Capítulo Veinticuatro - Heartbeats

349 15 2
                                    

Jaki's POV

"Mahal ko! Syempre doon tayo sa mahal natin. Yun yung magpapasaya sa atin." Sagot ko sa tanong ni Vice. Tinignan ko sya para syang may tinatago sa akin. Bigla bigla nalang sya nagtanong tungkol sa mga ganung bagay.

"Mahal mo pa ba?" Naramdaman kong may pag-aalinlangan siya sa pagtatanong talaga. Di naman awkward kapag tatanungin nya ko about sa ganun pero parang siya yung naaawkward. Parang dapat di ba ako? Weird.

"Konti nalang, hehe" sabi ko pa at tinaas yung kamay ko para imostra sa daliri kung gaano kakonti.

Bahagya naman siyang napangiti doon.

"Mahal mo pa yun? Napapasaya ka pa ba nya?"

"Teka nga, bakit ba mas bitter ka pa kesa sa akin?" Sabi ko at hinarap ko talaga sya kahit nagmamaneho siya. Qc palang naman kami safe pa dito.

"Ayaw ko lang nakikita kang nasasaktan. Sagutin mo nalang tanong ko."


"Hindi na ko napapasaya. Nasasaktan na ko." Sagot ko sa tanong nya.


"You'll never feel that pain again. Not anymore."
May diin na sabi nya.

Napansin ko namang medyo humigpit yung hawak nya sa manibela. What's with this man.. di naman sya ganito kapag nagkukwento ko dati.

Nabalot naman ng katahimikan yung sasakyan nya.

Nilakas ko naman yung volume nung radio nya para may tunog man lang kahit papano.

"Sorry. Medyo di lang ako okay."

"Okay lang."

Nagulat naman ako ng igilid nya yung sasakyan.


"Hala! Ano nangyari!? May naiwan ka ba?"

"Hindi, nagugutom kasi ako." Sabi nya tsaka kinuha yung mga pagkain na hakot hakot nya kanina.

"Gusto mo?" Tatango palang ako pero bigla ulit sya nagsalita.

"Di ba sabi mo di ka hihingi?" Nagsmirk pa siya.

"Magmaneho ka na nga lang ginugulo mo lang yung utak ko." Saad ko na nagpataas naman ng isa nyang kilay.

"Wala. Naguguluhan lang ako sa'yo weird mo lately, sobra."

"Sorry na." Randam ko namang sincere 'yon.

"Sige na." Sabi ko naman sa kanya

Nagbukas naman siya ng inumin at nagpunas ng daliri bago magmaneho ulit. Iniwan nyang nakalagay sa center console.

Gusto ko talaga kumuha kanina pa. Nagtitimpi lang ako.

"Kumuha ka na. Kanina mo pa tinitignan ng masama yung pagkain di ka naman inaano."

TIGNAN NYO? WEIRD DI BA? MAGTATANONG NG KUNG ANU-ANO TAPOS BIGLANG TATAHIMIK NALANG TAPOS MANG-AASAR.

PATI AKO NA CONFUSED SA MGA NARARAMDAMAN GINUGULO NYA.

Sa gigil ko kinuha ko yung buong lalagyan tsaka kumain ng kumain.

"Uy Jaki! Tiran mo naman ako ng pagkain aba! Wag po tayong garapal."

"Grabe!"

Di na sya nagsalita ulit kaya't nilingon ko sya. Mas relaxed na sya ngayon kaysa kanina.

Siguro nakapagcool down na sya. Iyon yung gusto ko sa ugali nya yung mabilis magpalamig ng ulo. Pero yung kaninang napakagulo ng pag-iisip pati ako naguluhan.


PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now