Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

157 6 7
                                    

Nagmamadaling lumabas si Claire. 
Nagkatinginan kami ni Jaki pero agad siyang umiwas. Narinig kong kumalasing yung wind chime kaya’t agad kong hinabol si Claire. Gusto ko lang na maging maayos yung pagpapaalam.

“Claire!” Tawag ko sa kanya noong nag-aabang siya ng masasakyan niya.

“Oh, bakit? Sige na pumasok ka na baka hinihintay ka na nung girlfriend mo.” Sagot niya habang nagpupunas pa ng luha.

“Sorry about that. I just want to say goodbye in proper way.”

“Hindi naman kailangan.”

“Bakit ka ba umiiyak? Baka isipin nila pinaiiyak kita.” medyo pabiro kong sabi

“Haha sorry.” Aniya mas lalo pa siyang naiyak dahil sa sinabi ko.

“Claire—“ pinutol niya yung sasabihin ko at hinarap nya ko.

“I always tried to reach for you pero nahihiya ako. Di ko alam kung paano ko pahahabain yung conversation katulad ng dati. Natatakot ako sa sasabihin mo, more on natatakot ako sa kung paano yung magiging dating sa akin ng sasabihin mo, o opinion mo.”

“Napagusapan na natin kanina ‘to di ba?”

“Pero di tayo natapos di ba?” hinintay ko na lang yung mga sasabihin niya. Hinintay ko na kumalma siya ng kaunti.

“You are still one of the greatest person I’ve ever had and ang tanga ko ang na hindi ko nagawang hawakan yung meron tayo nang matagal. Isa yun sa mga problema naming ng boyfriend ko. JM, I still love you.”

“Claire, sa boyfriend mo na lang ibuhos yung natitira mong pagmamahal para sa akin. Sinasayang mo lang pagmamahal mo para sa akin. Di na tama. Hindi mo ba naisip? Kung hindi ka iniwan ng boyfriend mo kahit marami kayong problema, sobrang mahal ka non. Please. Huwag na ko. Maaayos nyo yung relationship nyo ng boyfriend mo. Mas mahal mo naman sya di ba?”

Tumango naman sya. Sakto naman na nakapara sya ng taxi agad.

“Ingat ka.” Paalala ko sa kanya.

“Salamat. Ingat ka rin palagi.” At sinarado nya yung pintuan.

Napamasahe na lang ako ng sentido. Hindi ko alam paano tatapusin yung araw na ‘to. Masyado na maraming nangyari.

Inayos ko muna ang sarili ko maging presentable dahil may naghihintay pa akong mga kaibigan sa loob.

Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ng ngiti ni Bullet. Paano ko naman iyon hindi mararamdaman ay matagal tagal din kami hindi nagkita.
Lumapit naman ako sa pwesto nila. Katabi niya ang mommy niya, wala naman akong ibang mauupuan kundi sa tabi ni Jaki.

“Mars, ex mo ‘yon? Parang patay na patay pa sa’yo ah?”

“Mars? Kelan pa ko naging planeta, Madc?”

“Ito! Ang corny pa rin kahit kelan. Baduy mo!”

“Kumusta ka naman, Bullet? How’s your school?”

“Makatanong ka ryan, kala mo tatay na galing abroad."

Di ko na kaya ituloy yata yung usapan na ganto. Na parang walang nangyari sa labas. Mabuti na lang ay dumating na yung pagkain.

“Wow! Namiss ko ‘to tito! Di ba po favorite nyo ‘to ni Tita Jaki, nagsusubuan pa nga po kayo e. Paano nga po iyon?” This kid really change the atmosphere in here. 

Ngumiti naman si Madc na alanganin na di mo maintindihan yung pagmumukha. Nag peace sign na lang ito at sinubuan sya ng pagkain.

“Ganito yun anak, gagawin ko sa’yo” nag-aalala pa ko dahil baka mabulunan yung bata.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now