Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill

398 13 0
                                    

"Gwapo ko ba?" Tanong ko naman sa kanya. Para iwasan yung gusto nya itanong o sabihin.

Dahil di ko alam, kinakabahan ako sa maaaring maging resulta.

"Hindi may dumi ka lang sa mukha." Agad ko naman ginalaw ang mga braso ko para ipunas sa balikat yung sinasabi nyang dumi.

"Saan ba?" Tanong ko pa.

Natatawa naman sya.

"Dito." Turo nya sa mukha nya para sabihin kung saang parte.

"Sa kabila." Sinunod ko naman.

"Dito pa."

Sige punas naman ako.

"Ayun pa. Eto pa oh." Turo nya sa mukha ko.

Winisikan ko naman siya ng tubig.

"Niloloko mo na ko eh." Parang baliw talaga.

Hinarang nya naman yung palad nya para masangga yung mga wisik ko

"Bumaba ka na dyan."

Automatic namang inabot ko ang dalawang kamay nya para alalayan sya sa pagbaba.

Tumalon naman sya at napahigpit yung hawak ko dahil baka mapano sya.

"Tara?" Sya pa nag-aya sa akin na akala mo naman ay alam yung pupuntahan namin.

"Buti di ka minalat." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay.

"Oo nga eh. Sayang!"

"Baliw!"

"Ang lakas kaya makasexy nung boses ko pag ganun."

"Ayaw ko. Masisira boses mo."

Kumuha naman ako ng tubig.

"Flower vase talaga mga baso mo no?" Inabot ko naman sakanya yung baso na half nung nainom ko na.

"Ubusin mo yan."

Kinuha ko naman yung susi ng kotse sa may sabitan sa ref.

Nakita ko namang nakasimangot syang inuubos yung tubig.

"Iwan mo nalang dyan. Tara na." Kinuha ko sa kanya yung baso at nilapag yon sa lababo. Tsaka ko siya inakbayan.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya habang nagpapatangay lang sa akin papuntang garahe.

"Basta." Inistart ko muna yung sasakyan Inopen ko naman yung gate. Naka leave kasi yung dalawa kong kasambahay ng matagal kaya wala akong kasama ngayon. Papapalitan ko na talaga 'tong gate ng automatic.

Pinagbuksan ko naman si Jaki ng pinto matapos maayos yung atmosphere sa loob ng sasakyan. Inatras ko naman ito palabas. At bumaba muli para isarado yung gate.

Napansin kong pinapanood nya lang ako palapit at papasok ng sasakyan.

"What? May dumi nanaman ba ko sa mukha? Hahaha"

Natawa naman din sya.

Itong batang 'to di pa nagseatbelt.
Lumapit ako sa kanya para abutin yung seatbelt at isuot ito sa kanya.

"Ayan. Safety first piglet." Sabi ko habang kinakabit yung seatbelt.

"Aray!!! Mashakeeeet!" Reklamo ko dahil pinagtripan nya nanaman yung pisngi ko.

Napahawak naman ako doon at sya naman ay nagplay sa audio nitong sasakyan.

Pang party talaga yung hinanap nya. Sinasabayan nya pa ng kanta at sayaw.

"SHOUT OUT TO MY EX! YOU'RE REALLY QUITE THE MAN! YOU MADE MY HEART BREAK AND THAT MADE ME WHO I AM! HERE'S TO MY EX! HEY LOOK AT ME NOW! WELL I, I'M ALL THE WAY UP I SWEAR YOU'LL NEVER BRING ME DOOOOWWWWN!"

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now