Capítulo Diez - Stars and Manhattan

344 18 0
                                    


Di naman nya ko pinansin at tinitigan yung mga daliri ko na hawak nya.

"May tattoo ka pala? Astig naman nito. Matagal na ba 'to? Di ko napansin nung nakaraan."

"Wooooooaaah!! May isa pa!" Hinila nya naman yung braso ko dahil sa tattoo ko dito.

"Anong nakasulat?" Tanong nya naman sabay dutdot sa braso ko.

"Look at the stars, see their beauty. And in that beauty, see yourself." Sabi ko tsaka ako nagsmile.

"Ilan tattoo mo?"

"Lima." Ngiti kong sagot. Naalala ko kasi nung una kong nanligaw. May tattoo na ko isa tapos parang ayaw nya ng may ganon.

"Ay may stars pa dyan?" Turo nya sa wrist ko.

"Oo ito yung unang tattoo ko. Sumunod itong card suits Then ito yung nasa leeg ko." Lumingon ako para ipakita yung star tattoo ko sa right neck ko.Tapos itong rosary dito." Tinuro ko naman yung braso ko. Natatakpan rin kasi ng shirt. Inangat ko iyon ng konti para makita ng buo. Huli yung sentence."

"More on stars tattoo mo no?"

"Ahh, oo. Kasi nagstart yan nung achieve ko yung dreams ko. Itong bar, yung blessings na narereceive ko. Kaya star."

"Ang galing mo talaga magmanage." Sabi nya na may pagkamangha pa.

"Hindi naman. Siguro yung nangyari lang talaga sya in time."

"Gusto ko sana magpatattoo kaso di pwede e." Sabi pa nya.

"Bakit?"

"Nagdodonate kasi ako ng dugo."

"Actually gusto ko talaga magdonate dati. Kaso takot talaga ko sa syringe. Hehe" nahiya ako sa pag-amin ko.

"Laki mong tao takot ka don!?" May pagkalakas na sabi ni Madc.

"Wag ka na sumabat nageenjoy silang dalawa na sila lang naguusap." Sabi naman ni Melvie.

"Ay sorry na. Sige na magkwentuhan na kayo. Nahiya naman kami sainyo."

"Pwede ka pa naman magdonate e. As long as years ago na yung tattoo mo. Tsaka may piercings ka ba?" Nilingon nya naman yung magkabilang tenga ko.

"Ahm, wala pero meron dati. Matagal na 'tong butas. Di ko na nilalagyan. Minsan kapag pabad boy ganon haha. Wala lang."

"Kapag kasi ganun sa guys di ba, yung binabaril. Minsan naman needle lang."
Dami nyang alam sa bagay bagay.

"Oo haha yung masakit. Haha. Si Vhong lang nagbutas nito e. Pero bago naman yung pin na ginamit nya tsaka may alcohol yata. Tulog ako nung binutasan nya ko."
Nakikinig naman silang tatlo pero madalas talaga kay Jaki ako nakatingin kasi sya yung kausap ko. Wala namang imik yung dalawa.

"Hala! Buti di ka natusok!?." Hahaha.
Natawa naman sya doon sa sinabi ko.

"Natusok ko index finger ko napahawak ako e. Sira ulo kasi yun. Haha"

"Ano yung pendant mo?" Biglang tanong naman ni Madc. Napayuko naman ako sa suot ko



"Pakialamera ba namin? Haha ganto lang talaga kami kumilala." Sabi naman ni Melvie.

"Okay lang yun, hindi naman big deal."

"Ito?" Hinawakan ko yung pendant ko. Na rectangle na manipis na gold. Nakalubog yung letter na V.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now