Capítulo Veintitrés - Choices

309 10 11
                                    

*Present*

Vice's POV

"Baliw ka talaga. Birthday ng kapatid mo di mo matandaan?" Dudang tanong niya.

"Di ko kasi maalala kung iyon nga yung huli." Paliwanag ko naman.

Natapos yung araw na nalinis namin yung penthouse. Mga ibabaw lang naman kasi talaga yung maalikabok. Yung mga gamit kasi ni Miguel naka-ayos base sa size at kulay.

May OCD kasi sya. Kahit yung sofa nya dapat pantay sa floor.

"Vice, san nga ulit yung CR dito?" Tanong ni Jaki na kakalabas lang ng Master's Bedroom.


Nilingon ko naman sya dahil tinititigan ko lang yung mga gamit ni Miguel dito.


"Meron doon sa may pinto. Meron dyan sa kwarto. Sa may gilid ng tv." Sabi ko naman.


"Miss mo na?" Tanong nya.



"Palagi naman." I gave her timid smile.



"Miss mo na yung ex mo!? MY GOD! VICE!" Sigaw nya sa akin may pahawak pa sya sa ulo nya kunwaring dismayado pa.

"Raulo! Si Miguel kasi!"


Dinampot ko naman yung bimpo sa tabi ko tsaka ibinato sa kanya. Bimpo nya yun.

Ni hindi manlang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Dahan-dahang bumagsak ang bimpo dahilan upang matakpan yung view ko para makita ko yung mukha nya. Paglampas naman doon nung bimpo nakita ko yung mapang-asar na ngiti nya.



"Thanks sa pag-abot dito." Pinulot nya yung bimpo at patakbong pumasok na muli sa kwarto para maglinis ng katawan siguro. Jaki being Jaki. Malinis sa katawan. Mapang-asar.


Hindi na ko nag-atubiling habulin pa sya dahil hindi rin naman sya magpapatalo.

Pinagpatuloy ko lang ang pagtigin sa mga gamit ni Miguel dito at binalikan ang mga bagay na naaalala ko pa.

Mga gamit nya na ako yung kasama nya bumili dito sa Pilipinas payi na rin sa California. Yung papapiliin nya ko sa mga choices nya pero yung hindi ko pinili ang bibilhin nya. Napailing nalang ako at napangiti nang maalala iyon.


Ako pala madalas sinasama mo kapag di pwede si Karylle bro. Hahahaha. Ngayon ko lang narealize.



Nagtimpla naman ako ng kape habang hinintay ko matapos si Jaki. Pumunta naman ako sa balcony habang nagdeday dream.


Naalala ko naman na hinihingi nga pala ni tita yung address.

Tita Che

Tita, gusto nyo po sunduin nalang namin kayo ni Jaki wala pa naman po kasi akong gagawin. ☺


Naupo naman ako sa hammock dito.


Kapag kaya di ka nawala Miguel, kasal na kaya kayo ni K?

Magkakasama pa kaya tayo sa California?

Magkakaroon pa rin ba ko ng Bar?

Inubos ko na yung kape kong timplado.

Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now