Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit

328 13 67
                                    

Jaki's POV

Sabado ngayon at hinihintay ko si Madc sa kabagalan niya mag-ayos ng mga gamit para sa pag-uwi.

Uuwi kami sa kaniya kaniyang bahay pero trip nya lang sumama sa akin pauwi bago siya umuwi sa bahay nila mismo.

Hinahayaan ko lang siya na sa pagmamadali nya habang ako ay nakahiga lang at nakatitig sa kisame. Hinihintay na bumagsak na lang iyon sa akin.

Nagrereminisce ng mga nangyari sa akin, sa amin.

Halos lahat nga yata ng mga natitirang convo namin sa phone ko kabisado ko na. Kakabalik-balik ko doon nung mga panahong iyon.

"Jaki, please wag mo ko iwan.." Naaalala ko yun paulit-ulit na sabi nya noong huling usap namin.

Knowing him na hindi talaga nagmamakaawa. Hindi pinapakita na umiiyak siya.

"O ano na? Ngayong wala na, iniisip mo naman? Kung kelan.."

"Okay ka na? Alis na tayo." Pagpuputol ko sa sasabihin nya tsaka ako tumayo agad at kinuha yung bag kong punong puno ng damit.
Lumabas na rin ako matapos ko uminom ng tubig ng madaan sa kusina.

"Bakit mo ba kasi iniwan yung tao?" Tanong nya nang maabutan ako doon. Dala na rin yung mga gamit nyang nakabalumbon lang sa paper bag dahil sa pagmamadali.

"Sa amin na lang yun. Kami nag-usap doon."

Di naman na sya ulit nagtanong. Sumakay na rin kami sa sasakyan nung nakausap nyang kaibigan raw na pupuntahan nya.

Di naman mawala sa isip ko yung tanong ng mga kaibigan namin na bakit kami naghiwalay. Kung bakit ko raw sya iniwan.

Eto na naman ako. Bumabalik sa alaala na naiwan nya sa akin.

Noong nagugustuhan ko pa lang siya, noong kami pa, noong masaya, at malaya pa sa mga gustong gawin.

*flashback*

Naririnig ko yung boses nung manliligaw ko sa labas ng kwarto. Magkausap sila ni mommy, naririnig ko pero di ko naiintindihan. Walang kakayahan yung utak ko iprocess iyon. Kahit gustuhin ko mang i-entertain siya ay mas ginugusto ng katawan kong pumikit at matulog ulit.


"Jak, anak, nauna pa sayo manliligaw mo aba. Baka naman maturn-off sayo si Vice."

"Yamu sya mi," mahina kong sabi dahil antok na antok talaga ko dahil sa kagagawan niya kagabi.

"Tumayo ka na dyan jaki, mahiya ka naman."

Napadilat naman ako dahil sa tono ni mommy.

Kulang na lang magpapadyak siya na parang siya yung anak para bumangon na ko.

"Sya po may kasalanan bat ako puyat. Papasukin mo nalang po. Paki-open na lang po yung door." Pakiusap ko at matapos iyon ay nagtalukbong na ko.

Matagal na rin naman siyang nakakapasok dito sa bahay minsan nga maaabutan mo na lang rin na nag-uurong sa kusina. Nagaapply yata siyang boy dito sa bahay.

Narinig ko namang sinabi ni mommy yung pinakasinabi ko pati yung pagtatalukbong. Natawa ko ng bahagya pero hindi pa rin ako dumidilat ulit.

Naalala ko pa noong una nyang pasok sa kwarto nung nagkasakit ako. Tiwala naman rin sa kanya pamilya ko.

Di pa rin ako umiimik kahit anong sinasabi nya sa gilid ng kama.

Naramdaman ko namang umupo siya sa space na meron sa kama.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now