Capítulo Treinta Y Nueve - Reason

361 13 22
                                    

Vice's POV

Nakita ko si Jaki.. kasama yung ex niya. Kita ko yung ngiti nyang matagal kong hindi nakita. Yung totoong ngiti.


Napatingin sila sa akin pareho.

May kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

May iba na ba?

Kasi naghihintay pa rin ako. Naghihintay ba ko sa wala?

"Vice." Tawag niya sa pangalan ko. Hindi katulad ng pagbanggit nya noon dati yung epekto. This time.. nasaktan ako.

"Jaki, mauna na pala ko. May dadaanan din ako kasi. Tsaka may bisita ka yata." Sabi ni tom na sinuklian nya ng ngiti.

Tumingin pa sa akin si tom na parang nahihiya o ano.. Di ko alam kung alam ba nito yung nangyari sa akin sa kagagawan niya. Yung hirap na pinagdaanan ko..

Di ko alam kung ano gagawin ko. Kung uuwi na o kakausapin pa si Jaki. May rason pa ba para mag-usap kami o di ko na talaga alam.

"Pasok ka." Casual na sabi niya. Lumapit pa siya tsaka aalalayan pa sana ako. Pero pinigilan ko siya.

"Kaya ko na." Tipid kong sabi bago bitawan yung hinarang kong kamay niya.

Nakipagpalitan ako ng tingin. Para ipaalam sa kanya na, okay na. Okay pa ko.

"Magaling ka na.." hindi iyon tanong. Hindi ko alam kung anong dapat pang maramdaman sa bawat salitang binibitawan nya dahil natatabunan yun nung sakit sa dibdib ko.

Pinilit kong huwag maiyak. Nandito na ko e.

"Oo. Pero hindi pa gaano."

"Tara, sa loob tayo mag-usap." Pag-aaya niya

Pinilit kong ihakbang papunta sa loob ng gate nila yung paa ko. Kahit katawan ko mismo ay di malaman kung tutuloy o hindi pero huminga ako ng malalim.para makakuha ng lakas ng loob sa mga maaaring mangyari.

Di ko alam kung ano pa yung silbi nung bulaklak na dala ko.

Tangina naman. Ibibigay ko pa ba ‘to? Parang di naman tatanggapin.

Bahala na.

“Jaki.” Tawag ko sa kanya noong nasa may pinto na siya.

Nilingon nya naman ako.

“Para sa’yo. Pero okay lang naman kung hindi mo tanggapin.”

Kinuha naman nya yun.

“Salamat, nag-abala ka pa, di naman kailangan nito.” Tumalikod na sya at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay nila kaya sumunod na rin ako.

“Upo ka. Kuha lang ako makakain mo.” Sabi pa nya tsaka siya dumeretso sa kusina nila.

Nilibot ko ng tingin yung bahay nila. Kagaya noong una kong punta dito maaliwalas, malinis, at maliwanag.

“Oh Vice. Iho, kumusta ka na? Magaling ka na ba? Naghahanda si Jaki ng makakain. Nagmeryenda ka na ba?” tanong sa akin ni Tita Che. Agad naman ako tumayo para magmano sa kaniya. Siya naman itong naupo sa katabing upuan sa sala.

“Medyo po kanina. Mabuti naman na po kahit papano, may improvements na po. Kakapunta ko lang po sa ospital kanina.” Ngumiti naman ako kay tita, ganun pa rin. Magaan kausap, kahit ang sakit sakit nung nakita ko kanina, doon ko napatunayan na hindi ko kayang mawala si Jaki sa akin.

“Ano naman sabi nung doctor? May iiwasan ka bang gawin o anu man?”

“Sabi po di pa totally okay na, pero hopefully po magtuloy tuloy na. may chance daw po kasi na mawala ulit. Tapos makakakita ulit. Ayun po. Iwas stress po siguro tsaka ingatan daw po na mauntog o aksidente, baka po mapaano pa kapag naulit.”

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now