Capítulo Tres - Love Yourself

658 17 0
                                    

Nang ilipat nya naman ang station ay nasa pre chorus na ito ng kanta, kung hindi ko nangkakamali ito ay, IDGAF

Sinasabayan pa nya.

Iba rin talaga yung babaeng 'to. Di ko na alam kung ilang beses kong naisip na kakaiba sya hahahaha. Kahit di nya natatamaan ng tama yung ibang notes, cute naman e.


Maya-maya ay pinihit nya ang volume para lakasan,


Nagulat naman ako sa ginawa nya at napatingin sa rear mirror dahil baka nagising naman yung isa



“Tulog mantika yan, don’t worry” Sabi nito sa akin.


“Crush mo ba ‘tong best friend ko?” bigla naman nyang tanong.


Nabigla naman ako sa tanong nya.


“C’mon, crush lang naman wala naming masama don. Crush, nagagandahan ganon.” Dagdag pa nya


“Seryoso ka sa tanong mo? E mukhang itong bestfriend mo pa yung may gusto sakin, poging pogi sakin.” Sabi ko ng may halong biro.


“I’ll be honest. Ganyan talaga yan. Kapag napopogian sa lalaki, sinasabi nya talaga. Pero kapag gusto nya yung lalaki mas straightforward minsan nahihiya.” Pag-bibigay nito ng impormasyon.


Tumango tango naman ako na inintindi kunwari yung sinabi nya. At isa pa, di ko naman crush yung kaibigan nya. Pero nagagandahana naman ako sakanya. Ang sweet lang nung face ganon. Wait, edi ang gwapo ko nga talaga? Hahaha makapal na kung makapal pero may proof ako. Pogi ko raw e sabi nung tulog.

“So nagagandahan ka ba sa kaniya? Kasi ang weird lang na, bakit hahatid mo pa kami sa amin. Hindi ka naman namin kilala talaga. Hindi ko rin naman alam kung bakit sya sumama sa’yo at tiwalang tiwala pa.” derederetsong sabi nito.

paano ko sasagutin yun e parang ang dami nyang tanong

“So kaya ka nag-susungit kanina?”


“Alam mo di rin kita maintindihan e, minsan ang sungit mo, minsan sakto lang, minsan ang lakas ng trip mo. Bipolar ka ba?” tanong ko pa sa kaniya.


“Hindi. At wala kang sinagot sa mga tanong ko.” Hala. Masungit nanaman oh! Bipolar nga.


“Okay fine. Maganda naman yung friend mo, pero di ko sya type. Sya kasi yung kaugali ng mga friends kong babae.” Paliwanag ko.


“Bakit ko kayo ihahatid? Oo nga naman bakit ko nga ba kayo hinatid? Wala lang, I just want to. Siguro para makipagkaibigan? Ang cool lang, kasi you guys have time to hangout late night. Then sa coffee shop, Nafeel ko yung magaan na feeling, yung walang iniisip na problema, yung pwede ko pala ulit maramdaman yung ganung bagay, yung freedom, yung do what you love. Na hindi ko naramdaman noong nanligaw ako sa kanya. Naisip ko na ganun pala ko kadesperado para mahalin nya pabalik, yung gagawin ko yung mga trip nya, yung pinili ko yung path na feeling ko pabor sa side nya, yung pakiramdam na sakanya nalang pala umiikot yung everyday routine ko.” Dagdag ko pa dito na may hand gestures pa.



“Explain further, if you don’t mind.” ramdam kong nakatitig lang sya habang nag-mamaneho ako, medyo naguguluhan pa sya dahil hindi naman talaga kami magkakilala.



“What I meant was, sa sobrang pagmamahal ko noon, wala na pala akong oras para sa mga gusto ko, except sa pag-mamanage nung bar. Na nawawalan na pala ako ng time sa ibang friends ko. Kaya okay na rin na iba yung pinili nya. Kasi baka mas worst pa siguro yung mangyari kung pinagpatuloy ko. Kaya im here, nakikipagfriends, stroll, kasi hindi ko ‘to nagagawa dati.” Sabi ko pa para maintindihan nya yung ginagawa ko. Sumulyap ako sa kanya at ngumiti, yung genuine.



PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now