Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)

2.6K 31 4
                                    

Vice's POV

Nagluluto ako kanina noong magtext sa akin si Madc, tinatanong nya kung kasama ko raw ba si Jaki. Baka naman kasama lang boyfriend nya. At iyon ang nireply ko. Maya-maya ay bigla namang niluwa si Jaki ng pintuan ng bahay ko.


Nakita ko sya sa reflection ng natural granite polished kong tile. Kahit anino o korte palang ng katawan nya ay alam ko na siya iyon.


Naramdaman kong umupo siya sa bar counter ng kusina ko. Hinayaan ko muna ang ganoong presenya nya. Tsaka ko hinango ang niluluto ko.

"Ano nanaman ginawa nya sa'yo?" ganito naman palagi ang set up naming kapag may ginawang kalokohan yung boyfriend nya. Nang humarap ako para ihain sakaya itong niluto ko ay nakita ko syag umiiyak. Kumirot yung puso ko sa tuwing umiiyak siya. Pero iba yung sakit ngayon dahil pakiramdam ko ay sobrang nasasaktan siya sa lagay nang pag-iyak niya.

"Nagsinungaling sya Vice." humihikbing sagot nya.

"Gago talaga yung hayop na 'yon!"Palagi nalang niloloko yung taong minamahal ko.

Di ko na alam kung anon payo ang ibibigay ko sakanya, dahil sa mga payo ko nung mga nakaraan ay wala naman yata siyang sinunod.

"Pagod na ko Vice, pagod na ko." Niyakap ko nalang yung babaeng mahal ko. Yung babaeng hindi alam na mahal ko sya higit pa sa pagiging kaibigan. Hinaplos ko yung ulo, yung buhok nya, para pakalmahin siya. Dahil patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata nya.

Hindi ko masabi na mahal ko sya dahil una ay may boyfriend sya. Nirerespeto ko iyon. Hindi ako yung tipo ng tao na ipagpipilitan yung sarili ko na guluhin yung isang relasyon para sa akin mapunta. Dahil naging biktima ako noon.

Naalala ko noong una ko syang nakita, ganito rin yung sitwasyon.

*1 year ago.*

Vice's POV

Ano ba 'yon!? Maingay na nga sa bar dahil sa mga kwentuhan ng mga tao may mas maingay pa?

Badtrip na badtrip ako dahil napagalaman kong yung nililigawan ko ay may boyfriend na pala. Tapos ganito pa aabutan ko sa bar?!

Lumapit ako dito para uminom at sawayin yung babaeng maingay doon.


"Kuya! Shabing bigyan mo pa ko! Sherep eh!" Lasing na sabi nung babaeng maingay na maliit pero maputi na kulang nalang humiga sa bar counter para maabot yung empleyado ko.


"Miss, ako po yung mapapagalitan ng boss ko kapag binigyan ko pa po kayo."
Sabi naman ni Toper. Sabi ko kasi sakanilang lahat na kapag sobrang lasing at walang kasama ay huwag na bigyan dahil iniiwasan naming na may magstay ditto at susunduin ng kung sino mang ka-anu ano.

"Pshhhh. Dami mong sinabi kuya. Nanghihingi lang naman ako e. Nagbabayad naman ako sa'yo wah? Di'ba kuya?" Tumingin pa ito sa assistant ni toper.


Pinanonood ko lang yung eksena nya, nakaupo lang ako sa tabi nya. Makuha lang sya sa tingin sana.

Tinapik-tapik naman nya si Toper yung assistant nya para matauhan iyon na andito ang boss nila.

"Manhattan Rye please." Hingi ko kay Toper. Katabi ko pa rin yung babaeng maingay kanina pero natahimik na sya ngayon, napatingin 'tong babae tsaka yung assistant ni Toper. Di pa kasi nito kilala.

Nararamdaman ko naman na nakatingin pa rin siya sa akin. Nagpapababa yata ng amats.


"O bakit ka tumigil? Kulitin mo pa." Sakto naming dating ng hiningi ko kay Toper.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now