Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!

731 12 0
                                    

Nakita ko namang may lumabas na babae sa gate na light green din.

Naunang na ko bumaba para pagbuksan na sana nya pero naunahan ko na.

"Yey! Thanky! Im home finally!"

Tumakbo sya kaagad sa mommy nya raw. At yumakap.

"Ma! Namiss kita Mommy! Mwah!" Pagbati nya dito na may halik sa pisngi.

"Uy Madc, andito na tayo." Niyugyog ko pa ang braso nito.

Di pa rin ako pinansin. Ang hirap naman gisingin nito.

"Ako na dyan." Nagulat naman ako ng makita si Jaki sa likod ko.

"Madc! Tara na. Hinahanap ka ni Mommy. Magpaliwanag ka." Sabay hablot dun sa tao na parang hindi natutulog.

Nagpatianod naman bigla si Madc. Ay galing. Magic. Nakatayo kahit hinila lang.

Sinara ko naman yung sasakyan at tumingin kay Jaki.

Bumalik na ko sa unahan ng kotse para sumandal kahit sandali para hintayin si Madc dahil ang usapan ay ihahatid ko naman siya sa makati. Napansin kong nakatingin sa akin ang mahulang ni Jaki.
"Ma, si JM nga po pala. Bagong kaibigan namin ni Madc."

Nahiya naman ako at lumapit dito tsaka nagmano.

"Ay God Bless you."

"Good morning po." Bati ko dito ng nakangiti.

"Ay, halika muna sa loob. Pumasok muna kayo."

Nahihiya naman ako sa sitwasyon ngayon.

"Tara na. May utang pa kong tubig sa'yo."
Pag-aaya nya. Napansin nya sigurong nahihiya ako kahit papaano.

"Okay lang ba dito yung sasakyan i-park?" Tanong ko naman kay Jaki.

"Oo okay lang yan. Di mawawala yan. Magkukulang lang."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya?

"Biro lang masyado kang seryoso. Safe yan dito." Bawi nya.

"Sige. Kunin ko lang phone ko."

Pagkuha ko naman sa phone may missedcalls nga pala 'to kanina pa. Imposible namang si ate 'yon. Hinayaan ko na muna.

"Tara?" Aya muli ni Jaki. Nauna na yung Mommy nya tsaka si Madc sa loob ng bahay nila.

"Close na close si Madc tsaka magulang mo no?" Tanong ko sakanya habang naglalakad papasok sa gate nila.

"Oo. Minsan nga akala ko si Madc yung anak e. Tapos ako yung kaibigan."

"Ay ganun?" Sabi ko.

Namangha naman ako sa bahay nila.

May gate na hanggang dibdib ko lang tapos sa loob nito kapag naglakad ka ng kaunti ay may breakfast nook. Na napapaligiran ng halaman.

Cute. Mini garden.

May stepping pads na patungo naman sa front door nila.


"Huy! Nakikinig ka ba?" Sabi ni Jaki saakin.

Di ko napansin na nasa loob na pala sya at ako naman ay naiwang tinitignan ang bakuran nila.

"Sorry. Ano ulit 'yon?"

"Sabi ko pumasok ka na. Upo ka muna. Anomg gusto mong juice? In-upgrade ko na yung utang kong tubig."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now