Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked

99 8 16
                                    

Nang matapos ang pagtutuos namin ng sarili ko sa presentation na 'yon, sariling kaba ko lang pala nagpahirap sa akin. Dumaan muna ko sa mabibilhan ng pizza at ice cream para sa opisina. Matuwa man lang sila sa project na 'to. Pero alam ko kakabahan muna sila dahil sa pinaggagagawa ni Vhong na kapag may ipaparush siya lagi nyang tinitreatmuna yung mga tao. Alam na alam na nila yung ganong style ng boss nila.

"Omg sir!" Muntik ko pang mabitawan ang mga bitbit ko sa gulat dahil sa lakas ng boses nung admin namin.

Agad agad naman nya kong tinulungan sa dala ko. Palagay ko lahat ng mata ay nakaabang na kapag pumasok na ko sa studio, may harang kasi ang admin at studio ng pader na may logo ng company kaya't hindi nila agad nakikita ang dumarating na tao.

Hinayaan ko muna na yung admin ang kumuha ng mga hawak ko at naupo ako sa waiting bean bag dito.

Feeling ko mas napagod ako sa byahe at pag akyat ng mga pagkain.

"Kumusta? Maraming pinabago? Ano sabi? Kelan daw nila gusto makita revision?" Mas napagod yata ako sa pagtatanong ni Vhong na walang hinto. Epekto yata ng kape na hawak niya. Akala mo chill lang sa malayo dahil sa tindig niya pero kabang kaba naman.

Pumikit na muna ko at tumagilid di ko na muna siya pinansin, parang gusto ko matulog dito.

"Huy.. ano sabi?" May pagsipa pa niyang tanong.

Palibhasa di nakilita ng empleyado kaya malakas loob manakit.

"Walang sinabi."

Natawa naman ako nung mapasapo siya sa noo. Parang malulugi na sya e. Hahaha. Malaking client kasi yung project.

Hinayaan ko muna sya magmukmok doon.

Nawalan na ko ng gana matulog. Nakisama na lang ako sa mga tao na di pa pala kinakain yung dala ko.

"O bakit di pa kayo kumain? Lalamig yung pagkain. Malulusaw yung ice cream."

"Guys kain na.." sabi naman ni Lein, pinakaunang admin namin. Talagang pinangunahan nya na magscoop at maglagay sa platito sabay balik sa station nya para magtrabaho. Naglalakad pa siyang may kutsara sa bibig. Ang cute lang. Mukhang keychain na baby steps para hindi matapon yung dala niya.

"Puro ka trabaho, Lein." Sabi ko pa at sinundan siya sa station nila.

"Ang daming kailangan sir for billing. Nag-email pa yung katatapos nyo lang na presentation. Dd agad? Ang tulin mo naman napasagot nun."

"Oh!? Nag-email agad? Ang dami nga nilang pera no? Sana lahat nagkukusa."

"Dd na!?" Malakas na sabi ni Vhong na napatayo sa kinauupuan niya kanina.

"Akala ko ba..walang sinabi?"

"Wala nga. Wala namang comment e. Kaya sabi ko walang sinabi."

"Woooaaaahhooooaaaah!!!" Sigawan yung mga tao sa studio. Pagtingin namin ay nagliliparan yung mga papel.

Kala mo ba may graduation sa tuwa nila.

Napatalon pa sa tuwa si Vhong. Parang bata.

"Kaya bumili na ko ng pagkain para early celebration. Alam kong puyat na puyat sila sa project na yun."

Wala pang ilang saglit ay pinagkaguluhan na yung pagkaing dala ko na kanina ay walang pumapansin.

"Kinikilig ako brad! Hahaha! Libre kita mamaya ng sa bar mo."

"Bar ko talaga? Salamat ha? Ang supportive."

"Kami na lang sir Vhong!"
"Paparty ka na Sir! Di ba sabi mo.."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now