Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit

322 12 45
                                    

*Vice's POV

"Sige na kuya. See you later. Gising ka muna. Tapos punta ka ospital. Bahala ka na kung ano gagawin mo kay kuy's Vhong. Basta ako namimiss ko na ang tropa."

"Ha?" Sabi ko dahil wala akong nagets.

"Hakdog!" Pambabara naman niya. Poker face ko lang siyang tinignan.

Naligaw yata siya ng landas nung sumakabilang buhay na.


"Sabi ko gumising ka na! Tawagan mo si doc. Aalis muna ko. Bye. Kita tayo mamaya." Sabi niya tsaka siya naglakad papasok sa unit.




Unti-unting dumilim ang palagid ko.


Kumurap kurap pero wala pa rin ulit akong makita. Kagaya pa rin ng dati.


Naramdaman ko naman na may malambot na unan sa likuran ko. Panaginip pa ba 'to o tunay na?

Kinapa ko yung cane sa bulsa ko.. gising na ko. Totoo na 'to. Buhay pa ko.

Iniayos ko na ang foldable cane na kanina lang ay nilabas ko sa bulsa ko.

Still blind.

Narinig kong nagriring ang telepono ko sa loob.

Agad akong tumayo para sagutin iyon.

"Ouch! Damn!" Naramdaman kong nauntog ako sa ibabaw ng hanging chair.

Napakasakit naman nun!

Kinapa ko pa ang ulo na tinamaan baka nagdugo.

Pero parang wala naman akong naramdaman na dugo sa palad ko.

Nawala yung tunog ng telepono pero pumasok pa rin ako sa loob.



Naghanda na rin ako ng gamit para sa pagligo.

Noong una ay sobra talaga akong nahirapan sa ganitong kalagayan. Hanggang ngayon naman ngunit hindi na masyado.

Pinaayos ko ang mga damit ko dito ayon sa kulay.

Ang pinakanahihirapan lang ako ngayon ay ang pag gamit ng phone. Hindi ko na nga alam ang speed dial nito e. Kabisado ko naman kung paano gamitin yung sariling telepono. Pero hindi maiiwasan ang pagkakamali kung sino sino na lang nadidial ko minsan.

Bigla naman sumagi sa isip ko si siri.

Bakit hindi ko agad siya naisip? Bobo ko talaga.



Bago pa ko tuluyang mainis sa sarili ko ay tumunog muli ang phone.

Agad ko naman iyong kinapa at dali daling swinipe upang sagutin.

"Hello? May I know.."

"Vice." Pagputol nito sa itatanong ko sana.

"Yes po doc?"

"Gusto ko lang sana magbakasakali na sasagutin mo yung tawag. Para iremind ka na.."

"Pupunta po ako doc. Anong oras po?" Pagputol ko rin sa sasabihin nya. Ilang beses din sya nangungulit para sa mga follow ups at sessions

Kinukulit rin naman kasi siya ng mga kapatid ko kaya tawag ng tawag.

"Anytime mo gusto. Hintayin kita ha?" Paghingi nya pa ng kompormisyon

"I'll be there. Thanks doc."

"Sure. Masaya ako dahil hindi ka nagdecline."


Agad naman ako naligo at nagbihis.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now