Capítulo Once - Hers

372 13 0
                                    

Napaiwas siya ng tingin ng ngumiti ako sakanya.

Ang transparent nyang tao in a way na may ilang gestures sya na malalaman mong may hindi sya sinasabi.

I want to know him more. Gusto ko syang kaibiganin talaga. Maaaring alam ko yung pakiramdam na nafifeel nya ngayon dahil parehas kami ngayon. We are moving on to the things na kailangan ng iwanan sa past.

Minsan kasi tanggap mo na. Pero bumabalik pa rin hindi naman maiiwasan yon. Kaya you have to move forward. We have to move forward. At nakakatulong yung pakikisalamuha sa mga kaibigan mo habang ginagawa mo 'yon.

"Huy! Jaki!" Nawala naman ako sa pag-iisip ng magsnap ng fingers si JM sa pagmumukha ko.

Sobrang lapit.

Kaya't hinawi ko iyon at bumalik ang atensyon sa iniinom ko.

"Oh!?" Sagot ko

"Oh kalma lalim ng iniisip mo kanina mo pa kami di pinapansin. Pinaguusapan ka na nga namin eh"

Napataas naman ang kilay ko dahil doon.

"Baliw!" Sabi ko sakanya

"Ano ba yun?" Bulong ko kay Madc.

"Wala girl nag-uusap lang kami tungkol sa California vacay nya dati. Lalim kasi ng iniisip malunod ka nyan sige ka. Enjoy the night!"

"Owkayyy?"

"Okay ka lang Jaki?"
Tanong ni JM sa akin na nakatayo sa loob ng bar counter.

May problema ba sila nung upuan nya at hindi siya mapakali?

"Oo naman! Ayos ako." Sagot ko. At tinitigan siya.

This man. Ang tulin nya mag tago ng emosyon.

Kanina lang ay napansin kong ang lungkot ng ngiti nya. Tapos ngayon naman totoong ngiti yung nakikita namin sa kanya.

Ang transparent nga pero malalim/malihim na tao. Siguro dahil syempre ilang days palang naman kami magkakakilala.

Pero yung trato nya sa amin parang same as the other friends nya naman.

Ang buti ng puso nya. Kaya ang daming blessings na binibigay sa kanya.

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Madc yung braso ko.

"'di ba Jaki?"

"Ha? Ahh oo."

Nagtawanan naman sila.

Nag-apir pa si JM tsaka si Melvie.

Pinagtitripan nanaman ako nung mga 'to.

"Ay jaki, Alam ba ng mommy mo na nandito kayo?" Tanong naman nya

"Oo naman. Nagpaalam naman ako no!" Napainom naman ako muli dahil sa tanong nya. Kahit nga siguro nasa mid 30's na ko magpapaalam pa ko sa mommy ko e.

"Nagpaalam pero di pumayag? Hahahaha joke lang. Wala ka namang curfew?" Dagdag pa nyang tanong.

"Curfew ka dyan.." pero ang usapan talaga namin ni mommy hanggang 12 lang.

"Hanggang anong oras ka ba pinayagan? Itetext ko ulit mommy mo sige ka. Hahaha!"

"Textmate kayo ni tita!?"

"May number lang textmate agad?"

"Madc, hanggang anong oras ba 'to? Mamaya ako mapagalitan eh." Natawa naman ako sa di nya pagpansin kay Melvie. Kanina lang sila tong magkasundo.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now