Capítulo Diecisiete - Love..

497 13 11
                                    

*Present*

Naglalakad kami papasok ng mall nang matanaw ko yung nakamotor kanina. Di yata sila magkasundo nung angkas nya. Di ko talaga feel magmotor. Parang ang delikado kahit maingat ka naman.

Padabog namang inabot yung helmet nung babae sa lalaki.

Kahawig nya yung dati kong nililigawan.



"Vice, gusto ko chicken. BonChon tayo."


"Ah- osige ba." Umangkla naman sya sa braso ko habang naglalakad papuntang bonchon.






"Honey glazed pa rin?"

Tumango naman sya at naeexcite na base sa kanyang ngiti.


"Hanap ka na muna upuan natin oorder na ko." Sabi ko sa kanya.



"Ayaw, sabay na tayo."



Nilingon ko naman kung marami bang mauupuan.

Dalawa lang naman kami kaya meron pa naman.


Sumunod lang sya sa likod ko

"Adahskaljaslalabskaa sir?" Sabi nung nasa counter ang dami nya kasing sinabi di ko naintindihan ang alam ko lang tinatanong nya order ko.

"Dalawang order ng 2 piece chicken. Honey Glazed. Pa-add nalang ng water."

"Blahblahblahblah."



Inabot ko nalang yung bayad ko. Ganun din naman yun eh.


Hinila naman ni Jaki yung shirt ko.


"O? Bakit?"


Nagningning naman yung mata nya ng mapatingin sa harap ko.
Nandito na pala yung order.

"Thank you." Sabi ko tsaka kinuha iyon.

Agad naman naghanap ng mauupuan yung kasama ko at sumunod ako.



"May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil bago pa maayos yung order ay hinila na nya yung damit ko.



"Wala. Lamig kasi eh."

"Sasabihin ko sana hanap na ko upuan."


"Wala akong dalang jacket eh sorry. Mamaya hanap tayo."



"Hanap?"

"Bili tayo mamaya. Bago maglaro."

"Ang sarap naman nito! Ang sarap mo naman beshywaps!" Di naman nya ko pinansin. Nagfocus nalang sya doon sa pagkain nya talaga.


Kumain na rin ako. Na paminsan minsan ay sinusulyapan siya.


This lady don't deserve to be hurt.


Lahat naman hindi deserve pero yung saktan sya ng wala naman syang ginagawa sa taong 'yon na 'di maganda. Hindi nya deserve 'yon.


"Ayaw mo na?" Tanong nya sa akin habang nakaturo yung tinidor nya sa isa pang manok sa plate ko.

"Gusto mo pa ba?" Tanong ko sa kanya

Sumubo naman sya ulit nung hinimay nyang manok na tinusok nya na tinidor. Tsaka siya tumango.



"Hati tayo. Medyo gutom pa ko eh." Sabi ko naman.

"Paanong di ka magugutom eh di ka naman kumakain. Nakatunganga ka ĺang sa akin."


PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now