makakain." mahina niyang sabi.
"Dumating na ba si Zekiell?"

"Sorry I'm late. May dinaanan lamang." nakatikod na sambit ni Zekiell. Nilapitan siya ni Tita at piningot ang tainga.

"Ahhh, ahhh. Titaaaaa."
"Bakit ka naman late aber?" nakahawak pa rin siya sa tainga ni Zekiell habang nagtatanong.

"Tinawagan ako ni Laxy, ang sabi niya bilhin ko daw ito." sabay lagay niya ng tatlong supot na kanyang pinamili.

"Teka yan din ang pinabili niya sa kasama ko ah." gulat na sabi ng isa naming staff.

"Anu naman ang gagawin niya sa pagkaing ito?" tanong ko sa kanilang lahat. Tuloy lahat sila tumingin sa akin na parang may sinabi akong masama.

"Okay, hintayin na lang natin sila. Siguro naman eh lumabas lang sila, Zekiell check mo ang CCTV. Pag dumating na ang isang staff agad niyo ng trabahunin ito." umalis na si Tita ng sabihin niya iyon. Nakakapagtaka kasi ang mga ginagawa ngayon ni Laxy, ibang iba sa kilala kong Laxy dati.

Bumalik na ako sa STWR (Special Tactic Weapon Room) para ayusin ang mga gamit ni SS para bukas. Habang nag aayos biglang may tumunog na tila may cellphone.

Hinalungkat ko ang ibang gamit, finally nakita ko rin. Cellphone ni Laxy ito, yung lumang niyang cellphone. May nagtxt kaya binasa ko na, tutal ako lang naman mag isa eh kaya tiningnan ko na.

"Sabi sayo masaya doon hahahaha." napalingon ako sa pinto ng biglang may pumasok, sina Laxy at SS lang pala na masayang masaya. Agad kong itinago ang cellphone na aking nakita.

"Mukhang masaya kayong dalawa ah. Anu ba ng meron?" tanong ko sa kanilang dalawa. Umiwas ng tingin si SS pero si Laxy lumapit sa akin sabay akbay.

"Sorry kung di kami nag paalam ha." sambit ni Laxy habang nakaakbay sa akin.

"Ahh okay." tipid kong sagot.

"Paalis ka na?" tanong ni Laxy sa akin.

"Uhmm SS bukas agahan mo ha, may ituturo akong technique. Oo Laxy nagsabi na rin ako kay Tita, sige una na ako." nagmamadali kong sambit sabay alis.

Pagkalabas ko sa STWR ay agad akong napasandal sa pader na malapit sa pinto ng kwartong iyon. Di ako makapaniwala sa nabasa ko.

Laxy's POV

"Bakit parang nakakita ng multo si Wyte? Puffff nakakatawa siya nuh?" sabi ko kay Sheeria habang nag aayos siya ng gamit.

"Anu dun na tayo sa Training Room?" tanong ko, sumunod naman si Sheeria.

Pagkakuha niya ng gamit agad na kaming dumiretso sa training room. Self defense ang unang ituturo ko sa kanya, naghubad na siya ng coat para mas maging comfortable sa suot niya. Ang saya niya kasama kanina, halos mautas na ako kakatawa.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon