Capítulo Treinta-- - Vices

327 12 4
                                    

Vice POV

"Jaki! Hinay-hinay lang. Para kang hinahabol ng kabayo sa takbo mo e."

"Hinahabol mo? Ano sabi mo?" Sabi nya kasabay ng pagtigil namin sa villa.

Pagod akong napayuko at napahawak sa tuhod na naghahabol ng hininga. Pero siya. Hingal lang. Palibhasa ay nagsasayaw kaya nakakapagexercise na rin.



"Mommy! Dito na po kami!" Tawag naman nya kay tita habang pumapasok sa villa nila.

Pumasok na rin ako at dumeretso sa kusina nitong villa nila at kumuha ng malamig na malamig na COCA-COLA! joke. Na tubig napagod ako. Sobra.



"Ano ba ginawa nyo at hingal na hingal 'tong ampon ko?" Tanong ni tita kay Jaki. Tapos hinimas himas naman yung likod ko.

"Biglang tumakbo tita! E hila-hila ako." Sumbong ko naman na parang batang binubully ng kaibigan.

Tawang tawa naman si Jaki na may hawak na sariling baso.


Sinalinan ko naman iyon habang umiinom ng sariling tubig.

Ulit.


Isang malalim na paghinga yung ginawa ko at pinakawalan iyon.







Natapos yung merienda at sumunod na rin yung hapunan.



Hindi nawala sa hapag-kainan ang pang-aalaska at pagsaway ni tita sa aming tatlo.

Naroon pa ang pag-akma niya ng tampal sa mga braso namin dahil ayaw namin magpaawat lalo na ang kuya ni Jaki.

One of the best night ever.




Next day afternoon.

Third Person's POV

Habang nakatanaw sa palubog na araw ang nakaupong si Vice na hinihintay matapos magligpit ng gamit ang pamilya ni Jaki ay siya namang pinagmamasdan ng babae sa malayo.

Nagdesisyon itong lapitan ang kaibigan. At tabihan ito sa pagkakaupo.

Naramdaman naman ng binata ang paglapit ng dalaga. Sadyang nasanay na rin ito sa presensya niya.



"Ang ganda ng sunset no?" Sabi pa ng dalaga sa kaibigan na siya namang nagpangiti dito bago tuluya siyang lingunin.

"Oo, may narealize nga ako dahil sa sunset."

"Ano naman iyon?"

Tanong naman ng huli.

Saglit na hindi umimik ang binata na dahilan para paghampas lang ng alon sa dalampasigan ang kanilang naririnig.

Sakto lamang ang pwesto nila para hindi mabasa sa inuupuang buhangin.

Nagpakawala ng isang bugtong hininga ang binata bago magbitaw ng mga salita.


"Na kahit sa loob ng ano mang araw, kung may hindi man kanaisnais na nangyayari, meron pa ring magandang nakikita bago matapos ang araw mo. Kailangan mo lang tumingin sa brighter side." Nilingon nya ang dalaga at binigyan ito ng sinserong ngiti.




"Ang dami mo na namang iniisip siguro. Gusto ko lang malaman mo na handa akong makinig sayo." Sabi ng dalaga bago ipatong ang kamay nito sa tuhod ng binata at bahagyang hinimas ito na dahilan naman para makaramdam ang binata na totoo ang sinabi ng kaibigan, na hindi talaga siya nag-iisa dahil kasama niya ang mga ito at pamilya ang turing sa kanya.




PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now