Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala

340 11 20
                                    

*Vice's POV

Gaano ka pa ba katagal? May hinihintay pa ba ko?

Ako pa rin kaya?

Sana ako pa Jaki.

Kasi ako, ikaw pa rin Jaki. Ikaw lang.

Nandito pa rin ako sa kinauupuan ko. Dinadama ang malamig na hangin ng isang gabing wala ka pa rin.

******

"Brother, wake up!" Naramdaman kong may tumatapik sa braso ko.

Napamulat ako ng mata. Sobrang masisilaw ako kaya't nahihirapan ako. Pilit inaaninag ang taong gumigising sa akin.

"Brother! Are you up?"

"Miguel? Ikaw ba yan?" Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Hanggang sa unti unti itong luminaw.

"Hi kuya!" Sabi nito sa akin na sobrang nakangiti.

"Miguel!" Sabik na sambit ko at tsaka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap

"Tangina. Panaginip ba 'to? O nananaginip lang ako buong pagtulog ko?" Hinawakan ko pa siya sa magkabilang braso nito.

Totoo ba 'to? Nakakakita na ko?

"Miguel. Is this real?" Tanong ko sa kanya.

"Kuya, para kang tanga. Umayos ka nga." Sabi naman nito sa akin na natatawa pa. Tinulak nya naman ako palayo sa kanya dahil sobrang lapit ko sa kanya.

Pumasok siya sa loob ng condo nya? Nandito kami sa condo nya?

Nilingon ko naman yung pinagtayuan ko. Yung hammock. Doon ako natutulog kanina.

Pumasok siyang may dalang dalawang cup ng kape.

"Oh, magkape ka muna para mahimasmasan ka."

"Uh, thanks."

Nakatingin lang siya sa malayo at nakahawak sa railing.

"Nagsashabu ka ba kuya? Para kang adik." Sabi nya bago humigop ng kape at tumingin sa akin na naghihintay ng sagot.

"Di, di ko alam kung anong nangyayari." Sabi ko sa kanya na nagtataka pa rin.

"Look.." inangat nya yung braso nya para makita ko..makita yung mga galos at sugat nya. Pati na rin yung sa ulo nya. Hindi ko iyon napansin kanina. Walang dugo pero may scars. Open scar.

"Panaginip mo lang 'to kuya."

"Sobrang wasted mo na kasi. Ayos mo kaya buhay mo no? Inom ka ng inom dyan. Pasabugin ko bar mo e." Seryoso nyang sabi.

"Kung panaginip 'to.. parang ayaw ko na matapos." Sambit ko.

"Panaginip lang 'to. Di ko tatapusin buhay mo. Di kita isasama no! Masaya ko doon. Walang nagbabawal na mag-race ako." Sabi nito na medyo natatawa pa.

"Sama mo na ko." Pakiusap ko. Tsaka ako humigop ng kape na bigay nya.

"Ohh nice! Ang sarap nito ah! Pano mo ginawa 'to? Lagay ko sa coffee shop." Sabi ko nung matikman yung timpla nya.

"See? Ayaw mo pa mamatay. Tsaka ano ka ba? Di ko pa time, kuya. Pero alam mo. I like Jaki."

Tangina?

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Tinitigan ko lang sya.

"I mean, I like her for you. Gagu ka ba? Si Karylle pa din laman nito no." Turo nya sa kaliwang dibdib niya.

"Wala namang naging iba. Siya lang." Nakita ko yung kalungkutan na bumabalot sa kanya ngayon. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Kung nakinig siguro ako sa inyo noon..baka kasal na kami. Baka ako yung kasama nya." Binalingan nya ako ng tingin, at bahagyang ngumiti.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now