Capítulo Veinte - Utak at Puso

394 13 14
                                    

JM's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Ang labo ng paningin ko.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.
Ngunit unti unti naman itong nawawala.

May naaaninaw akong nakayuko sa kama ko. Kinusot ko naman yung mata ko para umayos na ang paningin ko. Hindi nga ako nagkakamali..

Si Jaki, dito pala sya natulog. Nagising ako noong may nagring na phone at narinig ko yung boses nya. Tumawag yata sa kanya si Madc dahil narinig ko yung pakikipag-usap nya doon. Gusto ko imulat yung mga mata ko kagabi pero sobrang bigat nito. Kaya't hinayaan ko na lang na nakapikit ako. Kahit na akalain nyang tulog ako. Narinig ko yung rants nya. Yung pagbibiro nya na bakit di ko sya ligawan.

Gusto ko man sagutin iyon. Pero hindi pa sa ngayon.

Tinignan ko yung kabuuan ng mukha nyang malaanghel habang natutulog siyang ginawang unan ang kanyang mga braso. Kinakabisado ang bawat angulo nito, bawat parte ng mukha nya. Gusto kita Jaki pero hindi pa pwede.

Ayaw ko syang ligawan dahil alam ko sa sarili kong talo ako. Ayaw ko dahil hindi ko pa kayang magtake ng risk tapos mawawala sya sa akin. Baka di ko kayanin. Ayaw kong umamin habang hindi pa sya handa, habang magulo pa rin yung utak nya. Ayaw kong magmahal kung yung taong mahal ko may mahal pa rin na iba. Ayaw kong masaktan. Ayaw ko manakit. Ayaw kong dumagdag pa sa mga iniisip nya ngayon.

Maingat akong bumangon para hindi siya magising.

Kapag kaya nilipat ko sya sa kama magigising kaya siya?

Sinubukan ko siyang gisingin pero di nagising.

So I decided to carry her. Maingat ko siyang binuhat para sa kama siya mahiga. Kinabahan pa ko dahil gumalaw siya pagbaba ko sa kanya sa kama. Saglit pa kong hindi gumalaw para hindi siya magising. Tinanggal ko yung sandals nya na suot at kinumutan na rin siya.
Nilapag ko naman sa tabi ng pinto yung sandals nya para madaling makita at naglagay na rin ako ng tsinelas sa paanan ng kama. Kung sakali mang magising siya.

Nakita ko namang may instant soup sa side table ko katabi nito ang isang cup na may tea bag pero ubos na yung tea.

Nasa cabinet ko 'to ah. Ano pa bang hinalungkat nitong babaeng 'to?

Tinungo ko naman yung kitchen para dito sa soup. Kumuha na rin ako ng isa pa. Pero di ko muna ginawa.

"Bakit kasi sumalampak ka sa floor. Pwede naman sa lazyboy." Pagtukoy ko kay Jaki.

Pagbalik ko sa kwarto ay naupo ako kung saan siya natulog kagabi. Nagpalit lang kami ng position.

Medyo di pa okay yung pakiramdam ko, pero okay lang. Nakakagaan naman ng loob yung mala anghel na natutulog na mukha nung nasa harapan ko ngayon e.

Habang nagsusoup paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanya.

Nangmatapos ko iyon ay nilapag ko muna sa side table.

Ginaya ko naman yung position nya kanina tsaka naghum naman ako ng everytime na kanta. Nahuli ko nalang yung sarili kong hinihimas yung buhok nya. Nagulat ako doon pero napangiti nalang ako. Hinawi ko naman yung buhok nyang humarang sa mukha nya.

"I'm scared to fall in love
Afraid to love so fast
Cuz everytime I fall in love
It seems to never last"

Pagkanta ko ng mahina. Pero nagulat ako ng gumalaw sya at nagkusot ng mata.

Ibinalik ko naman yung braso ko sa pagiging patungan ng chin ko para mapagmasdan yung paggising niya.

Ramdam na ramdam nya pa yung kumot na nilagay ko kanina.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now