Capítulo Trece - This is Home

383 12 2
                                    

*Back to Present*

"Wag ka na umiyak. Please?"

"Patingin nga ng mukha mo?" Pinapakalma ko naman yung sarili ko habang pinapatahan siya.

Inangat ko naman yung mukha nya sa akin.

"Shhhh, wag ka na umiyak. Last mo na yan."

Pero iyak pa rin sya ng iyak.

"Jaki, ilang beses ko bang sasabihin na you deserve someone who isn't confused about the feelings they have for you?"

Pinunasan ko naman yung mga luha nyang patuloy sa pagbasag mula sa mga mata nya.

"Kumain ka muna."
Kumuha naman ako ng tubig dahil sure nanaman na mawawalan nanaman sya ng boses.

"Wag ka na umiyak. Ang pangit mo na nyan."

Di naman nya ko pinansin at sumubo na nung niluto ko.

Walang gana naman nyang kinuha yung tinidor at sinimulan na kainin yung niluto kong Creamy Chicken Mushroom Fettuccine.

"Ang sarap naman nito." Umiiyak pa rin nyang sabi. Naghahalo yung expressuon ng mukha nya na nagugustuhan yung pagkain at the same time nasasaktan.

"Ang sarap." Sabi pa nya habang humihikbi.
At uminom ng tubig na nilapag ko sa tabi ng plato nya.

Pilit nyang pinupuri yung luto ko kahit nasasaktan pa sya.

Huminto siya at nagpunas ng luha. Pero pinagtataksilan sya ng mga mata nya dahil lumuluha pa rin ang mga ito.

"Jaki..."

Niyakap ko naman sya ulit.
Nasasaktan talaga ko sa nakikita ko.

"Di ko na hahayaang masaktan ka ulit Jaki." Hirap na hirap akong magpigil ng luha. Pero pinipilit ko pa rin na huwag ito tumulo. Hinarap ko sya sakin at hinawakan yung magkabilang pisngi nya.

Tinitigan ko sya sa mata tsaka nagsalita.

"Hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit."

"Palagi mo nalang ako kinocomfort kapag ganito ako. Kahit hindi ako sumusunod sa'yo madalas. Pero trust me, kinoconsider ko yun. Promise." Sabi nya at yumakap ulit.

"Pwede bang ganto muna ko?" Sabi nya na mas hinigpitan pa yung yakap sa akin. Nakasandal lang sya sa dibdib ko habang hinihimas ang likod nya dahil ramdam ko naman na umiiyak nanaman sya.

Tumagal rin ng ilang minuto na magkayakap lang kami. Wala na kong pakialam kung malukot pa yung damit ko kung nangangalay na ko. Dahil kailangan nya ng taong iintindi sa kanya ngayon.

Mahal kita pero magkaibigan tayo. Isa ako sa bestfriends mo.

Di ko naman masasabi na hindi kita sasaktan kung susundin ko yung puso ko na sabihin sayong akin ka nalang. Pero isa lang ang sinisigurado ko. Ang hindi kita iiwan.

"Thank you. Ikaw talaga ang nag-iisang JM, Joms, at Vice. Kahit ano pang pangalan yung mga pinagdaanan mo ikaw pa rin yung akala kong tambay lang sa bar na sobrang bait na tao."

"Akala mo nagjojoke lang ako noon?"

"Oo. Di talaga ako agad naniwala. Nung kwinento lang ni Madc tsaka ko nalaman."

"Grabe kasi uminom."

"Parang siya hindi."

"Hindi naman na. After non. Occasional nalang."

Saglit namang nabalot ng katahimikan yung kusina.

"Alam mo. Di ka pa rin talaga nagbabago. You never failed to make me feel better."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now