Capítulo Ocho - Real Quick

383 11 0
                                    

Dalawang araw matapos kong ihatid sila Jaki ay buong araw akong nagpakabusy para matapos ko na yung mga concept at plans para sa company.

Friday naman ngayon ay nandito ko sa office. Kasama si Vhong. Binigay ko na sa kanya yung mga kailangan para sa presentation next week dahil panigurado ay 'di ko na maaasikaso iyon.


"Brad, aga mo naman. Tsaka ang aga mo naman nito tapusin? Aalis ka na ba? Next 2 weeks pa 'tong iba ah?" Nag-tataka naman nyang tanong habang kaharap yung ipad nya.

Napalitan naman iyon ng mapangasar na ngiti nang tignan nya kong nakaupo na cool lang sa harapan ng table nya.

"Navaro. Tigilan mo ko sa kakaganyan mo. Tatanggalan kita ng bibig pag di ka tumigil." Banta ko sakanya.

Napatakip naman siya sa bibig nya gamit yung dalawa nyang kamay.

"Takut aku!" Sabi nya habang nakatakip pa sa bibig.

"Siraulo. Para kang bakla."
Sabi ko sa kanya at kinuha yung rubics cube sa side ng table nya tsaka ako bumalik sa pag-kakasandal sa pagkakaupo.


"Wow naman! Wow lang talaga Vice." Pang-aasar pa nya. Na kunwari nadulas sa sinabi.


"JM." Pagtatama ko sakanya.

"Vice, JM. Kung anu man yon. Ikaw pa rin 'yon. Di mo matatakasan ang "Vice" sa history."


"Whatever." Ngumiti nalang ako.



"So bakit nga?" Naguluhan naman ako sa tanong nya


"Alin ba?" Tanong ko pabalik s kanya.


"Bakit ka andito?"

"Ayaw mo ba? Aalis na ko." Akmang tatayo ako pero muli siyang nag-salita.


"Bakit ang aga mo binigay 'to? Aalis ka na ba?"
Tanong nya.

"Hindi pa naman. November pa." Sabi ko.
Parang nag-hihintay pa siya ng sagot mula sa akin.


"Gusto ko lang ienjoy yung natitira kong weeks dito. Baka matagalan rin pagbalik e. Tsaka aasikasuhin ko yung mga kailangan ko." Sagot ko sakanya na parang nakukumbinsi naman.


"Kumusta naman kayo ng new friend....sssss mo?" Talagang hindi muna nya binanggit yung s sa dulo ng friends. Ito talagang kaibigan ko. Kilala talaga nila ko.


"Maayos naman. Napanood ko sila nung isang araw. Dancer sila e. Galing nila brad!" Proud na proud kong kwento sakanya. Napaupo naman ako ng maayos dahil doon.

Tumango tango naman siya. Palibhasa magaling rin sumayaw.


"Napakawalang kwenta mo kausap. Puro ka tango. Ilalagay na kita sa may windshield ng sasakyan ko e."


"E ano ba gusto mo sabihin ko? Kapag naman nag-salita ako sasabihin mo lang wag sila blah blah blah."


"E paano naman kasi brad may Tanya ka na. Tapos di ko alam kung loyal ka ba talaga sa tao." Biro ko dito. Alam ko namang loyal talaga sya maloko lang talaga sa pananalita.


"Kasalanan ko pa." Sabi nya.



Sandali kaming natahimik dahil nag-sketch nanaman siya.


"Do you believe in the 3 month rule, Vhong?"
Nabigla rin ako sa tanong ko. It just came out from my mouth.

Sumulyap naman sya na parang tinignan kung seryoso ba ko.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now