Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying

336 13 11
                                    

Tinext ko si JM na pupunta sana ko sa bar nya hindi naman ako iinom dahil nung huling beses ay sinabi na nya kay mommy. Gusto ko lang naman may mapaglabasan ng sama ng loob. Pero dahil di sya nagrereply. Tinext ko nalang sya na papunta na ko.

Sobrang weird kasi di naman sya madalas late nagrereply. Di ko na nga alam kung may ginagawa pa ba yun dahil kung makapagreply parang di nagtatrabaho bilang arkitekto.

Oo nagkabalikan nga kami ni tom nung nakilala ko si Jm pero ilang buwan naman matapos yun sobra nya ko sinuyo.
Wala e. Tinamaan nanaman ako. Pinipili ba talaga magpakatanga para lang sumaya? Wala bang ibang solusyon?

Kasi eto nanaman ako. Umiiyak. Tapos manunuyo sya. Gusto ko na kumawala na ayaw ko pa. Nararamdaman ko naman asing nagsisisi sya everytime na nagkakaganito kami. Siguro sobrang mahal ko nga sya talaga.
Pero di ako nagpapakita sa kanya ngayon. Nag-iisip pa ko. Ilang weeks na rin pero kapag naaalala ko yung nakipaghiwalay sya, naiiyak nalang talaga ko.

"Hoy babae! San ka pupunta?" Tanong sakin ni ate Madc. Nakabihis na kasi ako naghihintay lang ng go signal.

"JM" sagot ko sa kanya kahit umiiyak ako.

"Tumahan ka na nga dyan. Tumayo ka na. Ihahatid kita." Sabi nya sa akin.

"Oh, bimpo mo. Parang bata eh." Kahit sinasabihan naman nila ko ng ganun di naman ako naooffend.

Naggrab kami papunta doon. Napakamahal naman ng grab ngayon!

Nung nasa tapat na ay bababa na sana ko pero pinigilan ako ni ate madc.

"Teka! Yung tinataguan mo hinahanap ka yata."

Nakita ko naman si Tom kakalabas lang ng bar at sumakay na sa sasakyan nya.

Nang makaalis ito ay dali dali ako pumunta sa bar. Nagpaalam na rin ako kay ate Madc.

Nagvivibrate naman phone ko. Akala ko si Tom pero si JM pala.

"Hello JM, nasa labas na ko ng bar mo."

"Boss Jaki si boss JM!" Di ko na maintindihan yung mga sumunod nyang sinabi dahil medyo maingay.

"Toper!? Wait! Ano!? Nasa labas ako ng bar papasok na ko sandali."

Nagmadali naman ako pumasok sa bar.

Dumeretso ako sa counter kung nasaan madalas matagpuan si Chris. Pero wala sya doon. Si Greg lang.

"Ahm, Greg. Nakita mo ba si Chris?" Bahala na sya umintindi sa tanong ko. Kaya di ko 'to kinakausap e. Kahit tagalog yung sinasabi nya di maintindihan.

Tagalog na nga yung sinasabi may accent pa rin.

"Boss Jaki!" Napalingon naman ako kung saan nanggaling yung sigaw na 'yon ni Chris.

Sa tapat ng isang vip room.

Tumakbo ko sa kinaroroonan nya at nakita kong nakahiga si JM sa sofa at may nakatumba na yung bote sa sahig.

"Ano nangyari dito!? Di naman 'to nalalasing agad ah?" Tanong ko kay Toper. Nilapitan ko naman agad yung tulog na JM.

"Pagdating dito mainit ulo e. Tapos Nagpunta pa dito yung dating niligawan nya boss Jaki, nag-away sila pagkatapos nila makasagutan yung boyfriend mo."sabi nya. Ginising ko naman si JM sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat nito.
Naupo naman ako para makatapat siya. Dahil hindi sya umiimik.

"Si Tom?" Yun nalang yung naitanong ko dahil nakuha ng mukha ni JM yung atensyon ko. Hindi ko makita yung mahimbing na tulog sa mukha nya. Iba yung mukha nya ngayon, lungkot, galit, frustation, pain. Nakita kong basa ng luha ang mga mahahabang pilik mata niya. Malayong malayo sa palagi nyang ipinapakita na masaya, relaxed na tao.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now