Capítulo Quince - Struggle is Real

373 9 0
                                    

I still remember how she smiled at me when I gave that bag to her. I still remember the first time she hugged me. I didn't expect that to happen.

*Days before Jaki's Birthday (a year ago)*

Lunes ng umaga habang nakahiga ako muli sa kama ay nag-iisip ako ng pwedeng iregalo kay Jaki.

Halos mapiga na yung utak ko kakaisip pero wala talaga. Ang alam ko lang sa kanya mahilig sya sa baboy at pink. Nakabili na nga ako ng baboy eh lulutuin nalang. Joke. Napalingon naman ako sa stuffed toy na nasa tabi ko na binili ko kagabi. Nagtatatlong isip pa ko kung maliit ba o malaki yung dapat bilin. Nagpasya akong itong maliit nalang yung 3 feet. Nung nagtanong kasi ako sa mall ang sabi para sa girlfriend daw ba. Yung malaki na raw bilin ko. Kaya nauwi dito sa 3 feet.

Kinurot ko naman yung ilong nung baboy.

Ano pa bang pwedeng iregalo sa'yo Jaki..

Bukod naman kasi dito ay gusto ko syempre yung magagamit nya araw-araw.

*Dialling Madc*












.









.



.

.



.


.

.

.

.

.

Tagal naman nito sumagot..

"Hello? Ano 'yon?" Sa wakas sumagot din sya, na tila ba nagmamadali.



"Wala pa kong regalo kay Jaki. Ano ba gusto nun? Tulungan mo naman ako." Sabi ko sa kanya matapos kong tumayo sa pagkakahiga mula sa kama ko.



"Bigyan mong bubble gum matutuwa na 'yon."
Sagot nya.


Kinuha ko naman yung kape sa side table at naglakad papuntang balcony.

"Gusto ko naman yung magagamit nya talaga."
Sagot ko sa kanya habang tinatanaw ang ilang bakanteng lote dito sa village na halos puro puno pa.

"Kung mahilig kayo sa sapatos, saan mahilig ang mga babae?"

Napaisip naman ako doon.


Sapatos sa lalaki.. sa babae...


"Uh, sa medyas?" Tanong ko sa kanya. At sumandal sa railing at humigop ng kape.





"Walanjo JM, saan mo napulot yan? Bahala ka na mag-isip. Di naman choosy 'yon. Tsaka sasabihin nun di naman kailangan ng ganon presence lang okay na."



"Okayy?"

"Sabay-sabay na tayo nila Melvie sa Wednesday. Miss ka na raw ni Bullet."
Monday naman ngayon.

"Yeah sure. See you then." Paalam ko at uminom muli ng kape.




"See you. Bye! Malelate na ko sa trabaho!" At agad na nyang binaba yung call. Naupo naman ako sa hammock dito sa balcony.

*Incoming Call Navarro..*

"Oh napatawag ka?" Nilapag ko yung kape sa mini table dito.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now