Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)

436 11 0
                                    

JM's POV

"Jaki.." tawag ko sa kanya napalingon naman sya.

"Hmmn?"

"Paano ka pala nagstart magsayaw?" Tanong ko sa kanya.

"Bata palang naman ako mahilig na ko magsasayaw. Tapos hs sumasayaw sayaw. Pagdating ng college doon talaga sya nafocus"
Kwento nya na parang binabalikan yung mga times na yon cause she's smiling unconsiously.

"Like how?" Tanong ko pa para magkwento pa sya.

"Being part of pep squad? At dance crew?" Patanong nyang sagot at natatawang yumuko.

"Wow! San!? Saan ka ba nagcollege?"

"Miriam College."

"Let me guess, ikaw yung tinataas!?" Napaharap naman ako sakanya.

Natawa naman sya.

"No, lifter ako."

"Totoo ka nga?" Gulat kong tanong

"Hindi ako sinungaling."

"Ang lakas mo pala. Ibubully sana kita kaso baka ibalibag mo lang ako kung saan" biro ko naman.

"Ay dapat na ba kita ihagis? Kasi ang bully mo sa akin."

"Pero, ang galing mo naman. Napagsabay mo studies tsaka pagiging part ng mga yun." Di ko pinansin yung sinabi nya baka lumipad na ko eh hahahaha.

"Mahirap talaga sya actually. Pero kasi doon ako masaya e. Yun naman yung mahalaga di ba?"

"After mo grumaduate, nagwork ka agad sa DFA?"

"Actually, hindi. Sobrang drained talaga ko noon! Sobrang napiga yung mga ugat sa utak ko."

Natawa naman ako mga words and expressions sa pagkwento nya.

"Nagsayaw muna talaga ko. Pinagtalunan pa nga namin yun ng parents ko eh. Sobrang love ko ang dancing. Iyon yata yung first love ko. Pero syempre 'di naman kasi sya fix talaga. Kaya nagdecide na ko maghanap ng work. Para na rin kila mommy."

"Well, related naman yata sya sa course mo di ba?"

"Oo naman. Pero ang gusto ko talaga mag-F.A. sobrang dream ko 'yon." Sabi pa nya na napagdikit pa yung dalawang palad nya.

"Kaso ang hirap kasi, di enough yung time, ganon. Tsaka ilan nalang kami sa bahay kasi yung iba kong kuya since may family na sila madalas si kuya Kiko nalang talaga kasama namin. Ayoko naman maiwan na si mommy doon kasi, ang sad kaya mag-isa. Kaya, nung sinabihan ako ni Madc na pwede pa naman rumaket raket ganyan. Why not kung may time somehow. Tsaka minsan nalang naman 'yon. Extra income."

Sobrang napahanga ako sa way of thinking nya in life kung gaano sya sobrang family related.

"At support naman sila sa akin sa pagsasayaw, di naman daw kasi mabibili ng pera yung kasiyahan na nakikita nila sa akin."

"Totoo naman din kasi" Nginitian ko sya.

"Kaya dapat happy ka lang, masaya magulang mo kapag happy ka." Napangiti naman sya doon.

"Hahaha. Salamat!"

"Para san naman?"

"Sa pagpunta dito. Tsaka sa pagiging friends."

"Sus. Maliit na bagay."

Di ko alam pero pakiramdam ko may nagmamasid sa amin.

Napalingon naman ako sa paligid. Nang mapalingon muli ako sa kanan ay nakita kong nakatingin sa amin yung ex ni Jaki, umiwas siya ng tingin pati na rin ako.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now