Capítulo Cinco - Hatid, sundo

578 9 0
                                    

Nagising naman ako sa kalam ng sikmura ko.

Tinignan ko sa phone kung anong oras na ba.

8 na.

May itutulog pa ba ko nito mamaya.


May napansin naman akong notif. text unknown number at binuksan ko ito.

Suking suki ng unknown number itong sim ko ah.

"Pogs! Madc to. Pwede ka ba next week Wed.? confirmed na sayaw namin sa novaliches lang Sama ka?"

Ayos din tong si Madc tropa tropa agad kami.



Wednesday? Wala pa naman akong plans for next week. Pero kailangan ko na matapos yung designs.



Sinave ko na muna yung number nya. At pinagiisipan kung paano ko ischedule yung buong week ko.



To: Madc

"Anong oras ba? Tsaka saan kayo nun manggagaling? Hatid ko na kayo. 😊"


Text ko sakanya.


"Gabi. After work ni jaki alis na kami. Susunduin ko siya."
Reply naman nya


Palagi nyang sinusundo friend nya. Pansin ko lang. Tinatamad ako magtype para magtanong. Matawagan nalang.


"Hi Madc,"bati ko dito.


"Hello JM. Ano yon?"



"San ka ba manggagaling non? I'll pick you two para di na hassle." Offer ko.




"Free ka ba non?" Tanong nya naman.



"Oo para mapanood ko naman friends ko." Natawa naman sya sa sinabi ko.



"Damang dama mo talaga no?" Natatawa pa rin nyang sabi.


Naupo ako sa kama at nagsuot na ng pambahay na tsinelas.



"Bawal ba? Haha. Basta sunduin nalang kita tapos sunduin natin si Jaki. Ayos ba? Text mo nalang sa akin sa Wed. kung nasaan ka."


"Shoooorree shooooorreee. 5 pm ako sa condo."



Wait, sasayaw sila. E di ba kasama nila doon yung ex ni Jaki.



"Madc! Wait. Kasama ba yung ex ni Jaki sainyo? 'Di ba... kagrupo nyo sya?" Nagaalalang tanong ko.



" 'wag ka mag-alala JM. Di kasama yung group nila. Nagcocollab lang mga grupo namin minsan."




"Ahh sige. Salamat. Mag-iingat ka. Kain na ko." Paalam ko naman sa kanya dahil tumunog nanaman yung tyan ko kaya't napahawak ako dito.



"Thankyy, byieee."


Hinintay ko naman iend nya yung call bago ko tanggalin sa tenga ko.



Nang hawakan ko ang door knob ng pinto ay napansin kong wala na nga pala sa akin yung singsing ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglabas at bumaba sa dining.


Binili kong ring na naging pendant ng kwintas nya. Napabuntong hininga nalang muli ako.


"Mahal din yung singsing ko na 'yon."
Sabi ko sa sarili ko.



PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now