Capítulo Treinta Y Dos - Black

298 11 23
                                    

*Years after*

Third Person's POV

"Brad, kailangan kita sa firm. Please bumalik ka na." Pagsuyo ni Vhong sa kaibigan nya na kasalukuyang inaamoy ang bawat alak na nasa harapan nito at naghahalo para sa inumin niya.

"Alam mong hindi ko na kaya. HINDI. KO. NA. KA-YA Mahirap bang intindihin yon Vhong!?" Pasigaw nitong sabi sa kaibigan na hindi man lang pinagaksayahan ng panahon na sulyapan ito.

"BRAD, KOMPANYA NATIN YUNG NAKASALALAY! ALAM MO KUNG GAANO NATIN PINAGHIRAPAN YUN. IDEAS AT PRESENTATION LANG BRAD IPAGKAKAIT MO PA BA SA AKIN YUN? KAHIT ISANG ARAW LANG VICE!" Pagtataas ng boses ni Vhong sa loob ng ikalawang palapag ng isang apat na palapag na gusali sa kaibigan nito. Napatayo pa siya sa pagkakaupo at nakalapat ang dalawang kamay sa bar counter.

Di rin naman siya masisisi dahil halos araw-araw siyang dumadalaw dito matapos ang aksidente. At dahil doon ay nagkakaroon na ng problema sa kompanya nila. Pinagwalang bahala ni Vhong iyon dahil alam niyang kung magiging maayos na ang lagay ng kaibigan ay maayos nila ito ng sabay.

Mas alam ni Viceral ang mga tipo ng kanilang kliyente kaya't siya ang humaharap dito kung may problema. Pero sa kalagayan nito ngayon ay mukhang malabong mapapayag niya ito. Hindi na rin masyadong presentable ang itsura nito tumutubo na ang bigote at balbas.

Nagulat ang dalawa noong makabasag si Viceral ng isang bote ng whiskey.

"Ohh fvck! Ouch! Shit!" Nadiin ang kanyang kaliwang kamay dito. Halos ilang beses na rin na ganito ang nangyayari sa kanya sa loob ng ilang buwan na ganito ang sitwasyon niya.

Walang nakikita, kundi isang madilim na paligid.

"Tang ina! Nagkasugat ka na naman. Ilang bote pa ba babasagin mo gago ka!" Agad lumusot sa daanan ng bar counter ang kaibigan nito na kanina lang ay galit na galit sa kaniya.

Nagpipigil naman ng tawa ang sugatan na Viceral. Hanggang sa hindi na nito napigilan pakawalan iyon

"Hahahahaha! Di ko na rin alam. Nalulugi na nga ako sa mga nababasag ko e." Sabi nito na natatawa pa rin.

Pero yung kaibigan niya ay hindi na malaman ang gagawin. Nabuksan na nito lahat ng kahon at napansin niyang hindi pa rin pala nito naibabalik ang first aid kit sa pinag-iwanan niya rito noong isang araw lang.

Ni-hindi pa nga magaling ang sugat ng binata sa braso ay nadagdagan naman ito sa kamay.

"Brad, alagaan mo naman yung sarili mo." May ibig sabihing tugon ng kaibigan.

"Di mo alam yung pakiramdam na wala kang nakikita bukod sa dilim." Sabi nito na nakatingin lang sa kawalan.

"Pansamantala lang naman daw."

Kinuha naman ni Vhong yung kamay ng binata.

Sinigurado na walang bubog ang bumaon sa kamay ng kaibigan.

Kinuha ang isang galvanized beer pail na natunawan na ng yelo at iyun ang ipinanghugas sa kamay ng kaibigan.

"Aray. Masakit!" Natatawa pa ring sabi ng kaibigan nito.

"Nasasaktan ka na nga tuwang tuwa ka pa!" Kahit sermonan naman nya ito araw-araw gabi-gabi. Parang hindi rin naman 'to nakikinig.

"Kung masaktan naman ako hindi pa rin naman sya babalik di ba?" Nag-uumpisa naman mabago ang emosyon ng binata.




"Babalik yun. Maniwala ka." Sagot naman ni Vhong.


"Bakit wala pa rin hanggang ngayon? Kung kailan sigurado na ko sa isang tao. Tsaka mawawala. Kung kailan naghahanda na ko tanungin siya para magpakasal..tsaka ako maiiwan mag-isa." Ang kaninang tawa ng binata ay siya ngayong luha na pumapatak mula sa mga mata nito.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now