Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal

310 13 38
                                    

Jaki's POV

After ng mahaba-habang byahe at pag-iisip sa kanya. Finally nakauwi na rin ako.

"Jaki, sa Lunes na lang ulit! Bye! See you!" Tsaka siya lumapit ulit sa sinasakyan namin kanina.

Sana tinext na lang nya nanay ko para hindi na siya nag-abala.

"Ay nga sya nga pala babaita.." tawag nya sa akin noong sinasara ko na yung gate.

"Ano na naman ba 'yon?" Mataray kong sagot kunwari.

"Wag ka masyadong pahalatang miss mo na sya. Wala namang masama. Kami rin naman. Namimiss na yung mokong na 'yon. Bye!" Kahit kailan talaga si Madc.

Napailing na lang ako sa sinabi nyang iyon.

"Kumusta ka naman?" Tanong sa akin ni mommy noong dumeretso ako sa dining pagkapasok. Habang tinutusok-tusok ko ngayon yung karne na ulam.

"Ma, pacheck-up na kaya natin 'to? Laging ganyan e. Di man lang kumakausap. Oo hindi turo at iling lang yata sagot nyan e." Napataas lang kilay ko sa sinabi ni kuya. Natatawa naman sila kuya patrick

"Kaya hindi ka kinakausap. Niloloko nyo alam nyo namang may pinagdadaanan yung kapatid nyo."

"Mamaya na lang po ako kakain mommy."
Sabi ko tsaka tinakpan yung pagkain ko. Mamaya ko na lang talaga kakainin para di sayang.

Pumasok naman ako sa kwarto tapos ang sasalubong sayo yung malaking baboy na regalo nya noong birthday ko.

Tinabihan ko naman 'yon. At tinitigan bago yakapin ng pagkahigpit.

Nagpakawala naman ako ng malalim na paghinga kakaisip.

Pagod na pagod na yata utak ko.

*flashback*

Babalik na ko. Okay na. Kaya ko na.

Kinakabahan ako na naeexcite habang nakasakay sa grab papuntang coffee bar nya, sabi ni Vhong ay malapit na rin daw siya.

Naalala ko pa noong nagalit sya sa akin.

Maayos naman kami nag-usap ni Vice. Pero nung naaksidente sya dun na nagsimula na magulo yung pakikitungo nya sa lahat.

Sinisisi ako ni Vhong kung hindi raw dahil sa akin hindi raw manggugulo sa bar si tom.

Nainis din ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin noon..mali, sapakin pala tsaka tadyakan. Matagal ko na kinalimutan si tom. At hindi ko naman alam na manggugulo sya doon.

Pagbaba ko sa grab ay siya ring paglabas ni Vhong sa sasakyan niya.

"Sama ka na sa akin pagpasok? Umiinom na naman yun." Sabi nya.

Tumango lang ako bilang sagot.

Pero noong paakyat na kami natigilan ako.

"Mamaya na lang pala. Mag-uusap yata kayo. Balitaan mo na lang ako."

"Okayy." Tipid na sagot nya.

Di man ako mapakali pero pinakalma ko yung sarili ko.

Nagpunta naman ako sa coffee counter. Gumawa ng sariling kape. Nakaramdam din ako ng gutom kaya kumuha na rin ako nung cake nag-iwan na lang ako ng note para kay troy gamit yung listahan niya ng orders at iniwan yung bayad ko doon.

Habang kumakain ay inip na inip naman ako sa pagbaba ni Vhong kaya't doon na ko kumain sa may hagdan. Dala dala yung cup at plate.

Naririnig ko naman na casual lang yung pag-uusap nila kaya ibinaba ko muna yung pinagkainan ko. Nagpunta na rin ako sa kitchen para hugasan yun pinagkainan ko.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now